Chapter 31

481 16 0
                                    

Kimberly's POV

Lumipas ang isang araw. Lahat kami ay nagtataka dahil ang mga lalaking naka itim ay nandito pa rin sa school. Weird ang kilos nila para sa 'kin. Nagmamasid sila sa kilos naming mga estudyante pati na mga teachers at 'yon ang kataka taka. Kinakabahan at natatakot na din ang iba dahil sa kanila.

"Ano bang ginagawa ng mga 'yan dito??" taka at inis na tanong ko.

Kasalukuyan na kaming papunta sa canteen at nagkalat ang mga lalaking naka itim sa buong paligid. Para silang robot para sa 'kin o istatwa dahil hindi sila umaalis sa isang lugar. Nakatayo lang sila ngunit ang mga mata nila ay naglilibot sa paligid.

"Araw araw ba, kailangang nandito sila??" dagdag kong tanong.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanila."

Napatingin kaming lahat kay Nathan. Bahagyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin do'n sa mga lalaki.

"Ako din," seryosong sabi ni Nikka.  "Kinakabahan ako."

Napatingin ulit ako sa mga lalaking nagkalat sa campus. Napalunok ako dahil din sa kaba. Kakaiba nga sila.

Pagkarating namin sa canteen ay nag order agad si Kein at Dave para sa 'ming lahat.

"Alam niyo," napatingin kami kay Ben. "May chismis ako."

"Go ahead." I said.

"Iyang si Carmen.. madalas ng umabsent." sabi niya. "Alam niyo bang halos araw araw, absent sya at magugulat na lang kami, isang araw papasok siya na parang walang nangyari. Gano'n sya mga 'te! Grabe.." hindi makapaniwalang sabi niya. "Kung tatanungin naman namin siya kung bakit sya absent, tatarayan pa kami mga 'te! Aba'y ang sagot 'none of your bussiness'?!" pasigaw na sabi ni Ben at kitang kita namin na naiinis siya. Nagulat naman kami do'n at 'di din makapaniwala.

"Mukhang tama nga si Aiser tungkol sa ugali niya. Ngayon lang namin nalaman." sabi naman ni Lexie.

Napatingin ako kay Aiser, nasa lamesa lang ang tingin niya habang nakasandal at magka krus ang mga braso.

Oo naalala ko 'yon. Nung araw na mag-i-stay na kami dito sa school, sinabi sa 'min ni Aiser na hindi daw niya gusto ang ugali ni Carmen. Tinanong namin siya nung time na 'yon kung bakit niya nasabi 'yon pero 'di niya kami sinagot. Basta sabi niya mas makakabuting kami na lang daw ang dapat makaalam.

"Grabe naman siya. Dapat naisip niya na concern lang kayo kaya tinatanong niyo kung bakit absent siya lagi, hindi yung gano'n yung sagot niya." kumento naman ni Nathalie tungkol kay Carmen.

"Kaya nga 'te! Kaso hindi, eh!" si Ben.

"Ang ganda niya pero gano'n pala ugali niya." nanghihinayang na sabi ko.

"Sino ba si Carmen?" inosenteng tanong ni Clive.

Imbis na sumagot kami ay napatingin kami kay Aiser. Inalis niya ang magkakrus nyang braso at hindi na muling sumandal. Ipinatong niya ang mga kamay sa table at doon dumating sina Kein at Dave at hindi na namin pinag usapan pa si Carmen.

Pagkatapos kumain ay saktong vacant namin ng isang oras. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta ako ng comfort room.

Habang naglalakad papunta sa c.r ay napatigil ako nung makita ang isang pamilyar na tao na nakaupo at nakasandal sa lilim ng isang puno. Tinitigan ko itong mabuti at hindi nga ako nagkakamali.

'Si Dave 'yon.'

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at doon ko nakita na natutulog pala siya. Napangiti ako. Marahan akong naglakad papalapit sa kaniya para hindi siya magising. Umupo ako sa tabi niya nung makalapit ako and I'm lucky na hindi ko siya nagising. Tinitigan ko ang mukha niya.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon