Aiser's POV
Tatlong taon na rin simula nung mag bago kami ng hitsura. Tatlong taon na rin simula nung talikuran ko ang lahat.
Gusto ko munang maging ordinaryo. 'Yung maging simpleng tao. Kahit sa sandaling panahon lang.
Kakatapos lang namin kumain sa isang restaurant dito sa mall at kasalukuyan na kaming pumipili ng mga gagamitin namin para sa eskwela.
Bigla akong napadaing at napahinto sa paglalakad. May lintik kasi na bumunggo sa 'kin na konti na lang ay tumalsik na ang katawan ko dahil sa lakas ng pagkakabunggo niya sa balikat ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko nagawang kumalma dahil naramdaman ko ang sakit ng balikat ko.
Inis akong tumingin dito. Medyo tumingala pa ako dahil matangkad ito.
"Pwede ba, tumingin ka sa dinadaanan mo?" inis kong sabi sa kaniya ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa 'kin. Tumingin ako kila Kim pero masyado silang abala kaya hindi nila kami napansin. Muli kong ibinalik ang paningin ko dito sa lalaking walang ginawa kundi tumitig lang sa 'kin ng nakaawang pa ang labi na para bang gulat sa mukha ko. Tsk!
Tinalikuran ko na lamang sya dahil inuubos lang niya ang oras ko sa wala.
"Kein! Nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap bro.." dinig kong sabi ng isang lalaki bago ko talikuran 'yong abnormal na nakabunggo sa 'kin.
'Hindi man lang nag sorry. Peste. Tsk.'
"Are you done?" bungad na tanong sa 'kin ni Nikka. Tumango na lang ako bilang sagot.
Pagkatapos naming bayaran ang pinamili namin ay pumunta kami sa isang botique.
"Sa pagkakaalam ko, two weeks tayong magcicivilian kaya mabuti nang bumili tayo ng isusuot natin for two weeks." masayang sabi ni Kim at tuluyan na kaming pumasok sa isang botique.
Ewan ko ba sa mga 'to. Marami naman kaming maisusuot na alam kong bago ngunit nakatambak lang sa sari-sarili naming bahay pero gusto pa nilang mamili ng mas bago. Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala na akong magagawa lalo na't nandito na kami. At isa pa, pera naman nila ang ginagasta nila.
Naghiwa hiwalay kami para pumili ng anumang magustuhan naming damit. Pagkatapos naming pumili ay binayaran na namin 'yon sa counter.
"Tara sa mga sapatos." agad kong yaya nung makalabas kami sa botique. Dumiretso na kami sa botique at pumunta sa airwalk section.
Naghanap na 'ko ng sapatos na matitipuhan ko at agad ko namang napansin ang isang kulay black.
"Miss," tawag ko sa babaeng sales lady na nandoon.
"Yes, ma'am?"
"Size 8 nito. And may gray ba kayo na ganito rin?" tanong ko.
"Titignan ko po." sagot niya kaya umupo muna ako.
"Oh? Nakapili ka na?" napatingin ako kay Nikka na umupo din sa tabi ko.
"Hmm." tumango ako. "Ikaw?"
"Nakapili na rin." sagot niya.
"Eto na po, Ma'am." inabot sa 'kin nung sales lady kanina 'yong sapatos na sinabi ko at sinukat ko naman 'yon.
"Eto po 'yong gray, Ma'am."
Kinuha ko 'yung hawak niya. "Okay na. Alam ko namang kasya rin 'to sa 'kin." ngiti ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
DragosteMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...