Akihiro's POV
Binuhat ko ang babaeng nasa harap ko ngayon na nawalan ng malay. Kung hindi ako nagkakamali, nawalan siya ng malay dahil sa matinding pagod. Kitang kita ko yun sa mukha niya kanina at napansin ko rin ang ika ika niyang paglalakad kanina.
Habang buhat buhat siya ay natigil ako nung bumukas ang pinto. Napatingin ako doon at nakita ko si Mister Taylor na gulat na napatingin sa akin at sa babaeng buhat ko. Agad syang lumapit sakin at tumungo.
"Nawalan siya ng malay. Ako na ang bahala sa kaniya." sabi ko. Nanatili naman syang nakatungo. "Hindi mo ba napansin ang kanang paa niya kanina?" tanong ko.
"Napansin ko at balak ko din sanang gamutin siya pagkatapos ang inyong pag-uusap. Paumanhin."
"Magpatawag ka ng doktor para gamutin siya." utos ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Umakyat ako ng hagdan habnag buhat buhat pa rin siya. Tinahak ko ang guest room at pumasok dun. Hiniga ko siya sa kama ng dahan dahan at nung maayos ko siyang naihiga ay tinitigan ko siya sa mukha.
'Kung kaibigan siya ni Aiser.. bakit hindi ko siya nakita nung pumunta ako sa school nila?'
Nanatili akong nakatitig sa mukha niya na napakahimbing na ng tulog.
'Tsk. Bakit hindi ko maiwasan..'
Inalis ko ang tingin sa kaniya at inalala ang sinabi niya sakin.
"Kailangan nyong magmadali. Nakakasigurado akong patuloy pa rin sila sa pagpatay at baka ang mga kaibigan ko.. namin ni Aiser ang isunod nila. At may posibilidad din na... mahanap na nila si Aiser."
Kailangan ko itong ipaalam kay Dad.
Tumalikod na ako at lumabas. Naglakad ako patungo sa office ni Dad kung saan siya laging namamalagi. Pagkarating ko sa tapat ng pinto ay nakasara ito. Binuksan ko iyon at pumasok. Natigilan ako at napatitig kay Dad na nasa swivel chair niya habang hawak hawak niya ang telepono na nakatapat sa tenga niya. Seryosong seryoso ang mukha niya. Inangat niya ang tingin sa akin at base sa mga mata niya, seryoso ang pinag-uusapan nila ng kausap niya sa telepono.
Aiser's POV
"Ipapakausap kita sa anak mo." nakangisi niyang sabi at inilipat ang telepono sa tenga ko.
Nandito kami ngayon sa isang kwarto kung saan nila ako ikinulong. Ikinulong na nga nila ako, nakatali pa ang mga kamay at paa ko tss. 'Talagang gusto nilang makasigurado..'
Nung itapat niya ang telepono sa aking tenga ay hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa kaniya.
"Magsalita ka dahil baka ito na ang huli." pagbabanta niya habang nakangisi. Nanatalili naman akong nakatingin sa kaniya.
"Aiser," dinig kong tawag sa akin ng aking ama sa kabilang linya ngunit hindi ako sumagot.
"Aiser,"
"Marami sila..." mahinang sabi ko habang nakatingin kay Mallar. Napangisi ito sa sinabi ko. "Pero masyado silang mahina." dagdag ko na ikinawala ng ngisi niya. "Huwag niyong ibibigay ang DL sa gunggong na 'to."
Nailayo niya agad ang telepono sa akin na ikinangisi ko. Sumama ang kaniyang mukha at kitang kita ko kung paano niya idapo ay palad niya sa pisngi ko. At sa sobrang lakas nito ay naibaling ko ang mukha ko sa kanan. Ramdam ko ang pananakit ng kaliwang bahagi ng labi ko at ang dugo.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...