Chapter 39

443 16 3
                                    



Clive's POV

Nag-isip ako ng plano. Tuturuan ko ang lahat na lumaban at depensahan ang kanilang mga sarili at kasama ko sila Julian, Kein, Nathan at Dave para turuan ang lahat dahil may alam din sila sa pakikipaglaban dahil sila ay mga gangsters. Inisip ko yun dahil alam kong hindi ko sila kayang protektahan lahat kung sakali man na may mangyari bago pa man sila makarating, ang mga Zeldyck. At isa pa, nasa kamay nila ngayon si Miss Aiser. Alam kong kinakabahan ang mga kaibigan niya mas lalo na si Kein, maging ako, pero alam kong hindi siya mapapahamak. May tiwala ako sa kakayahan niya at alam kong walang makakatalo sa kaniya at yun ang ipinaintindi ko kay Kein kanina.

Flashback

"Wala ba tayong gagawin? Nasa kamay na nila siya!" sigaw niya. Kanina pa iya hindi mapakali sa kinaroroonan niya. "Hindi ba talaga kayo nag-aalala sa kaniya?!"

"Syempre nag-aalala kami bro," sabi ni Julian.

"Pwes kung totoo ngang nag-aalala kayo, bakit wala kayong ginagawa?? Bakit nakatunganga lang kayo dito? Kung takot kayo, mabuti ng ako na lang ang magtatakas sa kaniya. Ililigtas ko siya ng mag-isa." mariing sabi niya.

"'Wag kang padalos-dalos. Ipinapahamak mo lang ang sarili mo." wika ko.

Tumingin siya sakin ng matalim. "Si Aiser ang pinag-uusapan dito."

"Ayun na nga." panimula ko. "Si Miss Aiser ang pinag-uusapan kaya wala kang dapat ipag-alala. Nakakasigurado ako na hindi nila siya sasaktan dahil kapag ginawa nila yun, hindi nila makukuha ang gusto nila sa pamilya niya. 'Wag kang mag-alala dahil si Miss Aiser yun. May kaya syang gawin na hindi kayang gawin ng iba."

"Kahit na. Bakit ba kasi masyado kayong nagtitiwala sa kakayahan niya? Lahat ng tao may kahinaan at kung nalaman nila ang kahinaan ni Aiser, ano na lang ang gagawin niyo?"

"Wala syang kahinaan maliban sa pamilya niya... at ikaw."  napaiwas ako ng tingin pagkatapos kong sabihin iyon. Nanikip ang dibdib ko.

Simula nung pumasok ako dito at nakita ko ang mga ngiti ni Miss Aiser dahil sa kaniya, alam ko na. Masaya ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon, umibig si Miss Aiser.. pero masakit dahil hindi sa akin. Hindi siya sakin nagkagusto. Pero anong magagawa ko? Kung pwede lang sanang lumuhod at pakiusapan siya na ako na lang, ginawa ko na eh. Pero hindi. Dahil alam kong hindi na mababago ang isip ni Miss Aiser mas lalo na ang nararamdaman niya. Alam ko nung una pa lang na wala akong laban kay Kein dahil kahit na anong gawin ko, siya pa rin ang gusto ni Miss Aiser. Kahit na masakit, kahit na kitang kita ko sa mga mata ni Miss Aiser na mahal niya talaga si Kein, pinilit ko pa ring mag-stay sa tabi niya. Dahil may tungkulin ako na dapat kong gawin at isa pa, hindi ko kayang lumayo sa kaniya. Dahil kahit na anong mangyari, nandito lang ako sa tabi niya. Pero malinaw na lahat sa akin. Malinaw na, na hindi talaga siya magkakagusto sa akin. Kaya hindi na ako aasa. Siguro ito na ang huli. Kailangan ko ng itigil ang nararamdaman ko dahil ako lang ang nasasaktan. Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Nanatili akong nakatingin sa ibang direksyon. "Kaya pwede ba, magtiwala ka na lang sa kaniya."

End of Flashback

Hanggang ngayon, masakit pa rin. Kung noon, araw araw ay nasasaktan ako kapag nakikita ko lang silang magkasama, ngayon naman, mas triple ang sakit. Para bang may nakahawak ng mahigpit sa puso ko para mahirapan akong huminga at manikip ang dibdib ko. Tahimik lang ako pero ang totoo, ang sakit sakit na. Para bang nagising ako sa katotohanan. Katotohanan na hindi niya talaga ako magugustuhan.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon