Nathalie's POV
Lecheng Julian yon! Urghh! I hate him!
Naaalala ko pa lang kung anong nangyari kanina, naiinis na ako!
F L A S H B A C K
Pumasok kami ng canteen nangg hindi kasama si Aiser. Hindi ko alam kung bakit bigla syang tinamad, eh pagkain na yung pinag-uusapan. Oh baka naman...
"Hoy!"
Natigilan ako sa pag-iisip at napatingin sa paligid dahil may sumigaw na para bang ako ang tinatawag.
"Mangkukulam!" nagpantig ang tenga ko dahil do'n. Tumigil ang mga mata ko sa isang taong hindi kalayuan sa 'kin na hindi maipinta ang mukha. Nag ngitngitan ang mga ngipin ko dahil sa inis. Naglakad ito papalapit sa 'kin. Nanatili naman akong tahimik habang tinitignan sya kahit na gustong gusto ko syang sigawan.
"'Wag mo syang pansinin." bulong sa 'kin ni Nikka.
"Akala mo ba hindi pa ako tapos sayo? Pwes nagkakamali ka. Kung kanina ipinahiya mo ako, ngayon ikaw naman ang ipapahiya ko." dinampot nya agad ang isang basong may lamang juice na pula ang kulay at agad nyang ibinuhos ito sa mukha ko!
Masyadong mabilis ang pangyayari. Maraming mga matang nakatingin. Mga nagtatawanan na alam kong ako ang rason. Gusto kong magtago, gusto kong umalis ngunit hindi ako makagalaw.
Deja vu
"Julian!" dinig kong awat ni Vanessa.
"Nath.. ayos ka lang??" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Nikka at Kim. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko at kahit na nanlalabo ang paningin ko gumawa pa rin ako ng paraan para makaganti.
Ngayon pa ba ako matatakot lumaban? Ngayon pa ba ako aatras sa larong naumpisahan na?
Tsk. Hindi pwede 'to.
Agad kong kinuha ang basong nakapatong sa lamesang katabi ko lang na may lamang chocolate at agad na binuhos din sa kaniya. Matunog kong ibinalik ang baso at humakbang papunta sa kaniya. Kitang kita ko ang gulat sa mukha nya at dinig na dinig ko ang mga babaeng galit na galit sa 'kin dahil sa ginawa ko.
"Kahit sino ka man o ano ka man, hindi kita uurungan." mariin kong sabi.
Tumalikod na ako pagkatapos kong sabihin 'yon at agad na umalis sa lugar na iyon.
E N D O F F L A S H B A C K
"Aaahhhh!!" sigaw ko dahil sa inis.
"Girl kalma.. puso mo." maarteng sabi nitong bakla sa 'kin.
Nakapagpalit na ako ng damit pero hindi pa humuhupa ang galit ko. Salamat sa dalawang taong dumating ngayon dahil kung wala sila, baka tatlong oras pa ako mananatili sa loob ng restroom.
"Psh! Paanong hindi kakalma?? Ikaw ba naman ang buhusan ng juice sa harap ng maraming tao, eh di magagalit ka talaga at maiinis!" inis kong sabi. Huminga ako ng malalim para maalis ang inis na nararamdaman. "Buti na lang talaga nakabawi ako dun."
"Sana hindi mo na lang sya pinatulan dahil mas lalo ka lang nya sasaktan at pahihirapan." sabi naman nung magandang babae.
Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik ng building.
"Alam kong hindi lang sila basta bastang estudyante dito. Kung hindi ako lumaban do'n sa Julian na 'yon, maaari nyang gawin ang nais nya at ako ang kawawa. Mas mabuti nang lumaban kesa naman magpaapi sa bullying iyon!"
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomansMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...