Chapter 22

548 16 0
                                    

Aiser's POV

'Remember? When I caught the knife? That was easy for me.'

Napailing ako sa huli kong sinabi sa kaniya. Sana hindi ko na lang sinabi. Mukhang nakatatak na tuloy sa isip niya. Ano kaya ang maiisip niya? Tss.. malamang matatakot 'yon sa 'yo. Sabihin mo ba naman 'yon?

Muli kong naalala ang mga mukha nila nung sinabi ko na kinausap ko si Maegan. Takang taka sila sa 'kin. Kitang kita ko din kung paano mangunot ang noo sa 'kin ni Nathalie. Alam ko, noon pa nagtataka na siya sa 'kin, sila ni Nikka at Kim pero pinili na lang nila na manahimik.

Alam ko nagtataka sila kapag umaalis na lang ako bigla bigla ng walang paalam at kapag bumalik ay hindi nagpapaliwanag. At kapag may umaway sa 'min o nangbully ng sobra sobra na tipong may nasaktan sa 'ming apat, kinabukasan hindi na muling magpapakita pa yung nangbully sa 'min. Dalawa lang 'yon na rason kung bakit nagtataka sila sa 'kin. Siguro puno na ng pagtataka at kuryosidad ang utak nila dahil sa ginagawa ko o kung sino talaga ako. Hindi ko sila masisisi dahil hindi din naman ako nagpapaliwanag o nagpapakilala kung sino talaga ako. Hindi nila alam kung sino talaga ako. Wala silang alam.

Magkakaibigan na silang tatlo dati pa at ako.. wala akong kaibigan noon. Sa mansyon lang ako nag-aaral nung bata pa ako. Ilang oras lang ang iginugugol ko sa pag-aaral at ang natitirang napakahabang oras ko ay itinutuon ko sa pag-e-ensayo. Doon lang umiikot ang mundo ko hanggang sa kinausap ako ni Dad.

Flashback

Pinatawag ako ni Dad sa kwarto niya. Hindi sa kwartong tinutulugan niya kundi sa opisina niya. Kahit nasa iisang bahay lang kami ay minsan ko lang siya nakikita at nakakausap dahil na din sa busy siya sa ginagawa niya. Wala sa 'kin 'yon dahil nasanay na ako.

Naglakad ako papunta sa kwarto niya habang nakapasok ang mga kamay sa bulsa. Pagkarating ko sa pinto ay nakabukas 'yon. Napakadilim sa loob. Pumasok ako at agad ding huminto matapos ang ilang hakbang. Iisipin mong walang katao tao sa loob dahil napakatahimik pero meron.

"Pwede bang buksan ang ilaw?" tanong ko sa kung saan. Ilang saglit lang ay agad bumukas ang ilaw. Nakita ko siya na nakaupo sa swivel chair niya.

"Hi, Dad." sabi ko habang nakatingin sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin. Tumayo siya at naglakad papunta sa pwesto ko. Noon ko lang siya nakita ulit na ngumiti sa 'kin.

"Umupo tayo," iginaya niya ako sa sofa na nasa kwarto niya at umupo kami doon. Nanatili akong tahimik.

"Ngayon na lang ulit kita nakasama." napatingin ako sa kaniya, nakangiti siya.

"Busy ka, eh." sabi ko at bahagya naman syang natawa.

"At dahil sa ginagawa ko, hindi ko namamalayan ang paglaki mo." mahinang sabi niya sa 'kin. Nakangiti siya pero pilit. Hindi ako nagsalita.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo?" pag-iiba niya.

"Ayos lang naman po. Walang bago."

"Masaya ka ba?" tanong niya. Napatitig ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Napag-usapan namin ng mommy mo na mag-aaral ka na sa school katulad ng kuya mo." nakangiting sabi niya. Hinawakan niya ako sa ulo at bahagyang hinaplos haplos ang buhok ko. "Naisip ko na mas makakabuti sa 'yo kung magkakaroon ka ng kaibigan. Yung mga ka edad mo na makakalaro mo. Gusto kong maging masaya ka, Aiser. Gusto kong gawin mo kung anong ikasasaya mo."

"Masaya naman po ako dito sa mansyon. Masaya ako tuwing nag-e-ensayo at kapag may nalalaman na bagong pag-atake."

"Pero gusto kong mas sumaya ka pa. Hindi dapat umiikot ang mundo mo dito lang sa mansyon. Kailangan mong makihalubilo sa iba. Mas masaya kung may kaibigan ka at sinisigurado ko sayo 'yon." nakangiting sabi niya. Hindi ko siya maintindihan no'n pero pinili ko na lang na tumango.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon