Epilogue

747 36 7
                                    



Dave Ivan Salvador's POV


Inayos ko ang kwelyo ko pagkalabas ko sa kotse namin. Lumabas na rin sina Mom at Dad at lumapit sa'kin. Tinignan ko ang buong lugar. Napangiti ako. Dito nagsimula ang lahat, dito ko siya nakilala, dito namin sila nakilala. Ang daming nangyari dito sa lugar na ito. Dito namin naranasan ang totoong paghihirap, pakikipaglaban na hindi lang para sa aming sarili kundi para din sa mga taong nasa paligid namin, dito din namin napagtibay ang pagkakaibigan namin na ngayon ay wala nang makakabuwag pa. At ngayon, masusuklian na ang lahat ng luha, pawis at lakas na nawala sa amin. Dahil ngayon, magtatapos na kami.

Ilang buwan na din ang lumipas simula nung kami ay makalabas sa lugar na ito. Sa Fureton Academy.

"It's good to be back."

Ilang buwan na din ang lumipas simula nung magkaayos ang pagkakaibigan naming lahat. Bumalik na si Aiser.

Naagaw ng atensyon ko ang kotse na dumating. Huminto ito at may ginang na lumabas mula sa passenger's seat. Pinanood ko lang itong maglakad at buksan ang backseat ng kotse habang ang puso ko ay napakabilis na ang pagtibok nito. Hanggang sa nakita ko siya na dahan dahang lumabas mula doon. Inalalayan siya ng Mom niya na bumaba. Nung tuluyan na siyang nakababa ay nakita niya ako. Sumilay ang napakagandang ngiti niya sa labi. Gano'n din ako. Naglakad sila papunta sa kinaroroonan namin ng mga magulang ko. Hindi ko na nakayanan na tignan lang siya na lumapit sakin at naglakad na ako papalapit sa kaniya.

Lumapit muna ako kay Tita at nagmano. Ngumiti naman siya sa'kin.

"Alam ko gusto niyong makausap ang isa't isa." nang-aasar na tumingin siya sa'ming dalawa ni Kimberly. Natawa kami ng mahina.

"Mom.."

"Sus! Sige na, sige na. Dave, ikaw na ang bahala sa kaniya ha? Paki-alalayan 'yan. Alam mo naman, lalampa lampa minsan."

"Mom!" napapahiyang sabi ni Kim. Natawa naman ako. Naalala ko tuloy yung nangyari noon. Nung balak niyang tumakbo papaakyat ng hagdan pero nadulas siya sa pang apat pa lang na hakbang.

"I will po." sagot ko. Bago kami iwan ni Tita ay ngumiti pa muna siya sa'min ng pagkatamis tamis at lumapit sa parents ko.

Humarap ako kay Kim na ngayon ay bahagya ng nakanguso.

"Are you okay? Bakit nakanguso ka diyan? Haha."

"Tsk!" sinamaan niya ko ng tingin.

Mood swing..

Mula nung naging kami, nasanay na ako sa kaniya. Yes, kami na at legal kami in both sides. Ngumiti na lang ako at bahagyang yumuko para pumantay ang mukha ko sa kaniya.

"I love you.."

Kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha na mas lalong ikinangiti ko.

"Nakakainis ka talaga!"

"Hahaha!"

"Uyyy! Ang aga aga oh!"

Natigil ako sa pagtawa at napatingin kami kung sino ang nagsalita. Doon namin nakita si Julian na nakaakbay kay Nathalie habang papalapit sa'min.

Umakbay ako kay Kim. "Mind your own business." ngumisi ako kay Julian.

"Naaaaakkkkksss! Iba na talaga!"

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin si Ben na sinundan ni Krystal at Vanessa.

"Nasaan na sila Nikka at Aiser?" tanong ni Kim kay Nath.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon