Chapter 29

465 18 0
                                    

Nikka's POV

Lahat ay nagulat, nabigla at nagtaka sa nangyari kanina. Nalaman namin na ngayon lang ito nangyari dito sa school, ang kunin ang lahat ng gadgets ng mga estudyante at nagtataka ang mga dating students na nag aaral na dito noon pa man dahil doon.

Habang naglalakad papunta sa dorm ay napansin namin ang nagsisitakbuhan na mga babae papasok sa dorm. Nagmamadali sila at nagtaka naman kami dahil do'n.

"Anong nangyayari??" tanong ni Nathalie.

Hanggang sa may lumapit sa 'min na isang babae galing sa loob ng dorm.

"Magmadali kayo!" bungad niya agad nung makalapit ito sa 'min. "Lahat ng mga kwarto.. pinasok ng kung sino! Lahat ng mga gamit namin, nagkalat at baka gano'n din sa inyo!"

Nagulat kaming lahat dahil do'n. Lahat kami ay nagmadaling pumasok sa dorm at pumunta sa kwarto namin. Pagkapasok ay nagulat kami dahil sa mga nagkalat na damit mula sa mga cabinet namin at kung ano ano pang mga kagamitan na ngayon ay nasa sahig na.

"S-Sinong may gawa nito?!" gulat at takang tanong ko.

"Oh my gosh.. what happened??!" napatakip ng bibig si Kim.

Habang nilalapitan namin ang mga gamit namin ay napatingin kami sa dumating.

Gulat na napatingin si Ben at yung apat sa mga gamit namin. "Nakakaloka na 'tong nangyayari!!" bulalas ni Ben.

Lumapit sila sa 'min.

"Pati din kami ay ganito ang nangyari. Pumunta kami dito para i-check kung ayos lang kayo. Nakita kasi namin na nagkakagulo sa labas ng dorm niyo." sabi ni Nathan.

"Ano ba 'tong nangyayari??" taka at hindi makapaniwalang sabi ni Lexie. "Kanina, yung mga lalaking agad agad na lang sumulpot at kinuha ang mga cellphones natin. Ngayon naman, may nanggulo sa bawat dormitory! Sino namang may gawa nito??!"

"Aalamin natin ngayon." napalingon kaming lahat kay Aiser.

Sinundan namin siya palabas ng dorm. Alam ko na kung saan kami pupunta at kung sino ang pupuntahan namin.

Ang ibang mga students ay nakisama na din sa 'min. Siguro nalaman nila kung anong gagawin namin kaya sumama na sila.

Lahat kami ay pumunta sa Principal Office ngunit sa labas pa lang ay napatigil na kami dahil may bantay ito. Dalawang lalaking naka leather jacket na itim. Katulad ng mga ito ang mga lalaki kanina.

Papasok na sana si Aiser ngunit agad itong pinigilan ng dalawang lalaki. Agad namang umalisto sina Clive at Kein para umalalay. Napaatras si Aiser.

"Gusto naming makausap ang Principal." seryosong sabi ni Aiser.

"Hindi maaari." sabi nung isa.

"Anong hindi maaari?!" napahakbang si Vanessa.

"At kailan pa nagkaroon ng security guard ang Principal Office??" usisang tanong naman ng isang babae.

"Kailangan naming makausap ang Principal tungkol sa nangyayari dito sa school. Kaya padaanin nyo kami." seryosong sabi ni Vanessa.

Hindi sumagot ang dalawang lalaki. Ngunit pumasok ang isa sa loob ng Principal Office.

"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Kein kay Aiser. Tumango ito bilang sagot.

Ilang sandali pa ay lumabas na din yung lalaki. Bumalik siya sa pwesto niya at kasunod nito ay ang paglabas sa wakas ng Principal.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon