Nathalie's POV
Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon dahil ni isa sa 'min ni Julian ay hindi nagsasalita. Basta na lang kami sumasayaw nang hindi nakatingin sa isa't isa pero nakikita ko sa peripheral vision ko na minsan.. ay mali.. MADALAS siyang tumingin sa 'kin. Oo madalas at pasimple pa siya!
'Bakit ba ako niyaya ng isang 'to?! Kasalanan 'to ni Lexie, eh!'
"Ehem.."
Napatingin ako kaagad sa kaniya nung magpapansin siya.
"O-oh??" nagugulat niyang tanong habang nakatingin sa 'kin. "Bakit masama ang tingin mo?"
"Psh!" asar kong inalis ang tingin ko sa kaniya.
Kanina pa niya ako hindi kinakausap at nakakainis 'yun para sa 'kin! Ni 'hoy' o 'mangkukulam'.. wala akong narinig! Hindi niya din na appreciate ang suot ko psh! Wala man lang "you're beautiful" o kaya naman "nice dress" pero wala! Kahit man lang yung damit lang sana ang pinansin eh 'no?.. pero wala! Ni hindi niya nga ako niyayang sumayaw! Basta niya lang inabot ang kamay sa 'kin!
"Upo na tayo." mariing sabi ko. Napatingin naman siya agad sa 'kin. Tumigil kami sa pagsasayaw.
"Ha?"
"Umupo na tayo."
"B-bakit? Masakit na ba ang paa mo?"
"Hindi. Gusto ko lang umupo. Bakit ba??" mataray kong tanong. Ngumuso naman siya ng bahagya.
Hindi ko alam kung maiinis ako sa ginagawa niya o ano.
"G-galit ka ba?" mahinang tanong niya at nakapagpatigil naman 'yon sa 'kin.
Biglang nawala ang inis na nararamdaman ko sa paraan ng pagkakatanong niya. Ibang iba siya sa Julian na nakakausap ko dati. Yung Julian na nasa harap ko ngayon, parang takot siya na magalit ako sa kaniya. Para syang bata na nagtatanong.
"Bakit mo naman natanong?"
"Parang galit ka eh."
"Eh, ano naman ngayon?" mataray kong tanong.
"W-wala lang." mahinang sagot niya.
Natigil kami sa pag-uusap nung may lumapit sa 'min na isang lalaki. Magkasing tangkad lang sila ni Julian at may hitsura siya.
"May I have this dance?" yung lalaki at nagulat naman ako. Si Julian naman ay biglang sumama ang mukha niya. Mukha siyang aso haha.
"No." mariing sabi ni Julian. Nakakunot ang noo niya, kunot na kunot haha. Gusto kong matawa ngayon dahil sa hitsura niya pero pinipigilan ko.
"Huh?" tanong nung lalaki. Tumingin siya sa 'kin, bahagya naman akong nagkibit balikat.
Sabay kaming napatingin kay Julian. "Masakit ang paa niya at kailangan niyang magpahinga kaya hindi pwede. Let's go." hinila niya ako kaagad!
Hindi kaya masakit ang paa ko!
"Bakit mo sinabing masakit ang paa ko?!" tanong ko habang hila hila niya ako pabalik sa table. Tumigil siya kaya napatigil din ako at hinarap niya ako.
"Tsh! Gustong mong makasayaw 'yon?!"
"Oh? Eh, ano naman ngayon kung gusto ko??" nakapamewang na tanong ko.
"Tsh! Magsama kayo!" sabi niya at agad akong iniwan. Napanganga ako sa inasta niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.
Sinundan ko siya pabalik ng table, nando'n si Aiser na kumakain. Taka niya kaming tinignan habang mabagal niyang nginunguya ang nasa bibig niya.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...