Chapter 12

577 18 0
                                    


Kein's POV

Marami ng tao nang makarating kami. Isa iyong napakalaking lugar para sa car racing at napakadaming tao ngayon ang nandito, na katulad naming gustong manood. Ang iba ay nagpupustahan at ang iba ay nandito lang para manood at maaliw. May napakalaking monitor kung saan makikita ang kabuuan ng racing tracks. May drone na lumilipad sa taas na nagsisilbing camera.

"Nice sports cars." mahinang papuri ni Dave habang nakatingin kami sa mga sports cars na nasa starting line na. Talaga namang napakaganda at mamahalin sa unang tingin pa lang ang mga ito.

Pumili kami ng magandang puwesto na makikita ang lahat. Nakatuon ang lahat ng racer sa pag aayos ng race car nila.

Hanggang sa inannounce na mag uumpisa na. Hanggang 3 laps ang laban at unahang makarating sa finish line ang lahat. Nagsigawan ang ilan na may kaniya kaniyang cheering. Ang iba ay may kung anong bagay na hawak na nakakagawa ng ingay habang sumisigaw.

Nag umpisa na ang laban. Natuon ang atensyon ko sa isang all black na sasakyan. Nasa hulihan ito ngunit isa isa nyang nilagpasan ang ilang mga sasakyan dahilan para matuon din ang atensyon ng karamihan sa kaniya.

Nangunguna ang isang lalaki na swabeng nagmamaneho ng kaniyang pulang sasakyan habang may nginunguya na gum na animo'y alam nya na na sya ang mananalo.

Nakaunang nakabalik yung lalaki at pangalawa naman ang nagmamay ari ng itim na Ferrari na syang tinitignan ko kanina pa. Ang lahat ay nakatuon sa kanilang dalawa at halos lahat ng kasama nila ay naiwan na. Ang iba ay hindi na umaandar dahil may dayaan na nagaganap. Isa itong maruming racing.

Panghuling lap. Ang announcer ay hindi matigil sa pagsasalita sa mic tungkol sa dalawang nag uunahan. Tinutukan ng camera ang dalawa. Ang iba ay nakatingin sa monitor at ang iba naman ay hindi. Nawala ang nakakalokong ngisi nung lalaki nung unti unti ay nakakahabol na ang itim na sasakyan.

"Nice. Mukhang matatalo pa nya ang last champion, ah?" dinig kong sabi ng katabi kong lalaki. Magkakrus ang kanyang braso at prenteng nakaupo. Nakatingin din sya sa itim na sasakyan habang ngingiti ngiti.

'Last champion pala yung isa. Kaya pala gano'n na lang ang kompyansa nya sa sarili.'

Hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin at muling ibinalik ang tingin sa laban. Naka focus ang camera sa lalaking nangunguna at gano'n na lang ang bulungan at hiyawan na animo'y nasisiyahan pa sa ginawa nung lalaki matapos niyang maghulog ng matalim na bagay sa daan. Akala ko ay hindi maiiwasan 'yon ng itim na sasakyan ngunit nabigo ako. Naiwasan nya 'yon ng walang kahirap hirap! Nanatili ito sa likod ng pulang sasakyan para kapag nagkataong may hinulog ang lalaki ay hindi sya magkakaroon ng aberya.

Malapit na sila sa finish line ngunit nanatiling gano'n ang sitwasyon. Nangunguna ang pulang sasakyan at naka buntot naman sa likod nito ang itim na sasakyan.

"Tapusin mo na." dinig kong sabi ng katabi ko. Kanina ko pa napapansin na boto sya sa itim na sasakyan.

Nung malapit na sila sa finish line ay do'n na lang humiwalay sa pagkakabuntot ang itim na sasakyan sa pulang sasakyan. Napatayo ang halos lahat ng tao habang tutok na tutok sa dalawang naiwang magkatunggali. Agad nitong binilisan ang pagpapatakbo at nagawa nyang makisabay sa pulang sasakyan. Ang camera ay nakatutok sa pulang sasakyan at naiinis na ko dahil hindi nito tinututukan ang itim na sasakyan dahilan para hindi makita kung sino ang nagmamaneho dito.

"Bakit ba sa kaniya na lang palagi nakatutok ang camera?!" inis na sabi ko. Narinig ko namang tumawa ang katabi kong lalaki. Si Dave naman ay tahimik lang na nanonood habang magkakrus ang mga braso.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon