Chapter 44

497 18 4
                                    


Kein's POV

Nandito na kami ngayon sa tapat ng pintuan ng mansyon nila. Napakalaki, napakatahimik.

"Clive,"

Napatingin kami sa gilid kung saan nakatingin si Krystal. Nakita namin si Clive na naka-suit din. Huminto siya sa paglalakad nung makita niya kami. Dumapo ang tingin niya sa'kin. Tinignan ko lang ito.

"Anong ginagawa niyo dito?" taka at nakakunot ang noo na tanong niya sa'min.

"Nandito kami para kausapin si Aiser." sagot ni Nikka sa kaniya. Hindi siya nagsalita ng ilang segundo.

"Magaling ka na?"

Nakatingin siya sa gilid ko kung saan nakatayo si Krystal. Lahat kami ay nakatingin na sa kaniya ngunit nakatungo lang siya. Naiangat niya ang ulo niya at takang tumingin sa'min. Nanatili naman kaming tahimik na nakatingin sa kaniya.

Tumingin siya kay Clive. "A-Ako ba?" turo niya sa sarili niya. Taka at nagugulat na tanong niya.

"Yiiieee!" dinig kong impit na tili ni Kimberly at ni Lexie.

"Oo ateng, ikaw ang tinatanong niya.." sabi naman ni Ben na katabi niya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kung anong magiging reaksyon ko sa eksenang nakikita ko.

"Magaling ka na?" tanong muli ni Clive.

Iniwas ko ang tingin ko. Nakaramdam ako ng inggit.

"O-Okay na k-ko. Ikaw?" utal utal na tanong ni Krystal.

"I'm okay.."

Hindi man ako nakatingin ay nakakasigurado akong nakangiti si Clive.

Napatingin ako sa pinto nung bumukas ito.

"Aki!!" masiglang wika ni Nathalie nung makita kung sino ang nasa pintuan.

Nagulat siya nung makita kami. Dumapo ang paningin niya sa'kin. Tumango siya sa'kin ng bahagya kaya tumango din ako.

"Nasa training room siya." wika niya habang nakatingin sa'kin. "Come in," pormal nitong sabi. Umuna namang pumasok si Nathalie at ang iba bago ako.

"Alam mo bang muntik ng saktan si Kein kanina?? Hindi kami padaanin nung nagbabantay dun sa daan!" wika ni Nathalie habang ako naman ay nililibot ang bawat kasuloksulukan ng kanilang mansyon.

Ibang iba ang atmosphere dito sa mansyon nila at sa labas..

"You know what, hindi niya kami paniwalaan na kaibigan ka namin at ni Aiser!" dinig kong sabi ni Kim.

Narinig ko na naman ang pangalan niya..

Gustong gusto ko na syang makita..

"Bakit ba kasi hindi niyo sinabi na pupunta kayo dito?"

"Surprise sana. Tsaka baka kasi kapag nalaman ni Aiser, iiwas siya sa'min." sagot ni Nathalie kay Akihiro.

"Pero alam mo ba, may tumawag sa kaniya kaya hindi niya naituloy yung balak niya. Sabihin mo nga Aki, ikaw ba yun??"

Napatingin ako kay Akihiro.

"No.."

'Siya yun..'

"Kung hindi ikaw yun.. edi si--"

Natigil sa pagsasalita si Nathalie nung bumukas ang isang pinto dito din sa baba. Napatingin kami doon.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon