Chapter 20

545 18 0
                                    

Lexie's POV

"'Te, bagay sayo 'to.." sabi ni Ben kay Aiser at kinuha ang isang royal blue na dress.

"Wag 'yang blue. Mahilig 'yan sa black!" sabi naman ni Nathalie.

"Black?! Pampatay gano'n?"

"Tss.. bagay naman sa 'kin kasi maputi ako." sabi naman ni Aiser ng walang halong pagyayabang.

"Eh, di ikaw na ang mapute! Hmpf!"

"Ibigay mo 'yan kay Kim, sigurado akong magugustuhan niya 'yan." sabi ni Aiser at gano'n nga ang ginawa ni Ben.

Inilabas ko ang cellphone ko at nagtext kay Kuya Kein.

Compose Message

Pupunta kami sa party. Prepare yourselves tonight ;)

Send!

Ang alam kasi nila ay hindi kami makakapunta dahil nga dun sa nangyari kay Nathalie. Pero nagbago 'yun nung hindi pumayag si Nath na hindi kami a-attend dahil lang sa nangyari sa kaniya.

Itinago ko na ang cellphone ko at lumapit sa kanila.

"May napili na ba kayo?" nakangiti kong tanong.

"Si Kim na daw ang bahala sa damit namin." sabi ni Aiser.

"Magaling siya sa pagpili pagdating sa mga damit." dagdag ni Nikka.

"Ohh.." tumango tango ako at tumingin kay Van.  "Ikaw, Van?" tanong ko.

"Nakapili na din." sagot niya.

"Sige.. pipili na rin ako ng sa 'kin." sabi ko at iniwan sila.

Pagkatapos naming isukat at bilhin ang mga damit namin ay pumunta naman kami sa bilihan ng mga heels. Syempre, pumili kami ng nababagay sa dress namin at kung saan kami magiging komportable. Matapos no'n ay sinamahan namin si Ben na bumili ng kaniyang suit at ang bakla.. gusto pa ay dress din ang isuot tsk. Matapos no'n ay nagpunta kami ng timezone at naglaro bago kumain sa isang fast food chain.

"Grabe.. nakakapagod maglibot libot dito sa mall. I'm haggard na you know?!" si Ben.

"Mukha ka ng haggard dati pa." sabi ko.

"Tigilan mo 'ko, Lexie, ha? Kung hindi ka lang kapatid ng my loves ko.. noon pa kita sinabunutan!"

"Haha.. maswerte pa pala ako na kapatid ko ang my loves mo.."

"Oh.. kayo naman mga 'te.." tawag ni Ben sa kanila Aiser at Lexie. "Kamusta naman ang mga love life n'yo? Mayroon ba?"

"Wala.. but I have a crush!" pagmamalaki ni Kimberly.

"Woooww.. ang lakas magmalaki na may crush, ah?" sabi naman ni Ben na ikinatawa lang ni Kim. "Oh, kayo naman mga 'te?"

"May nagugustuhan din naman kaming tatlo." sagot ni Nikka.

Napatingin ako kay Aiser nung kumunot ang noo niya habang kumakain. Si Nikka naman ay mas lalong lumapit dito at pinagkiskis ang braso nya sa braso ni Aiser.

"'Di ba, Aiser." sabi nito habang nakakalokong nakangiti. She's teasing her.

Sino kaya ang nagugustuhan niya?

"'Di ba, 'di ba?" pangungulit ni Nikka. Nakisali na din si Nathalie at Kim.

"Tigilan niyo 'ko." si Aiser.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon