Chapter 24

461 16 0
                                    


Aiser's POV

Hapon

Pagkatapos ng klase ay nagpaalam agad kami ni Clive sa mga kasama namin na may pag uusapan lang kami at mauna na sila. Pinaulanan pa kami ng tukso bago kami umalis tss..

"Mukha kang tanga sa kakangiti mo dyan." sambit ko habang naglalakad kami ni Clive.

Paano ba naman kasi, kanina pa siya nakangiti. Tss.. Ulol ba sya?

"Is there any problem?" hindi man ako nakatingin sa kaniya ay nakangiti pa rin siya.

"Tss.." usal ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Eh, 'di ba, inaya mo ako dito?"

Tumingin ako sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sagot niya. Tumawa naman siya pagkatapos ay nag seryoso.

"Doon tayo," turo niya sa isang lugar na walang tao at hindi pinupuntahan ng mga tao. Dito din sa loob ng Fureton.

"Pinadala ako ng Daddy mo para bantayan ka." usal niya. Nanatili naman ang tingin ko sa ibang direksyon.

"Kumikilos na sila, Aiser. At hindi natin alam kung saan sila magsisimula, kung ano ang plano nila. Pero nakatitiyak ako na gusto nilang makuha ang bagay na iyon."  dagdag pa niya.

Tumingin ako sa kaniya. "Sa simula pa lang, 'yun na ang gusto nila kaya nila tayo hinahabol." saad ko.

Kahit sinong tao, gusto ang bagay na iyon at gagawin nila ang lahat mapasakamay lang ito. At 'yon ang ginagawa ng kalaban namin. Gagawin nila lahat, para makuha nila ang bagay na nasa kamay namin sa ngayon at ito ang Dark Liquor. Isa itong alak na itim ang kulay. Hindi lang ito basta bastang alak dahil may kapangyarihan din ito. Kapag uminom ka ng DL na kahit isang lunok lang ay mahihilo ka at makakatulog at sa pag gising mo, matatamasa mo na ang walang hanggang buhay. Gano'n ang kapangyarihang taglay nito at dahil do'n, nagsanib pwersa ang mga taong may gusto nito. Gusto nila itong kunin sa 'min. Lahat sila, laban sa 'min.

Kaya kailangan naming mag ingat dahil hindi namin alam ang plano nila, kung saan sila mag uumpisa. Lahat ay gagawin nila mapasakamay lang ang DL, kahit pumatay pa sila ng daang daang tao ay gagawin nila. Gano'n sila kadesperadong kunin ang DL sa amin. Pero ang iniisip ko ngayon ay maaaring sa Westfield sila mag umpisa.

'Pero hindi, mahihirapan silang pasukin ang Westfield.'

Pagkaalis namin sa Westfield ay hindi na sila tumanggap pa ng bagong estudyante o maski guro dahil dito sa nangyayari. Ilang taon bago nabuo ang formula upang mabuo ang DL at sa ilang taon na iyon, naghanda ang Westfield sa posibleng mangyari. Bawat estudyante ay sinanay para lumaban, upang maprotektahan nila ang mga sarili nila at ngayon ay bihasa na sila. At isa pa, marami ang tauhan ng aking Ama sa paligid ng Westfield at sa loob nito kaya mahihirapan talaga ang sino mang mangahas na pumasok dito.

Natigilan ako dahil may pumasok sa isip ko.

'No.. hindi sila pupunta dito dahil wala dito ang hinahanap nila. Hindi maaari.'

'Pero.. sino 'yon?'

"Is there any problem?" nag aalalang boses ni Clive. Napatingin ako sa kaniya.

"Nandito ka na ba nung gabing ginanap ang party?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya.

"No.. why?"

'Hindi siya, pero sino 'yon?'

Tumingin ako kay Clive. "May taong nagtatago sa dilim nung gabing dinaos ang party. Hindi ko alam kung nagmamatyag ba sya sa kung anong nangyayari.. o ako ang minamatyagan niya."

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon