Aiser's POV
Pagkabalik ko ay nakahigang naghihintay si Kein. Napabangon siya nung makita ako.
Ibinigay ko sa kaniya ang isang styrofoam na may laman na pagkain.
"Oh, kumain ka na." sabi ko.
"Paano ka?" tanong niya.
"Sasabayan kita." sabi ko at inilabas din ang isang styrofoam sa isang plastic.
Pagkatapos kumain ay inabot ko sa kaniya ang gamot niya at pinainom ko ito sa kaniya.
"Magpahinga ka na.." sabi ko. Sumunod naman siya at humiga na sa kama niya.
"Aiser.." tawag niya sa pangalan ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Can you stay beside me?" parang batang tanong niya.
Parang hinaplos naman ang puso ko sa tanong niyang 'yon.
Ngumiti ako. "Dito lang ako.." sabi ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at hindi iyon pinakawalan pa hanggang sa makatulog siya.
Habang pinagmamasdan ang mala anghel niyang mukha ay napaisip ako.
'Paano kung malaman mo kung sino talaga ako? Gugustuhin mo pa kaya ako?'
Kein's POV
PAGKAGISING ko ay pinakiramdaman ko ang aking sarili. Medyo guminhawa na ang pakiramdam ko pero hindi pa ako tuluyang gumagaling. Tumingin ako sa tabi ko pero wala si Aiser. Tinignan ko ang kabuoan ng clinic at ang nakita ko lang ay ang nurse. Ibinangon ko ang kalahating katawan ko at napansin ako ng nurse.
"Hinahanap mo ba ang kasama mo kanina?" tanong niya sa 'kin. Tumango ako bilang sagot. "Pabalik na siya.." sabi niya.
Wala akong nagawa kung hindi maghintay. Hanggang sa bumukas ang pintuan ng clinic. Inaasahan kong si Aiser na 'yon ngunit nagkamali ako. Nakita ko si Carmen.
"Kein!" masayang bati niya sa 'kin. Ngumiti naman ako ng bahagya sa kaniya. Lumapit siya sa 'kin. "How are you? Okay ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa rin pero mas okay na ang pakiramdam ko kesa kanina." sabi ko.
Umupo siya sa kama ko at hindi do'n sa monoblock na inupuan ni Aiser kanina. Kinabahan ako nung tumitig siya sa 'kin.. sa labi ko.
"W-why are you looking--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inilapat niya ang bibig niya sa bibig ko!
Naitulak ko siya sa pagkabigla at sa galit.
"What the hell are you doing?!" buong lakas kong sigaw sa kaniya.
Ang nurse ay napatayo dahil do'n pero si Carmen ay hindi natinag! Ngumisi siya sa 'kin na ngayon ko lang nakita. Ibang Carmen ang nasa harap ko ngayon.
"Did you like it?" nakangising tanong niya na ikinataas ng balahibo ko.
"Ano bang sinasabi mo?!" galit na talagang tanong ko sa kaniya.
*PAK!*
Nagulat ako sa lakas ng pagkakasampal na iyon na dahilan upang mapalingon si Carmen sa kanan! Tinignan ko kung sino ang may gawa no'n at unti unting bumilis ang tibok ng puso ko at nanikip ang dibdib ko.
'A-Aiser...'
"Umalis ka sa paningin ko kung ayaw mong higit pa dyan ang gawin ko sa 'yo."
Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya dahilan para kabahan ako ng todo.
"A-Aiser.." pabulong kong tawag dahil sa kabang nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...