Chapter 4

611 22 0
                                    


Aiser's POV

"A-anong n-nangyayari?" utal utal na tanong ni Nathalie habang ako ay nakatingin lang sa mga taong malayo at nakatingin sa 'min.

"Mabuti nang u-umalis tayo." saad naman ni Kim. Pahakbang na sila papalayo pero nanatili lang akong nakatayo. May presensya sa likod namin kaya pinili kong tumingin do'n at hindi nga ako nagkamali.

"Hey! Stop!" sambit nung isa nung nagtangkang humakbang sila Nathalie.

Apat sila na nakikita ko ngayon at kung hindi ako nagkakamali.. sila yung kakarating lang na tinitilian ng lahat na para bang nakakita sila ng ipis.

"W-what do you want, S-sir?"

'Are you serious Nath?'

Taka ko syang nilingon dahil sa sinabi nya.

"Hoy.. Anong Sir ka dyan?" bulong ko sa kanya pero hindi nya ako nilingon. Kundi ay tumingin siya sa taong nasa harapan niya.

"W-wait.. kilala kita ah?!" biglang sabi nung 'hey boy' habang nakaturo pa ang hintuturo sa mukha mismo ni Nathalie.

"A-ako???" takang tanong ni Nathalie habang nakaturo pa sa mukha.

"Oo ikaw! Ikaw 'yung.. 'yung nasa sinehan! Ikaw 'yung nanunumbat! Oo! Ikaw nga 'yun!" sigaw nya at inalala ko naman yung oras na nasa sinehan kami.

'Namumukhaan ko sya. Sya yung nakasagutan ni Nathalie sa sinehan nung nahirapan kaming makalabas.'

Napatingin ako sa mga kasama nya pero hindi ko sila matandaan---

'Teka.. namumukhaan ko din yung isa..

Napako ang tingin ko dun sa isa na naka suot ng black na long sleeve polo at nakatupi ang mangas nito. Kung 'di ako nagkakamali, sya yung may ari nung black na kotse.

Oh? Bakit nakatitig sya sakin?'

Kumunot ang noo ko dahil parang gulat na gulat sya sa 'kin.

"A-anong nanunumbat?!--- Aba.. hoy! Ikaw nga 'tong naninigaw lang basta basta do'n! Ano ha?!"

Nabalik ang atensyon ko dito sa dalawang nagbabangayan na pala kanina pa.

"OMG.. who's that girl??"

"I don't know.. ngayon ko pa lang sya nakita dito."

"Gawd! Hindi na sya nahiya.. walang gumaganyan kay Fourth."

Dinig kong sabi mula sa crowd.

'Fourth?'

"Sinusundan mo ba ko ha?!"

"Anong sinusundan?! Ha! Ikaw?? Sinusundan?!" kunwaring hindi makapaniwalang tanong ni Nathalie. "No way! Highway!"

"Then, why are you here?!" sigaw na tanong naman ni hey boy. Kitang kita na sa mukha nito ang inis.

"Hahaha! Tinatanong mo kung bakit ako nandito? Ha?? Hahaha! Eh di para mag aral! Bopols!"

"Oh my gosh.."

"I can't believe this."

Kumento ng mga nanonood.

"What did you say?!?!" galit na sigaw ni hey boy at inawat naman sya agad nung mga kaibigan nya. Inawat din namin si Nathalie dahil handang handa na sya sa kung ano man ang sunod na mangyari.

"Stop it, Julian." awat nung isa kay hey boy na sa tingin ko ay sya yung tinawag na Nathan kanina.

"Tara na, Nath." sabi naman ni Nikka.

"Let's go, Julian." sabi naman nung.. Dave yata yon.

"Tsh!" singhal ni hey boy na Julian ang pangalan. Tinignan nya ng napakatalim si Nathalie. Nilabanan naman nya ito.

"Pagsisisihan mo." banta nya kay Nathalie bago tuluyang umalis kasama ang mga kaibigan nya.

Pagkatapos ng eksenang iyon ay nagsi-alis na rin ang mga estudyanteng nanonood kanina na masasama pa ang tingin sa 'min. Lalo na kay Nathalie.

"Lecheng 'yon! Ang kupal.. grabeee!!" sabi ni Nathalie at tinuro ang sarili nya. "Ako?? Susundan sya?? Ha! At bakit ko naman 'yun gagawin??"

"Sino ba 'yun?" takang tanong ni Kim.

"Sya yung nakasagutan ko sa sinehan nung pumunta tayo do'n. Alam ni Cassy 'yun."

"Oh, bakit mo nakasagutan?"

Kinwento ni Nathalie ang nangyari habang hinahanap namin kung saan ang classroom namin.



Julian's POV

NAKAKAINIS. Nakakainis talaga!

'Bakit ba napunta yun dito? Sa dinami dami ng school, bakit dito pa?!'

"Hahaha! Tinatanong mo kung bakit ako nandito? Ha?? Hahaha! Eh di para mag aral! Bopols!"

"Hahaha! Tinatanong mo kung bakit ako nandito? Ha?? Hahaha! Edi para mag aral! Bopols!"

"Bopols!"

"Bopols!"

"Bopols!"

"URRGHHH! I HATE IT!" mahinang sigaw ko dahil nasa classroom na kami at nasa harap na ang Lecturer namin. Nasa pinakalikod kami kaya hindi ako narinig ni Miss at inaalalayan ko ang boses ko kahit na naiinis na talaga ako.

"You're insane." Nathan said at napatingin naman ako sa kaniya.

"Ha! Ikaw ba naman ang itrato ng ganon? Tapos tawagin kang--- urrghh!! I hate it! Pagsisisihan nya talaga. Mali sya ng binangga. Tsh!"

"Pwede ba.. tumigil ka na dyan."

"Paano ako titigil kung hindi ko makalimutan yung buong pangyayari na kanina lang nangya---"

~~TOK TOK TOK~~

Napatigil ako sa sinasabi ko at napaharap sa pintuan dahil sa katok na iyon. Lumapit si Miss doon at binuksan ang pintuan. May kinausap sya mula sa labas pero hindi ko ito makita. Ilang saglit ang lumipas ay sumenyas sya na pumasok ang kung sino man ang kausap nito na nasa labas. Hindi ko maintindihan pero parang nag slow motion ang paligid nung makita ko ang mga taong pumapasok sa pintuang nasa harap.

'No..'

Kumurap ako ng ilang beses pero hindi ako nagkakamali.

'What the hell??'


Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon