Nikka's POV
'Nasaan na siya??'
Pumunta ako sa silid kung saan nakita at narinig ko ang pag uusap nilang mag ina ngunit wala akong nadatnan.
Lumabas ako para hanapin siya at pati na rin ang kaniyang ina ngunit hindi ko talaga sila mahanap.
"Hindi. Hindi pwede. May kailangan pa akong tanungin sa kaniya. May kailangan pa akong malaman.." bulong ko sa aking sarili.
Wala na ang mga estudyante at ako na lang ang natitira ngayon dito. Ang liwanag at dilim ay nag aagaw na sa kalangitan. Hindi ako pwedeng pumunta ng dorm ng walang nalalaman. Hahanapin ko si Krystal kahit na anong mangyari.
"Nikka,"
Napatigil ako sa paglalakad nung may tumawag sa 'kin. Pagkalingon ko sa likod ko ay nakita ko si Aiser.
"Ano pang ginagawa mo dito? May hinahanap ka ba?" tanong niya sa 'kin.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya kagabi bago siya lumabas ng kwarto para tignan kung saan nagmula ang putok ng baril.
'May kaya akong gawin na hindi kayang gawin ng mga taong ordinaryo.. katulad niyo.'
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang sinabi niya. Ang tanging naglalaro lang sa aking isipan ngayon ay 'kung hindi siya ordinaryong tao, sino siya o ano siya?'
"Nikka,"
Napatingin ako sa kaniya. Naghihintay siya sa sagot ko.
'Sasabihin ko ba sa kaniya?'
Bumuntong hininga ako bago ko siya sagutin.
"May hinahanap ako pero parang wala na siya." sagot ko sa kaniya.
Nanatili siyang nakatingin sa 'kin.
"Babalik na din ako sa dorm. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.
"Papunta na ako sa dorm nung makita kita kaya nilapitan kita." sagot niya sa 'kin.
Tumingin ako sa paligid. Wala na talagang tao. Nawalan ako ng pag asa. Humarap ako muli sa kaniya.
"Tara na. Mukhang hindi ko na talaga siya mahahanap." sabi ko at nagsimula ng naglakad. Sumunod din naman siya.
Aiser's POV
Pagkarating namin sa dorm ay kumain na kami at pagkatapos ay nagpahinga na. Ngunit nanatili pa rin akong gising. Papatulugin ko muna sila bago ako lumabas para makakuha ng impormasyon. Balak kong bumalik sa forest.
Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa 'kin kung sino ang hinahanap ni Nikka kanina. Hindi ko na siya tinanong pa dahil mukhang wala naman syang balak sabihin sa 'kin. Siguro hindi importante.
Ramdam ko, na pinapakiramdaman din nila kung tulog na din ako pero naghintay pa rin ako na makatulog sila. Nakapikit ang mga mata ko habang naghihintay at nararamdaman ko na madalas ay may tumitingin sa 'kin. Hanggang sa dumating ang madaling araw ay nakatulog na rin sila sa wakas. Ang himbing na ng pagkakatulog nila na maging si Nathalie ay humihilik pa.
Dahan dahan akong bumangon at binuksan ang pintuan ng kwarto at bago lumabas ay chineck ko pa muna sila. Pagkababa ko ng hagdan ay dumiretso na ako papalabas at nagtungo sa forest ng walang kahirap hirap kahit na maraming nakabantay sa paligid.
Pagkapasok ko sa forest ay naghanap ako kaagad ng isang taong nag iisa. Hindi mahirap sa akin kahit sampu pa sila pero ang gusto ko lang ngayon ay isang taong makakasagot ng lahat ng katanungan ko.
BINABASA MO ANG
Nerds In Love with Gangsters
RomanceMagkakaibigan sila mula pa sa pagkabata. Magtatatlong taon na rin mula nung pinili nilang magbago ng kanilang hitsura. Ang maging isang nerd. Ginawa nila 'yun dahil sa isang dahilan, ang atensyon, ang pinaka ayaw nila sa lahat. At sa tatlong taon di...