Chapter 15

526 19 0
                                    


Kimberly's POV

Nandito na kami sa library para maghanap ng librong kakailanganin at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

Habang naghahanap ng libro ay lumapit ako kay Nathalie.

"Nath," mahinang tawag ko sa kaniya.

"Oh?" tanong nya at hinarap ako.

"Napapansin mo din ba? Or ako lang?"

"Ang alin?"

"Ito. Itong nangyayari ngayon." sabi ko. "Isipin mo, si Aiser at Kein magka-pares pa rin ngayon at ganon na din si Nikka at yung Nathan, pati na rin ikaw!" mahinang sigaw ko at taka naman nya akong tinignan.

"Oh, ano ngayon?"

"Hayst. Nevermind."

"Ganito lang kasi 'yan, Kim. 'Wag mong bigyan ng meaning." kumunot ang noo ko. Sasagutin ko sana sya pero bigla nya akong tinalikuran.

Hindi ko naman binigyan ng meaning, ah?

"Binibigyan ko ba ng meaning?" tanong ko sa sarili ko.

PAGKATAPOS kong maghanap ng libro ay uupo na sana ako sa kung saang pwesto. Pero napahinto ako dahil nakita ko si Dave na nakaupo na at parang may hinihintay.

'Ako ba ang hinihintay nya? OMG.'

Pero natauhan ako dahil partner ko nga pala sya. Partner sa exercise na gagawin.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya. Tinignan naman nya ako hanggang sa umupo ako sa harap nya.

"Can we start?" tanong nya sakin at tumango naman ako.

Few minutes later..

"Eh, paano naman 'to? Hindi ko gets eh." nahihiyang sabi ko sa kaniya.

"Sakin na lang yan. Ito ka na lang." turo nya sa isang question. Tumango naman ako at sinagutan 'yon.

Habang nagsasagot ay hindi naman matigil sa bangayan si Julian at Nathalie. As usual.

"Bakit 'to? Mali! Baliktad!" sigaw ni Nathalie.

"Sshhh!!" agad silang sinaway ng librarian.

"Ikaw kasi." dinig kong sabi ni Nathalie. Sinisisi nya si Julian.

"Anong ako?" inis namang sabi ni Julian.

"Silent please." saway ulit ng librarian at tumahimik na sila. Napatingin naman ako kay Dave at iiling iling naman ito.

LUNCH

"Grabe! Nagutom ako do'n, ah?" sabi ni Nathalie. "Biruin nyo, sunod sunod na activities ang pinagawa sa 'tin? Ni hindi na nga tayo nakapag recess, eh." dagdag pa nya.

Lumabas na kami ng classroom at sakto namang nasa labas si Lexie at Ben.

"Hi mga bakla!" bati sa 'min ni Ben.

"Hello," bati din namin sa kaniya.

"Ikaw lang ang bakla." dinig naming sabi ni Aiser.

"Oo na! Che!" inirapan ni Ben si Aiser na sya namang ikinatawa namin. "Anong ganap nga mga bakla? Mukhang haggard na haggard kayo dyan, ha?"

"Oo nga. Anong nangyari?" tanong naman ni Lexie.

"Eh, paano--"

"Excuse me." natigil si Nathalie sa pagsasalita dahil may isang babae na lumapit sa 'min mula sa likuran ni Lexie. Maganda ito at simple.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon