Chapter 32

429 17 0
                                    



Clive's POV

Nandito ako ngayon sa gilid ng isang building kung saan madilim at walang makakakita sa akin.

Kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang isang nakahandusay na lalaki na sa tingin ko ay wala ng buhay. Tanging sinag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa paligid pero sapat na ito para makita ko ang lahat ng tao sa paligid. Nasa tabi ng nakahandusay na lalaki ang dalawang nakaitim na lalaki na armado at tila inaalam kung buhay pa ito o patay na. Sila ang mga lalaking kumuha ng mga cellphones sa mga estudyante. Ang mga lalaking kahina-hinala ang kilos.

'May mali nga sa eskwelahang ito.'

"Anong nangyari?"

Halos mapatalon ako sa gulat dahil doon. Pagkatingin ko ay si Miss Aiser lang pala. Napahawak ako sa dibdib dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa gulat.

Hindi ko talaga maramdaman ang presensya niya kahit kailan. Ang bilis nya kumilos at magugulat ka na lang na nasa tabi mo na pala siya.

"Nahuli ako ng dating. Anong nangyari?" mahinang tanong niya habang nakatingin dun sa lalaking nakahandusay.

"Pinatay siya." sabi ko at doon kumunot ang noo niya. Kahit madilim ay kitang kita ko iyon dahil nasanay na ako sa dilim dahil kanina pa ako dito sa kinaroroonan ko.

"At sila ang pumatay?" tumingin siya sa mga lalaking armado. Tumango naman ako.

"Yung lalaking nakahandusay ay siya yung kanina na gustong mag cutting class. Sinusubukan nyang tumakas ng ganitong oras pero nahuli siya--"

"At pinatay?" pagdudugtong ni Miss Aiser sa sasabihin ko sana. Napatingin ako sa kaniya nung hindi siya umimik. Nakatingin pa rin siya sa mga armadong lalaki ngunit ngayon ay masama na ang tingin niya.

"Wala silang karapatang pumatay ng isang estudyanteng ang kasalanan ay napakaliit lamang."

Ramdam ko ang galit niya at kinakabahan ako dahil doon.

"Anong gusto mong gawin?" tanong ko.

"Ang patayin din sila." sagot niya at hindi ako nakapagsalita. Tumalikod sya sakin. "Pero hindi ngayon dahil kulang pa ako ng impormasyon." pagkatingin ko sa tabi ko ay wala na siya.

Hindi ko na siya hinanap dahil alam kong umalis na siya. Muli akong tumingin sa dalawang lalaki na ngayon ay naging apat na at kasalukuyan silang nagmamasid sa buong paligid. Agad akong tumago nung napatingin ang isa sa akin. Minabuti ko ng umalis sa lugar na iyon at bumalik sa dorm dahil baka mahuli pa ako.

Nung nakaraang mga araw ay bahagya akong naging abala dahil sa pag iimbistiga sa mga lalaking iyon. Utos yun sakin ni Miss Aiser kaya ginawa ko pero wala akong nakuhang impormasyon. Wala akong nalaman tungkol sa kanila, kung sino ba talaga sila at kung bakit sila nandito. Ang tanging alam ko lang ay nagkalat sila sa buong school at pati sa forest ay may nakatalagang tagabantay. May bantay din ang labas ng pintuan ng Principal's Office at ang kaniya mismong tinutulugang kwarto pati na ang mga Teachers ay ganon din.

Hindi ko alam kung sino ba talaga sila pero ang alam ko lang sa ngayon ay nakakasigurado akong may nag uutos sa kanilang lahat at kailangan ko itong malaman. Lahat ng tungkol sa kanila, kailangan kong malaman.

Pagkarating ko sa puno na nasa gilid ng dorm ay agad ko itong inakyat ng walang kahirap hirap at nung nasa taas na ako ay naglakad ako sa isang sanga kung saan patungo ito sa bintana ng kwarto ko. Nung makapasok na ako sa bintana ng aking kwarto ay tinignan ko ang paligid sa baba at siniguradong walang nakakita sa akin bago ko isara ang pinto.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon