Akihiro's POV
Madali naming napasok ang gate. Sa harap pa lang ay marami ng bantay at mas lalo na nung makapasok kami. Marami rami din ang butler namin at nagsama din kami ng mga tauhan. Ang mga butler namin ay kasama ko at ng aking ama, ang mga tauhan naman namin ay pinapaligiran na ang buong school at yung iba ay kanina pa pumasok.
Lumabas na si Mister Taylor at Niefer sa kotse na nasa unahan namin at agad pinatay ang mga bantay gamit ang silencer na baril bago pa man sila magpaputok. Lumabas na din ako sa sarili kong kotse at agad pinatamaan ang lalaking balak itutok sakin ang bunganga ng kaniyang baril.
"Niefer," tawag ko at agad syang lumapit sa'kin. "Pumunta ka sa dorm ng mga estudyante. Magsama ka ng makakasama mo. Siguraduhin nyong ligtas ang mga estudyante at itakas niyo sila."
"Masusunod."
Tumakbo na siya paalis kasama ang iba pa. Ako naman ay wala pa ring tigil sa pagbaril. Lahat kami ay may silencer ang baril dahil ang napag-usapan ng aking ama at ni Mallar ay siya lang ang pupunta sa lugar na ito bitbit ang DL at kapag nalaman niya na may kasamang iba si Dad ay papatayin niya si Aiser.
Napalingon ako sa sasakyan ng aking ama nung bumukas ito. Lumabas siya dito dala dala ang briefcase. Natigil na rin ang barilan. Naubos na ang bantay sa harap nitong school at alam kong may paparating na anumang oras.
"Nag-usap na kami." wika ni Dad. "Sa quadrangle ang lokasyon kung saan kami magkikita at magpapalitan. DL kapalit ang kapatid mo."
"Nasa paligid niyo lang kami." wika ko at umalis na.
Tumakbo ako papunta sa gilid ng quadrangle kung saan hindi ako makikita. Lahat ng bantay na sumasalubong sa akin ay agad kong pinapaputukan. Kailangan ng bilis upang mapatay agad sila bago pa nila kalabitin ang gatilyo dahil kung hindi, aalingawngaw ang putok ng kanilang baril dahilan para masira ang plano.
Pumwesto ako kaagad sa isang madilim na lugar na kung saan makikita ko ng malinaw ang mangyayaring palitan mamaya. Nakita ko na rin ang iba naming butler na pumwesto din sa gilid ng quadrangle.
Clive's POV
Lahat kami ay nandito na ngayon sa unang palapag ng dorm at hinihintay ang pagdating nila.
Humarap ako sa kanilang lahat.
"Kahit na anong mangyari, 'wag kayong hihiwalay sa isa't isa." paalala ko sa kanilang lahat.
Napalingon ako sa pinto na nasa likuran ko nung bumukas ito. Agad kong itinutok ang baril ko dito bago pa man tuluyang bumukas ang pinto. Naibaba ko din ito nung makita si Niefer. Sumunod na pumasok ay ang iba pang mga butler. Isa syang butler katulad ko pero baguhan pa lang sya.
"Ayos lang ba kayo dito??" tanong niya sakin at sa mga taong nasa likuran ko. Tumango ako.
"Bakit ngayon lang kayo dumating?"
"Ala-sais ang usapan ni Alfred Mallar at si Master Riggan. At ang usapan nila ay siya lang ang pupunta dito bitbit ang DL. Ito ang magiging kapalit kay Mss Aiser."
"Tss. Nagsabi pa talaga siya ng oras."
May inabit siya sa'kin na isang baril na may silencer. Kinuha ko ito.
"Kakailanganin mo yan. Gaya nga ng sabi ko, ang napag-usapan lang ni Master at ni Mallar ay kailangan mag-isa lang syang pupunta dito."
"Bigyan niyo din sila." lumingon ako dun sa apat. Sila Kein.
Agad naman silang binigyan ng mga armas. Kinuha nila 'to ng may halong pagtataka.
"'Yan lang ang magliligtas sa inyo sa kamatayan." wika ko.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...