Chapter 41

433 17 4
                                    


Alfred Mallar's POV

Habang tumatakbo, marami na akong naiisip na plano kung saan ko gagamitin ang DL. Ang binatang 'yon pala ang pinaka-alas namin.

Ngunit kahit na nakalayo na kami sa kanila, hindi ko pa rin maalis ang takot at kaba sa dibdib ko. Lalo na nung maramdaman ko ang mabigat nyang presensya. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang hapdi ng sugat na iniwan niya sa leeg ko. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya nakakatakot. Parang tumabi sa'kin si Kamatayan sa sandaling iyon.

Patuloy pa rin ang aming pagtakbo hanggang sa nakita ko ang aking anak na sumasabay na sa aking pagtakbo.

"Saan ka ba galing?!" galit 'kong tanong sa kaniya dahil pagkatapos naming tumakbo ay bigla na lang syang nawala.

Ngumisi siya. "Tinuruan ko ng leksyon si Aiser."

Sa ganoon ding sitwasyon ay sunod sunod na umalingawngaw sa paligid ang mga putok ng baril.

"Boss! Sumusunod sila sa'tin!" wika ng isa kong tauhan.

"Lintik!" bulaslas ko habang kami ay walang tigil sa pagtakbo.

"Nasaan si Cedrick?! 'Wag mong sabihing namatay siya ng ganon ganon na lang?!" bulalas kong muli.

"Hindi ko al--"

"Aaaahhhh!!!!"

Napatigil kami sa pagtakbo nung nawala ang isang tauhan namin.

"Anong nangyari?!" tanong ko.

"Ahhhh!!!"

Nagulat na lang kami nung mula sa dilim ay naglaho ang isa ko pang tauhan.

Napalunok ako at bumilis ang paghinga ko. Nagpabilog ang mga tauhan ko at pinaligiran kami ng anak ko. Ramdam ko ang malamig kong pawis sa noo ko na lumalagatak na ngayon at bumibilis ng bumibilis ang tibok ng puso ko. Lumalagabog ito dahil sa kaba at takot. Napaputok ako ng baril pati na rin ang mga tauhan ko nung biglang nawala ang isa ko pang tauhan.

"Magpakita ka!" buong lakas na sigaw ng anak ko.

Maslalong nakakadagdag ng kaba ko ang katahimikan ng paligid at tanging tunog lang ng mga tuyong dahon na naapakan namin ang naririnig ko.

"Dito ang huli nyong hantungan.."

Nanindig ang balahibo ko sa bulong na iyon. Para bang dumaan siya sa likod namin ng anak ko na para bang isang hangin lang.

At sa isang iglap, bumagsak ang dalawa ko pang tauhan.

'N-Nandito s-siya.. Nandito s-siya...'

"Lumabas ka! H-Hindi ako natatakot sayo!" sigaw ko at itinutok ang baril ko sa kung saan.

Nanginginig ang kamay ko na may hawak na baril at hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Sinusundan ko siya sa pamamagitan ng paningin ko ngunit masyado syang mabilis. Hanggang sa nawala siya. Gulat akong napatingin sa likod ng aking tauhan nung makita ko siya dito. Nakatutok ang kaniyang kutsilyo sa leeg ng aking tauhan at wala itong malay na katapusan na niya ngayon.

Nanigas ang buo kong katawan nung tumingin siya sa direksyon ko. Tumitig siya sa mga mata ko.

Ang mga mata niya.. N-Nakakatakot...

Para bang pinapalibutan sya ng itim na awra.

"L-Lubayan mo na kami.. Nakikiusap a-ako.." nanghihinang wika ko. Hindi ko alam pero ako lang ang nakakakita sa kaniya o sa'kin lang siya nagpapakita.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon