Kein's POV
Hindi ko makalimutan kung paano ko sya unang nakita. Kung paano sya tumingin nung nabunggo ko sya sa mall at kung paano sya lumingon nung kami ay nasa sinehan. At ngayon, classmate ko na sya.
"Tsk." napailing ako sa iniisip. Lumabas ako sa kotse matapos 'kong magpark.
Nakita ko ang kotse ni Nathan at Dave kaya paniguradong nandito na sila. Sa aming apat, silang dalawa lagi ang nauunang pumasok at nahuhuli si Julian dahil may kapatid pa syang hinihintay araw araw.
"Hi, First.." napalingon ako sa bumati mula sa aking likod. Isang nerd na medyo curly ang hair na nahihiyang tumingin sa 'kin ng direcho. Simple akong ngumiti sa kaniya. Nagsimula namang nagbulungan ang mga tao sa paligid namin na nakakakita.
"Ahmm.. p-pwede bang i-imbitahan kita?" utal utal nyang tanong sakin.
"Eighteenth b-birthday k-ko kasi bukas.." utal utal nyang sabi at tumingin sa sahig. Napatingin ako sa ibang direksyon at napakamot sa ulo.
'Paano ba 'to??'
Lumingon ako sa kaniya at nagsalita. "Ahh.. kasi busy ako bukas. Happy Birthday na lang hehe."
Ang totoo nyan, hindi ako umaattend kapag may nag imbita sa 'kin na babae. Nagdadahilan ako para hindi makapunta dahil alam kong kapag may pinagbigyan ako, kakalat 'yon sa buong school at baka ano pang mangyari doon sa babae kapag nagkaganon.
Tumingin siya sa 'kin. "Naiintindihan ko hehehe.. ahmm thanks nga pala." ngiting sabi nya. Pagkatapos no'n ay nanatili na sya tahimik at hindi pa rin umaalis.
"Ahm.. okay lang ba kung mauna na ako?" pagtatanong ko nung wala na syang balak sabihin.
"Ahh sige hehehe.." bago ko umalis ay ngumiti ako ng tipid sa kaniya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay muli nya akong tinawag.
"First!" lumingon ako sa kaniya.
"Thank you nga pala dahil nakausap kita." sabi nito. Ngumiti na lang ako bilang sagot at umalis na.
Napatingin ako sa relo ko at napasabunot sa buhok nung malamang late na pala ako.
Aiser's POV
Nasarapan na naman ako sa pagtulog at ngayon kasalukuyan kong tinatahak ang daan papunta sa building at alam kong late na ako. Binilisan ko ang paglalakad baka sakaling umabot pa ako kay Miss Hale, first subject namin. Sya din yung nagsabi sa 'min na puro pagpapakilala lang ang gagawin namin kahapon.
Pagkaakyat ko sa floor namin ay may nakita akong isang lalaki na mukhang late din katulad ko. Hindi ko na binilisan pa ang paglalakad dahil malapit naman na ako.
'Oh? Classmate ko?'
Pumasok yung lalaki sa classroom ko nang hindi man lang kumatok sa pinto. Pagkarating ko sa tapat ng pinto ay kumatok muna ako ng tatlong beses para hindi masabihan ng bastos. Baguhan pa naman ako. Pagkatapos kong kumatok ay binuksan ko na ang pinto at pumasok na. Bumungad sakin yung likod ng lalaki. Napatingin sya sa likod at bahagyang lumaki ang mga mata nya nung nakita nya ako.
Sya yung naka long sleeve na white kahapon. Kung hindi ako nagkakamali, Kein ang pangalan nya.
Tumingin ako kay Miss Hale na nasa harap at binati sya.
"Good morning Miss." bati ko. Ngumiti sya sa 'kin at tumango.
"You may take your seats." sabi nya. Naglakad na ako papunta sa upuan ko gano'n na rin yung Kein at naupo na.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...