Chapter 37

438 15 3
                                    



Aiser's POV

Naiinis ako.

Naiinis ako dahil wala akong magawa para iligtas yung iba. Hindi ko alam kung sino ang susunod nilang papatayin. Wala silang pinipili. Basta mga lalaki ang kanilang pinapatay.

Kung alam ko lang sana kung sino ang isusunod nila, magagawa ko itong iligtas.

"Tss.."

Kumulo ang dugo ko at naikuyom ko ang palad ko nung makita ang napakalaking tarpaulin at nakasulat don ang pangalan kong Cassy Arcilla na isinulat gamit ang dugo.

'Magbabayad ka talaga, Mallar.'

Inis kong inalis ang tingin ko at nagpatuloy sa paglalakad ngunit bumagal ang aking paglalakad nung nakita ko ang mga kalalakihan na armado na nagkalat sa paligid. Napatigil ako sa paglalakad. Nakututok ang mga baril nila sa mga estudyanteng katulad ko maging sa mga guro.

"'Wag niyo kaming papatayin!"

"Parang awa niyo na!"

Takot na pagmamakaawa ng ilan habang umaatras dahil papalapit ng papalapit sa kanila ang mga lalaki habang nakatutok pa ang mga baril nito sa kanila.

Napatingin ako sa paligid at doon ko napagtanto na parang iniipon ang lahat ng mga estudyante pati na ang mga guro sa iisang lugar.

Agad kong naikuyom ang palad ko at tumakbo paalis. Agad kong hinanap sina Clive at ang mga kasama namin ngunit wala akong nakita ni isa sa kanila. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba at takot. Takot na baka kung ano ang mangyari sa kanila.

Humiwalay ako sa kanila kanina dahil may tinignan lang ako. Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari sa araw na 'to. Tss.. peste!

"Tigil."

Napatigil ako bigla nung marinig ang pagtunog ng hammer ng baril. Kahit hindi ko ito nakikita, alam kong nakatutok sa akin ngayon mula sa likuran ang sang baril na hawak ng isang lalaki.

"Lakad, kung ayaw mong mamatay." sabi nito mula sa aking likuran. Nagtiim ang bagang ko at sumunod na lang sa kaniya.

Kayang kaya ko syang patumbahin ngunit alam kong kapag kinalaban ko ang isang 'to ay matututukan ako ng daang daang baril at baka ito pa ang ikamatay ko. Mabuti nang sundin ko ang pesteng ito.

Ramdam ko ang nakatutok pa rin nyang baril sa likuran ko habang naglalakad. Habang pinapakiramdaman ko ang pagsunod niya sakin ay nililibot ko ang paligid gamit ang paningin ko para mahanap ang mga kasama ko. Nakita ko ang ibang estudyante na ganito din ang sitwasyon sakin. Pinapasunod sila habang nakatutok ang baril sa kanila. Takot at nagmamakaawa.

"Tigil." utos sa akin ng lalaki sa likuran ko. "Dyan ka lang sa pwesto mo." utos nyang muli.

'Tss.. sino ba 'to?'

Lumingon ako sa aking likuran upang tignan ang lalaki. Kumunot bahagya ang noo ko nung nakita ko siya. Ibang iba siya sa mga lalaking bantay. Iba ang tindig at postura. Napatingin ako sa kaniyang baril. Ibang iba din ang kaniyang baril sa mga lalaking armado. Nakakasigurado akong mataas siya sa lahat at nakakasigurado din akong malapit siya kay Mallar.

Ibinaba niya ang kaniyang baril at isinuksok. Ngumisi siya sakin.

"Hi miss." nakangiti nitong bati sa akin.

Maputi, matangkad, itim na itim ang kaniyang buhok, naka leather jacket na kulay pula at itim na damit naman sa loob. Masasabi kong gwapo siya pero hindi siya ang tipo ko.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon