Aiser's POV
"Aiser!" tawag sa 'kin nila Lexie pero hindi ako nagpatinag. Umaapoy ang dibdib ko dahil sa galit at unti unti nitong nilalamon ang buong pagkatao ko.
"Nasa'n si Maegan? Nasa'n siya?!" sigaw ko dahilan para magsibukasan ang ilang silid dito sa dorm. Nagwawala ang halimaw sa loob ko.
"Aiser!" muling tawag nila Lexie ngunit hindi ko sila pinansin.
Bumaba ako ng hagdan at nakita ko ang kakapasok lang na si Kein at ang tatlong kaibigan niya.
"Aiser.." tawag niya sa 'kin ngunit hindi ko siya pinansin. Napako ang tingin ko sa isang taong nasa sala.
Agad akong lumapit sa kaniya at agad kong hinila ang kwelyo niya. Isa sya dun sa dalawang babae na nakaaway namin.
"Nasaan ang amo mo?" mariing tanong ko sa kaniya.
"H-hindi ko alam kung anong sinasabi mo.." kitang kita ko ang pinaghalong gulat, takot at pagsisinungaling sa mukha niya.
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya. "Nasa'n ang amo mo?!"
"Aiser.." tawag sa 'kin ni Nikka mula sa gilid ko. Hinawakan niya ako sa kaliwang braso pero hindi ako nagpatinag.
"Nasa'n si Maegan!? Nasa'n ang kaibigan ko?!" hindi ko na napigilan ang galit sa katawan ko. Gulat naman itong napatitig sa 'kin.
"Aiser.." lumapit na rin sa 'kin si Kein ngunit hindi ko ito nilingon.
"Sabihin mo. Kung hindi.. masasaktan ka.""Answer the damn question!" sigaw ni Julian.
"S-sa... sa likod.. sa may f-forest.. nando'n ang kaibigan m-mo.."
Pagkatapos kong marinig ang sagot niya ay itinulak ko siya ng malakas dahilan para mapunta siya sa sahig. Agad akong lumabas ng boarding house na 'yon at sumunod naman yung mga kasama ko.. sa pangunguna ni Julian.
"We have 1 hour before mag curfew." dinig kong sabi ni Nathan sa likod.
Agad kaming pumunta sa sinasabi niyang forest. Sa likod ito ng school. Madilim ang lugar na ito at maraming puno.
"Nath!" pagtatawag ni Kim.
"Nathalie!" si Vanessa.
Hanggang sa may marinig akong isang ungol. At nakakasigurado akong si Nathalie 'yon.
Hinanap ko kung saan 'yun nanggagaling.
"Nath?"
"Mmm!!"
Agad akong lumapit sa isang puno. Sa likod no'n ay nakita ko siya. Nakagapos ang paa at kamay. May panyo sa bibig dahilan para hindi siya makapagsalita at ang katawan ay nakatali sa punong kinasasandalan niya.
"Nandito siya!" sigaw ko sa kanila.
Tinanggal ko ang panyo sa bibig niya para makapagsalita siya. Doon tumulo ang mga luha niya.
"Sinong gumawa sa 'yo nito? Tell me." sabi ko at hindi naman siya matigil sa paghikbi. "Tell me, Nath." tinitigan ko siya sa mga mata.
"S-si M-Maegan. May k-kasama siya p-pero hindi ko sila kilala.." namamaos na sabi niya sa 'kin.
Biglang kumulo ang dugo ko at nagtiim ang bagang ko sa narinig ko. Hindi ko ipinakita kay Nathalie ang galit ko at sa halip ay pilit akong ngumiti sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...