Nathalie's POV
Layuan? Tanong ko sa sarili. Kung 'yun ang ikatatahimik ng buhay ko, gagawin ko kahit na sinabi ko na lalaban ako. Kung sya lang ang magiging kalaban ko, ayos pa. Pero kung lahat ng babae dito sa school, 'wag na. Gusto kong tumahimik ang buhay ko. Ayaw ko nang may dumagdag pa sa problema ko dahil sa isang tao kaya iiwas na lang ako.
*bugsh!*
Bigla akong napabagsak sa sahig nung may sumadyang bumangga sa 'kin. Hindi ako tanga para isipin na aksidente lang iyon.
Napapikit ako sa sakit at hinawakan ko ang kanang balikat ko. Inis kong inangat ko ang tingin ko at nagulat na lang ako nung nalamang si Julian ang nasa harap ko.
'Layuan mo si Fourth'
Umulit 'yon ng isang beses sa pandinig ko. Pinapaalala ang nangyari kanina. Yumuko ako at tumayo. Lalagpasan ko na sana sya ngunit hinila nya ang braso ko. Napapikit ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa 'kin.
"At saan ka pupunta?" tanong nya at ibinalik nya ako sa harapan nya gamit ang braso ko na hawak hawak nya. Tumingin ako sa mga mata niyang nakatitig sakin. Nilabanan ko 'yun at agad din na nag iwas.
"Natatakot ka na ba? Akala ko ba nag uumpisa pa lang? Bakit parang umaatras ka na?" napangisi sya na para bang inaasar nya 'ko ngunit hindi ko pa rin sya sinagot.
Napaiwas ako ng tingin at dumapo 'yon sa bandang likuran ni Julian. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang kaninang dalawang babae na kumausap sa 'kin. Nakatingin sila sa 'min, sa 'kin, at binabantayan kung ano ang gagawin ko.
"Wala ka bang sasabihin---" naputol ang sinasabi ni Julian nung may tumawag sa pangalan nya mula sa aking likuran. Hindi na ako nag aksaya ng panahon para lingunin kung sino ito. I grabbed the chance para tumakas sa kaniya.
Dumaan ako sa kinaroroonan ng dalawang babae at nung kami ay magkalapit ay nginisihan ako ng isa. Hindi ko sya hinarap at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad upang makaalis sa lugar na 'yon.
"Nath!" napatigil ako sa mabilis na paglalakad at napalingon kung saan nanggaling ang tawag na iyon. Nakita ko ang mga kasama ko kasama si Ben at Lexie. Sigurado akong pabalik na din sila.
"Saan ka galing? Hindi ka na nakabalik." sabi ni Nikka nung makalapit ito sa 'kin.
"Maraming tao kaya natagalan ako hehe." pagpapalusot ko. Napakamot ako kunyari sa ulo upang maniwala sila.
Napatingin ako sa gawi ni Aiser na nakatitig pala sa akin. Para bang sinusuri niya kung nagsisinungaling ba ako kaya naman agad kong iniwas ang tingin.
"Hindi ka nakapag lunch. Kumain ka muna." seryoso ang tono niya. Ramdam ko pa rin ang mga titig nya. Nakaramdam tuloy ako ng kaba.
Kapag seryoso na sya, matakot ka na.
Tumawa ako ng pilit. "Hindi na, hindi pa naman ako gutom." sagot ko sa kaniya nang hindi sya tinitignan. "Tara na, baka malate pa tayo." yaya ko sa kanilang lahat at nagsimula na kaming maglakad.
***
Pagkatapos ng ilang subjects ay uwian na rin sa wakas.
"Kailan makukuha ang uniform namin?"
Kasalukuyan kaming pababa ng building para pumunta na ng parking lot.
"Next next week." sagot ni Vanessa kay Kim.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...