Aiser's POV
Kasalukuyan akong patungo sa kinaroroonan ng bahay ni Kein. Napag usapan namin kanina na sa bahay nya na lang namin gagawin ang proyekto. At hanggang ngayon hindi ko maipaliwanag ang itsura nya habang kausap ko sya kanina. Akala ko ba masungit 'yon? Eh bakit hindi nya ako sinungitan? Tsk. Hindi ko maintindihan ang kinilos nya kanina.
FLASHBACK
"Psst." tawag ko sa kaniya. Napalingon naman sya sa gawi ko at parang gulat na gulat pa nung makita ako. Surprised? Tumayo ako ng maayos mula sa pagkakasandal sa pader at inalis ang magkakrus kong braso.
Inabangan ko talaga sya para makausap tungkol sa proyektong gagawin at hanggang ngayon iniisip ko kung bakit sya pa ang kailangan kong makapareha.
Kumunot ang noo ko nung hindi pa rin nagbago ang itsura nya.
"Multo ba 'ko?" inosenteng tanong ko habang nakaturo sa mukha ko.
"Ah." nabalik sya sa reyalidad.
"Anong balak mo do'n sa project?"
"Anong balak?" nagtatakang tanong nya.
Hindi ko inaasahan na mahihirapan pala akong kausapin ang isang 'to.
"Plano. Anong plano mo? Paano sisimulan at saan gagawin yung project?" tanong ko at nakuha naman nya. Tumingin ako sa ibang direksyon habang naghihintay ng sagot niya.
"W-where do you want? Sa bahay ko o sayo?" nilingon ko sya. "I'm sure na hindi natin matatapos kung ngayon at dito natin gagawin sa school." dagdag pa nya at nakumbinsi naman nya ako.
"Bawal sa bahay namin kaya sa bahay mo na lang. Ayos lang ba?"
Actually, hindi naman bawal. Ayaw ko lang talaga na magdala ng hindi ko kilala sa bahay at tsaka isa pa, sila Nikka lang ang pinapapunta ko sa bahay, wala ng iba.
"Yes, of course yes." agad agad na sagot nya.
Tumango naman ako. "Okay." inilahad ko ang kamay ko sa kaniya at taka naman niya itong tinignan. "Address mo."
"Ha?"
"Address mo."
"What?"
"Address mo." pag uulit ko.
"Bakit?"
"Anong bakit? 'Di ba sa bahay mo natin gagawin yung project?" nauubos na ang pasensya ko dito tsk.
"Susunduin na kita." 'di ako nakasagot sa sinabi nya. Kunot noo akong napatingin sa kaniya ngunit nag iwas naman ito ng tingin.
Akala ko ba masungit 'to? Eh bakit ganito ang pinapakita nya sa 'kin? Weird sya huh? Isang kilalang tao na tinitilian ng napakaraming babae ang nag sabi na susunduin ako? Ako na isang nerd? Tsk! Matutuwa na ba ko?
"Kaya kong pumunta sa bahay mo basta ibigay mo na lang ang address mo." at sa huli ay wala syang nagawa. Sinabi din nya ang address nya.
"After 30 minutes, asahan mong nasa labas na ako ng bahay niyo." tinalikuran ko sya pagkatapos ko 'yun sabihin.
END OF FLASHBACK
Saktong pagkatapos ng trenta minutos ay nahanap ko na kung saan ang bahay nya. Hininto ko ito sa harapan mismo ng gate. Naka jeans lang ako na itim at blue t-shirt. Nakalugay ang buhok at syempre nakasalamin, as usual.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...