Chapter 6

581 17 0
                                    


Aiser's POV

Saglit akong natigilan sa pag galaw ng pagkain ko nung marinig ang huling linyang binitawan ni Vanessa.

Gangsters..

Nanatili kaming tahimik.

Inangat ko ang tingin ko at tumingin sa table nung apat. Masyadong tahimik yung tatlo maliban do'n sa isa. Wala sa itsura nila dahil parang normal lang sila na estudyante maliban do'n sa isa na mahilig sa itim. Pero kung titignang mabuti, parang may tinatago sila.

"H-hindi naman sila mamamatay tao 'di ba?"

Napatingin kami kay Nathalie na siguradong kinakabahan dahil sa sinabi ni Vanessa.

Mahinang natawa si Vanessa bago nagsalita. "Hindi sila mamamatay pero kaya nilang pumatay."

Napailing na lamang ako at muli kong itinuon ang tingin ko sa aking pagkain.

Lahat ng tao kayang pumatay.

Uminom agad sya ng tubig na para bang natuyuan ng lalamunan.

Hindi na nakakain ng maayos yung tatlo maliban samin ni Vanessa. Halatadong takot sila at kinakabahan. Nagtaka pa sila kung bakit tuloy tuloy pa rin ako sa pagkain na para bang hindi na bago sa 'kin ang sinabi ni Vanessa. "Hindi naman ako yung nakabangga." tanging sagot ko at nagpatuloy sa pag kain.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa taas ng walang kakatigil sa pagtalak si Nathalie.

"Ahh.. So, hindi mo ako tutulungan? Paano kung may nangyaring masama sa 'kin?!? 'Di mo pa rin ako tutulungan, Ha? Hindi mo pa rin ba ako tutulungan?!"

"Magkalimutan na pag naagrabyado yung isa? Gano'n ba, ha?!!"

"Oh?! Anong tinatawa tawa mo?!?" sita nya sa 'kin. Kanina pa kasi ako nagpipigil ng tawa.

"Tumigil ka na nga. Mukha kang ewan."

"Ha! At ako pa talaga ang mukhang ewan ngayon? Sino ba sa 'tin ang nang iiwan sa ere kapag gipitan?!?"

"Kelan ba kita iniwan? Iniwan ba kita nung panahong lagi kang nabubully? Hindi 'di ba?" natigilan sya. "'Di kita iiwan kaya wag kang mag alala."

Nagpatuloy ako sa paglalakad at naiwan naman sya ngunit agad naman syang humabol sa 'kin.

"Sabi mo yan ah. Kung hindi yan totoo, magkalimutan na talaga tayo!" sabi nya at natawa naman ako ng mahina.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating na kami. Nagsibalikan na kami sa kaniya kaniya naming upuan. Ilang minuto ang lumipas, dumating na rin yung apat kasabay ang next lecturer namin.

**

Lumipas ang ilang oras ay natapos din ang paulit ulit na pagpapakilala. Halos matandaan ko na nga lahat ng pangalan ng mga kaklase ko dahil paulit ulit nila 'tong sinasabi.

DISMISSAL

Agad na lumabas yung apat. Mas nauna pa sa teacher na lumabas. Si Vanessa naman ay nagpaalam na dahil pinapatawag daw sya. Hindi naman sinabi kung sino basta umalis na agad dahil emergency yata. Ngayon ay inaayos na lang ni Nikka at Kim ang mga gamit nila at aalis na kami.

"Fasteeeerr!!" inis na sabi ni Nathalie na parang nauubusan na ng pasensya.

"Wait nga lang! Parang may nawawala sa bag ko eh.." sabi naman ni Kim na kalkal ng kalkal sa bag.

"Burara ka lang kaya ganon."

"Psh! Can you please shut up? Just wait okay??" iritadong sabi ni Kim. Tumahimik na si Nathalie pagkatapos.

"Oh? Ano ba kasi yang hina---"

"Kyaaaaahhhh!!!"

"OMG OMG OMG!!!"

"WHO'S THAT????"

"HE'S SO HOT!!!!! KYAAAAHHH!!"

Natigilan kaming lahat na nasa loob ng classroom dahil sa ingay mula sa labas. Ang lakas ng tili ng mga babae na para bang kilig na kilig.

Lumabas yung mga ibang babae na kasama namin para tignan kung anong nangyayari sa labas. Kami naman ay nanatiling nakatingin sa isa't isa na para bang nagtatanong.

"Ano 'yun?" tanong ni Nathalie na nakatingin sakin. Nagkibit balikat ako dahil hindi ko din alam. Tatanungin nya ako eh nasa loob din ako kagaya nya.

"Hot daw." sabi ni Nikka.

"Wait, let me see." aligagang sabi ni Kim at agad na pumunta sa harap na pinto at lumabas. Si Nathalie naman ay agad din na sumunod.

"Nakarinig lang ng hot, lumabas agad. Nakalimutan niya agad na may hinahanap siya." nakangiwing sabi ko at natawa naman si Nikka. Umupo muna ako dahil nangangalay na ako kanina pa. Si Nikka nanatiling nakatingin sa labas.

Dinig na dinig namin ang tilian ng mga babae na kahit hindi ko nakikita ay mamatay-matay na sa kilig yung iba at yung iba ay nanghahampas ng katabi nila. Sa mga 'aray' at 'ouch' pa lang ng iba ay naiimagine ko na kung anong nangyayari sa labas.

"Ano kaya'ng nangyayari?" dinig ko na tanong ng ibang classmate namin na naiwan din dito sa loob.

"Tara labas din tayo. Baka bumalik sina First." sabi naman nung isa at lumabas na.

'First...'

First, Fourth, yun ang kakaibang narinig ko sa araw na 'to. Anong meron do'n?

"Aiserrrr!!!!"

Napalingon ako bigla sa harap dahil sa tawag na iyon. Hindi ko mabasa ang mukha ni Nathalie na tumambad pagkabukas ng pinto.

"Si Aki nanditooooo! Waaaahhh!!!!" sigaw nya at agad na bumalik sa labas.

Ramdam ko ang pagkunot ng noo ko dahil sa narinig ko.

'Ano ba naman ang naisip nya at gantong araw at oras sya pumunta dito?'

Agad kong inilabas ang cellphone ko at tinawagan sya. Agad naman nya itong sinagot.

"Pumasok ka sa loob kung ayaw mong pag pyestahan ka."

Pagkasabi ko no'n ay ibinaba ko agad ang linya. Pagkaangat ko ng tingin ay nakatingin na ang mga kaklase ko sa akin.

Ilang segundo ang lumipas ay bumukas ang pinto sa harapan. Pumasok silang tatlo. Si Kim, Nathalie at ang kuya ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad sa kaniya.

"To see them and this school." ngiti naman nyang sagot. Tinutuloy nya yung tatlo.

"Hmm. Kung ganon, maaari ka ng umalis." tipid kong sagot.

"Ang harsh mo naman Aiser!" sabat ni Nathalie.

"Joke lang." walang ganang sagot ko. "Tara na nga. Inaantok na ako."

"Tapos late ka na naman magigising?" sabi naman ni Kim.

"Depende." tanging sagot ko at naglakad na papalabas. "Lumabas muna kayo para makapagkwentuhan. Uuwi na ako." paalam ko sa kanila nang walang tinginan hanggang sa makalabas na ako.

May mangilan ngilan na mga babae ang nadatnan ko sa labas na parang may hinihintay ngunit nilagpasan ko na lamang sila dahil inaantok na talaga ako at nagugutom. Pagkasakay ko ng kotse ay agad ko 'yon pinaandar at mabilis na minaneho. Nung malapit na ako sa bahay ay biglang nag vibrate ang cellphone ko. Binagalan ko ang takbo ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Saglit na nawala ang antok ko dahil sa nakitang pangalan.

Ilang taon na din. Bakit kaya 'to napatawag?

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon