Chapter 43

453 19 13
                                    

Nikka's POV

"Ang totoo nyan, hindi namin alam kung kamusta na ba talaga siya. Hindi pa namin siya nakikita mula nung itinakas kami ng mga tauhan nila."

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Kein. Nasa hospital pa rin kami at bukas ay pwede na syang lumabas.

"Ang sabi ni Akihiro,"

"Akihiro?" takang tanong ni Kein sa'kin.

"Kuya siya ni Aiser." sagot ko. "Ang sabi niya, bumalik na daw sa dati si Aiser. Yung dating Aiser na hindi pa namin kilala."

"Sinubukan niyang kausapin si Aiser pero wala. Hindi niya nakausap." si Nathalie.

"Kung gaano katahimik si Aiser ngayon, mas malala pa siya noon. Yun ang sabi sa'kin ng Kuya niya."

Napatingin kami kay Vanessa. Hindi ko alam na nag-usap pala sila ni Aki at tungkol pa kay Aiser. Nakakapanibago lang dahil sa'min lang nagkwekwento si Aki tungkol kay Aiser.

"I.. I don't understand. Bakit siya nagbago? Bakit bumalik siya sa dati?" takang tanong ni Kein.

"Hindi din namin alam." si Nathalie.

"Gusto ko syang makita, gusto ko syang makausap."

"Ganon din kami, kaya bumuo kami ng plano." sabi ko sa kaniya.

Tinignan naman niya ako na may halong pagtataka at pag-asa.

"Oo dre, nagplano kami! Excited na nga ako eh na may halong kaba!" sabi naman ni Julian.

"Ano bang plano niyo??" tanong ni Kein.

"Pupunta tayo sa mansyon ng mga Zeldyck." sabi ni Dave.

Nagulat siya. "Pero..

Tinaas agad ni Vanessa ang kaniyang kamay. "Don't worry.. ako ang bahala. Baka nakakalimutan mo, pumunta ako sa mansyon nila? Haha."

Napangiti kami. Napangiti din si Kein.

"At bukas na bukas. Gogora na tayo!" malakas na sabi ni Ben. "Hay sa wakas! Nakapagsalita din ako!"

"Hahaha oo nga eh. Ang tagal mong nanahimik!"

"Eh paano ba naman kase, parang tumatawid ako sa alambre nung nagdaang araw! Oras oras, minu-minuto, nasa bingit ako ng kamatayan!"

"Hahaha!"

"And bro," lumapit si Nathan kay Kein. "Nakausap na namin sina Tita at Tito. Payag sila sa plano namin." nangiting balita ni Nathan.

"Nga pala kuya," napatingin kami kay Lexie. "Sabi ni Mom, nakita niya si Aiser dito mismo sa kwarto mo. Binisita ka niya." nakangiting sabi niya.

Napangiti din kami. Alam na namin 'yon. Sinabi sa'min ng Tita Kelly ang lahat ngunit wala na kaming balak na sabihin pa kay Kein yung iba dahil alam naming masasaktan lang siya.

Kaya din namin nabuo ang plano na iyon ay dahil para kay Kein. Gusto namin syang maging masaya, gusto naming bumalik ulit sila sa dati at ayaw naming mawala si Aiser sa'min.

Matalik namin syang kaibigan. Simula pa nung una, magkakasama na kaming apat. Hindi namin kaya na humiwalay siya sa'min dahil lang sa nangyaring gulo. Dahil lang sa sinisisi niya ang sarili niya.. kung yun man ang rason.

"Talaga??" hindi makapaniwalang sabi ni Kein.

Napangiti ako. Pagdating talaga kay Aiser, nagiging abnormal siya. I mean.. madaling magbago yung emosyon niya. Kamakailan lang, sobra syang tahimik. Ni isa sa'min hindi niya kinakausap at ngayon, kitang kita namin ang saya sa mukha niya.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon