Nikka's POV
Lumabas nga kami para magkwentuhan. Kasalukuyan kaming nasa coffee shop sa isang mall at treat ni Aki ang gastos.
Matagal tagal na din na hindi namin sya nakasama o nakausap simula nung umalis kami sa Westfield University.
Sa WU kami nag aaral noon. Lumipat kami sa ibang school para maka experience ng bago. Bago kami lumipat ay napag usapan naming apat na baguhin ang itsura namin. Nang sa gayon ay tumahimik ang buhay namin at maging ordinaryo lamang. Kapag wala sa 'min ang atensyon ng lahat ay magagawa namin kung anong nais namin, 'yon ang inakala namin, ngunit nung lumipat kami sa ibang school ng gano'n ang itsura, ang maging isang nerd ay nabully kami. Naka experience kami ng pambubully, na imbis na tumahimik ang aming buhay ay mas lalo pa yatang lumala.
Nagpalipat lipat kami sa ibang schools para lang maiwasan ang mga bullies ngunit kahit saan yata kami magpunta ay hindi na namin maiwasan ang mga bullies.
'Hangga't kami ay nerds, masasaktan at masasaktan kami dahil sa mga bullies.'
Akala namin, mas lalong masaya kapag nakalabas kami ng Westfield pero hindi pala.
"So, kamusta naman kayo?" tanong ni Aki.
"Okay lang naman." sagot ni Kim.
"Kamusta naman sa bagong school na nilipatan nyo?"
"Ayun. Hindi maganda." nakangiwing sagot ni Nathalie habang nakatingin sa expresso nya.
"Nabully na naman kayo??"
"Hindi. Mas malala pa do'n." sagot na naman ni Nathalie. "May nakabangga lang naman kami na isang grupo ng gangsters na pwede kaming patayin ano mang oras kung gugustuhin nila."
"Anong kami?? Ikaw lang Nathalie!" sabi naman ni Kim.
"Oh, eh di ako lang! Sige ako lang nakabangga!" inis na pag aako ni Nathalie at natawa naman kami ng mahina.
"Isa lang naman nakabangga mo. Yung Third." sabi ko.
"Wait." pangtitigil samin ni Aki. "Gangsters? Sa school nyo may gangsters?" tanong nya samin at tumango naman kami. "At ang pangalan nung isa ay Third?"
"No. They call him Third pero Julian ang name nya." sagot ko.
"Hmm." tango tangong sagot naman ni Aki.
Napatingin ko ako kay Nathalie nung biglang lumiwanag ang mukha niya. "I-hire kaya kita bilang body guard ko? Payag ka?" sabi niya kay Aki. Natawa naman ito dahil do'n.
"Nag aaral din ako katulad mo kaya hindi kita mababantayan. Mas mabuti nang iwasan mo na lang yung Third. Iwasan nyo ang away para hindi kayo mapahamak."
Nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan hanggang sa napunta ang kwentuhan tungkol sa WU.
"Kamusta na ang Westfield? Wala na kaming balita mula nung umalis kami doon."
"Maayos naman." sagot ni Aki. "Hindi na ito tumatanggap ng bagong estudyante." natigilan kami dahil do'n.
"Bakit?" sabay sabay naming tanong. Saglit natigilan si Aki bago sumagot.
"Hindi ko alam ang rason ni Dad. Ilang buwan mula nung umalis kayo, idineklara nya iyon."
Ang Dad ni Aiser at Aki ang may ari ng school na iyon. Hindi sya ang Dean ngunit sya pa rin ang masusunod. Walang Principal doon o kaya naman ay Dean ngunit may mga tao na nakakataas na syang sinusunod ng mga estudyante. Isa na sa nakakataas ay si Aki.
Ngunit ano kaya ang rason kung bakit hindi na tumatanggap pa ng bagong estudyante?
"Kahit bagong guro, walang nakakapasok." dagdag ni Aki.
"Makakapasok pa ba kami kung babalik kami sa Westfield?" tanong Nathalie.
"Oo naman." ngiting sagot ni Aki. "Sa tingin ko, nag iingat lang si Dad." makabuluhang bulong ni Aki na narinig ko. Gusto ko sanang itanong kung ano yun ngunit tumingin agad sya sa relo nya.
"I need to go. May aasikasuhin pa akong mga school papers." paalam nya sa 'min. Tumayo na rin kami dahil tapos na din kaming kumain. Pagkalabas ay muli kaming nagpaalam sa isa't isa.
"Mag ingat kayo." sabi nya sa amin.
"Ingat din." sabi namin sa kaniya. Ngumiti sya bago paandarin ang kotse nya at umalis.
Nagpaalam na rin kami sa isa't isa pagkatapos no'n. Pagkarating ko sa bahay ay napaisip ako sa sinabi ni Aki.
'Nag iingat lang si Dad.'
Anong nag iingat? Para saan? Kanino?
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...