Chapter 25

426 20 0
                                    


Nathalie's POV

Nagpaalam ako sa mga kasama ko dahil may kukuhanin akong libro sa locker ko.

"Hi, Nathalie!"

Napatingin ako sa dalawang lalaking bumati sa akin habang naglalakad ako. Parehas silang nakangiti sa 'kin kaya ngumiti din ako.

Pagkadaan ko sa kanila ay may bumati ulit sa 'kin at nakangiti din sila.

'Psh! Lakas nilang makangiti nung gumanda kami, ah? Mga leche!'

Pagkarating ko sa locker ko ay binuksan ko 'yon at kinuha ang libro ko. At halos mapatalon ako sa gulat nung makita ang katabi ko pagkasara ko nito.

"Anong ginagawa mo dito?!" pasigaw kong tanong kay Julian dahil nasa tabi ko siya!

"May kinukuha ako sa locker ko tsh!" singhal niya sa 'kin.

Napatingin ako sa locker niya na tabi lang ng sa 'kin. All this time, magkatabi lang ang locker naming dalawa? Sinarado niya iyon matapos kunin ang isang libro. Asta na itong maglalakad pero pinigilan ko siya.

"Sandali," sabi ko sabay hawak sa braso niya. Tumingin siya sa 'kin.

"What?" mariin niyang sabi. Hindi naman ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

"Kung hahawakan mo lang ako, mabuti ng umalis na ako."

Maglalakad na sana siya palayo pero hinila ko bahagya ang likod ng uniform niya. Natigilan siya at nanatiling nakatalikod sa 'kin. Binitawan ko ang uniporme niya.

"Sabihin mo nga, may problema ka ba sa 'kin?"

Naiinis man ako sa ginagawa niya ay pinilit kong kumalma. Pagkatapos kasi nung nangyari sa party ay umiiwas na siya sa 'kin. Yung tipong para bang may malala akong sakit na nakakahawa, na kahit lumapit siya sa 'kin ay ayaw niya.

"Ano? May problema ka ba sa 'kin? Sagutin mo 'ko." sabi ko ngunit nanatili siyang tahimik.

"Ano ba!--" hahawakan ko na sana siya sa braso pero hinarap na niya ako.

"Naiinis ako." napatitig ako sa kaniya. "Naiinis ako kapag may kasama kang iba. Ano? Okay na?" may halong inis na sabi niya.

"Alam mo, hindi kita maintindihan, eh. Anong nakakainis do'n, ha?!" inis ko na talagang tanong sa kaniya.

Napahawak siya sa buhok niya at sinabunot 'yon. "Hindi mo naiintindihan!"

"Ipaintindi mo!"

"I like you!"

"Gusto kita at nagseselos ako kapag may kasama kang iba!"  nabigla ako sa sinabi niya. Nakikiusap naman siyang tumingin sa 'kin. "So, please? Stay away from other guy.. dahil unti unti mo akong pinapatay." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran niya ako. Ako naman ay nanatiling nakaawang ang bibig at hindi makapaniwala sa lahat ng sinabi niya.

BUMALIK ako sa classroom ng lutang. Napatingin ako sa upuan niya ngunit wala siya.

"Hoy." gulat akong napatingin sa harap ko. Si Aiser lang pala.

"Sa music hall tayo. Mag-pe-perform daw ang bawat isa."

Wala sa sariling tumayo ako at sumunod kay Aiser.

'Gusto kita at nagseselos ako kapag may kasama kang iba!'

'So, please? Stay away from other guy.. dahil unti unti mo akong pinapatay.'

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon