Kein's POV
"ATTENTION!"
Natigil kami sa pag uusap nung may marinig kaming nagsalita mula sa speaker.
Napatingin ako sa bintana. Umaga na pala.
"Listen." sabi muli ng isang boses lalaki. Natigilan kaming lahat at napatingin sa isa't isa.
"Siya 'yon." napatingin kami kay Krystal nung magsalita ito.
Mas lalo naman kaming kinabahan.
"I am Alfred Mallar." kinabahan ako dahil sa maawtoridad nitong boses. "Siguro nagtataka kayo kung ano ang nangyayari sa school na ito. Ngayon, malalaman niyo." sabi nito. Nagkatinginan kaming lahat. "Ang mga lalaking nakakalat sa buong school nung nakaraan ay ang mga tauhan ko. Binayadan ko sila para magbantay at kung sino man ang magtatangkang lumabas sa school na ito ay syang mamamatay. Actually, nakabantay pa rin sila sa mga kilos ninyo nang hindi niyo lang alam kaya mag ingat kayo sa bawat kilos ninyo. Pangalawa, ang pagkuha ko sa mga gadgets ninyo ay isa sa mga plano ko."
Napamura ang ilan sa amin pati na rin ako sa narinig. Kanina pa ako nagmumura sa isipan ko dahil sa mga nangyayari at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nilalamon ako ng takot at kaba.
"Alam ko, na kapag nalaman niyo ang kaguluhang nangyayari sa school na ito ay tatawag kayo sa labas kaya naman ipinasira ko ang lahaaat ng mga bagay na pwedeng maging koneksyon sa labas at loob ng eskwelahang ito. And by the way, 'yong estudyanteng pinatay few days ago? Nagtangka siyang tumakas kaya naman pinatay siya. At ngayon naman, may pinatay muli kaming isang tao. Tinangka nilang tumakas kasama ng anak niya ngunit sa kasawiang palad, nahuli siya, kaya namatay." ang tono ng kaniyang pagsasalita ay parang wala lang sa kaniya at parang nakangiwi pa siya ngayon na ikinainis ko. Nagsimula namang umiyak si Krystal.
"Damn you."
Napatingin kami kay Aiser. Kinabahan at natakot kami. Nakatungo siya at ang mga kamay ay nakakuyom. Ramdam na ramdam namin ang mabigat niyang presensya at ang kanyang galit na nararamdaman.
"Sa totoo lang papatayin naman talaga namin siya dahil 'yon ang kapalit na huwag na naming patayin ang kaniyang anak. Bale, hindi na namin papatayin ang kaniyang anak kasama na ang mga nagtago ng mga gadgets sa mga dorm pero.. kapalit naman 'yon ng buhay niya."
"Ano 'yon?! Napakasama niya!" sigaw ni Vanessa.
"Hindi ko na kaya 'tong nangayayari." nasabi na lang ni Ben.
"Hawak namin ang buhay niyo. Nasa sa inyo 'yan. Kung gagawa kayo ng tama sa paningin namin ay mabubuhay kayo, pero kung gusto naman ninyo ng kamatayan, ibibigay namin sa inyo. Madali kaming kausap."
Ilang segundo bago sya nagsalita ulit.
"Kaya kami nandito ay may hinahanap kaming isang tao. Isa syang anak ng makapangyarihang tao. Alam ko naman na natatakot na kayo kaya kung gusto niyong makalabas dito ng buhay, kailangan niyo lang syang dalhin sa akin. Ang taong hinahanap namin."
"Sino sya??" 'yan ang tanong naming lahat.
"Gusto ko pang mabuhay dito kaya kung sino man ang isang 'yan ay gagawin ko ang lahat para lang mahanap at maibigay siya sa kanila!" sabi ni Ben.
"Nakakasigurado ka bang bubuhayin ka nila kapag nahanap na nila kung sino ang hinahanap nila?" napatingin kaming lahat kay Clive. Base sa mukha at tono ng boses niya ay naiinis siya sa sinabi ni Ben. Lumapit siya kay Ben. "Iniisip mo lang ang sarili mo. Paano na ang iba at paano na yung taong hinahanap nila? Mag isip ka nga!" ikinagulat namin ang galit na pagsigaw ni Clive. Hindi na nakapagsalita si Ben.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...