Chapter 42

408 14 6
                                    

Nathalie's POV

Lumipas ang mga araw. Lumipas ang mga araw mula nung isinugod kami ng sabay sabay dito sa hospital at nung mag-agaw buhay si Kein. Ang Hospital na ito ay pagmamay-ari ng pamilya Zeldyck kaya nagtataka ako nung una kung bakit lahat ng sugatan na galing sa Fureton ay lahat nandito.

Sa lahat ng araw na lumipas, andami daming nangyari. Isa na dyan ay nalaman ng mga magulang namin ang lahaaaat ng nangyari ngunit nung marinig nila ang salitang assassin ay hindi na sila nagsalita pa. Nakalabas na din kami sa hospital. Ako, si Julian, Kim, Nikka, Ben, Lexie, Dave at Nathan. At ang ibang estudyante at guro na nagtamo ng sugat ay nakalabas na din. Pati na rin si Clive ay nakalabas na ngunit si Kein ay hindi pa. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya gumigising. Stable na daw siya sabi ng doktor at kailangan lang daw naming maghintay para gumising siya.

Ang lahat ng nangyari sa Fureton Academy ay magiging isang ala-ala na lamang. Kami kami lang ang nakakaalam. Lahat kami na nasangkot sa gulong iyon. At isa pa, hindi ito sakop ng gobyerno kaya labas sila dito.

Hanggang ngayon, hindi pa namin nakikita si Aiser. Hindi siya nagpaparamdam. Maging si Vanessa na galing sa kanilang mansyon sa Sid Mountain ay hindi din niya nakita si Aiser. Hindi na namin alam kung anong nangyayari sa kaniya at nag-aalala na kami.

Kailangan siya ni Kein ngayon. Siya ang mas kailangan ni Kein ngayon..

"Sa'n na kaya siya?" tanong ko habang nakatitig sa kung saan.

"Sino?" tanong ni Julian sa'kin. Naramdaman ko na napatingin din ang iba sa'kin.

Lahat kaming magkakaibigan ay nandito ngayon sa labas ng room ni Kein. Nasa loob ngayon ang parents nila ni Lexie na nagbabantay sa kaniya.

Bumuntong hininga ako. "Si Aiser," sagot ko sa kaniya.

"I miss her.." malungkot na wika ni Kim.

"Sana.. Sana hindi niya sinisisi ang sarili niya ngayon."

Napatingin kami kay Nikka nung sabihin niya iyon.

Oo, posibleng yun nga ang nararamdaman ni Aiser ngayon. Pero hindi naman namin siya sinisisi. Mas nagpapasalamat pa kami sa kaniya dahil kung wala siya, hindi namin alam kung anong gagawin. Siya ang gumawa ng plano kaya kami nakaligtas. Siya ang nagligtas sa'ming lahat.

Tumayo si Vanessa.

"Akihiro,"

Napatingin kami kung saan siya nakatingin at doon namin nakita si Aki na papalapit sa'min at may dala dalang basket ng prutas.

"Aki!" tawag ko at napatayo na rin sa kinauupuan ko.

Hindi na namin kinaya at kami na ang lumapit sa kaniya.

"Gusto ko lang sanang iabot 'to at kamustahin siya." wika niya.

"Aki, saan na si Aiser?? Kamusta na siya?? Bakit hindi siya nagpapakita sa amin??" sunod sunod na tanong ko sa kaniya.

Ilang sandali syang natahimik bago magsalita.

Bahagya syang bumuntong hininga. "Nasa iisang tahanan kami pero ni isang pagkakataon, hindi ko siya nakausap." wika niya. "Sinubukan ko syang kausapin. Sinabi ko ang kalagayan niya," tumingin siya sa pintuan ng kwarto ni Kein. "Pero hindi siya nagsalita at tinalikuran niya ako."

"Bumalik na siya sa dati. Yung dating Aiser na hindi nakikipag-usap kahit na kanino at pakikipaglaban at pag-eensayo lang ang ginagawa." dagdag pa niya.

"P-Pero.. Pero bakit??" naguguluhang tanong ni Kim.

"Kung sinisisi niya ang sarili niya, wala syang kasalanan." napatingin kami kay Lexie. "K-Kailangan siya ng Kuya ko.." dagdag niya. Nakikiusap ang kaniyang mga mata.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon