Chapter 23

464 18 1
                                    

Nikka's POV

Lunes.

Papunta na kami sa building para pumasok. Lahat ng mga taong nakakakita sa 'min ay nagbubulungan at yung iba ay naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila. Hindi sila makapaniwala na kami yung nerds na transferee dito sa school na binully nila tss.

Sumabay ako sa paglalakad ni Aiser para kausapin siya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

"Bakit lahat kayo, ganyan ang tanong niyo sa 'kin?"

"Mukhang hindi ka kasi okay." sagot ko at hindi naman siya nagsalita.

Hanggang nung makapasok na kami sa classroom ay hindi na siya nagsalita kaya hindi ko na siya kinausap.

Pumasok si Miss Hale sa classroom at humarap sa 'ming lahat.

"Class, may bago kayong classmate. Please welcome him." agad na sabi ni Miss Hale sa 'min at nasorpresa naman kami. Napatingin kami sa lalaking pumasok at gano'n na lang gulat ko pati na rin si Kim at Nathalie nung makita kung sino 'yon.

"Woahh!! Grabeee... ang gwapo niya.." bulong ng katabi ko.

Huminto siya sa harap.

"Please introduce yourself." sabi ni Miss Hale sa kaniya.

Humarap siya sa 'ming lahat at ngumiti.

"Good morning everyone, especially to the girl in second to the last row na nasa dulong kaliwa," napatingin kami sa row na sinabi niya. Doon ko napagtanto na si Aiser ang tinutukoy niya.

"Yiieeee!!!" dinig na dinig ko ang tili ni Kim mula sa upuan niya.

"My name is Clive Silva and I am your new classmate. Nice to see you all." bahagya siyang nag bow pagkatapos magpakilala.

"You may take your sit." sabi ni Miss Hale.

"Can I sit beside her?" turo niya. Napatingin kami kung sino ang itinuro niya. Si Aiser na kunot na kunot na ang noo.

"May nagmamay-ari na sa seat na katabi ni Miss Arcilla but he's absent so pwede kang umupo doon."

"Is it okay Miss na do'n na ang magiging upuan ko not only today?"

"Sure, its okay. Ako na ang bahala kapag pumasok na si Mr. Carcel."

"Thank you, Miss." nakangiting sabi ni Clive at naglakad na papunta sa upuan na katabi ni Aiser. Tumili naman ng mahina si Nathalie at Kim.

"So now, our topic for today is about plate tectonics."

Nag umpisang mag discuss si Miss. Pagkatapos ng ilang subject na puro discussion at recitation ay lunch na agad.

Lumapit agad kaming tatlo pati na rin si Vanessa kay Aiser at Clive.

"Uyy grabeee!!! Hindi namin inaasahan na may transferee at mas lalong hindi namin inaasahan na ikaw pala 'yon! Hahahaha!" si Nathalie at tinapik sa balikat si Clive.

Kilala namin si Clive dahil nag-aaral din siya sa Westfield at 'yun na nga, hindi namin inaasahan na nandito siya ngayon.

"What are you doin' here? Sinundan mo ba si Aiser dito? Yiiieee!" si Kim.

"Hahaha gano'n na nga."

Nagulat kami. "For real!?"

"Tss.. tara na. Nagugutom na ako." naglakad na papalabas si Aiser.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon