Chapter 36

427 16 0
                                    


Aiser's POV

Lahat napaniwala sa sinabi ni Mallar na kung sino ang makakahanp sa akin ay makakalabas sa Fureton ng buhay at ngayon, ginagawa nila ang lahat para lang mahanap ako.

"Anong plano? Nakaisip ka na ba?"

Napatingin ako kay Clive nung magsalita ito. Tumango ako.

Nandito kami ngayon sa canteen para mag usap tungkol sa plano.

"May naisip na ako. Kailangan ko ng isang tao."

"Isang tao??" sabay sabay nilang tanong.

"Oo. Isang tao na itatakas ko dito mamayang gabi para pumunta sa mansyon."

Natigil kami sa pag uusap nung dumating si Dave.

"May pinatay na naman sila at yun na yung pangalawa. Lalaki ulit."

Kaninang alas-nuwebe ay tinotoo ni Mallar ang sinabi niya at may pinatay nga sya. Isang lalaking estudyante.

"Hindi sila pumapatay ng babae dahil baka mapatay nila ng hindi nila alam ang hinahanap nila." sabi ni Krystal.

"Tss. Mahihirapan talaga sila kung ang hinahanap nila ay hindi nila alam ang mukha. Mga walang utak." bulong ko sa bandang huli. "Balik tayo sa plano." tumingin ako sa kanilang lahat. "Gusto ko kayong itakas lahat dito pero alam kong mahihirapan ako, kami ni Clive, at isa pa masyadong delikado." sabi ko sa kanila.

"Naiintindihan namin." napatingin ako kay Lexie nung magsalita ito. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya at muling tumingin sa kanilang lahat.

"Kailangan ko ng isang tao na pupunta sa Sid Mountain."

"Sid Mountain?" takang tanong ni Nathalie.

"Doon sila nakatira."

Napatingin ako kay Lexie nung magsalita ito.

"Paano mo alam?" tanong ni Nathan. Maging ako ay ganon din ang gusto kong itanong sa kaniya.

"Dahil sa curiosity ko kay Aiser, naghanap ako ng impormasyon sa kaniya at sa pamilya niya. Ang ipinagtataka ko nung una, iba ang lumabas dahil pamilya Zeldyck ang nakalagay. Nagka-interes ako na basahin ang tungkol sa pamilyang iyon kahit na hindi naman talaga yun ang hinahanap ko. Doon ko nalaman ang tungkol sa mga Zeldyck at nakita ko rin ang mga mukha nila." tumigil siya saglit. "Pero ang ipinagtataka ko, ang isang myembro ng pamilya Zeldyck ay hindi ipinakita ang mukha. Nakalagay lang ang pangalan niya doon at yun ay Cassy Arcilla, na si Aiser pala. Ang ipinagtataka ko pa noon, walang information about her and yung surname niya ay iba. Hindi Zeldyck. Pero ngayon, naliwanagan na ako. Nalaman ko na ang misteryo."

Napangiti ako. "Magaling kang maghanap." sabi ko sa kaniya.

"Kaya siguro hindi alam ni Mallar ang mukha ni Cassy Arcilla." si Krystal.

"Maraming nakakakilala kay Cassy Arcilla pero sa pangalan lang at hindi sa mukha." sabi ko sa kanila. "Sa dati naming school, kilala lang ako bilang Cassy Arcilla na anak ng may ari ng school pero hindi nila alam na ang ama ko ay isang assassin."

"Teka," napatingin ako kay Nathalie. "Sid Mountain?? Akala ko ba.." takang tanong ni Nathalie.

"Hindi talaga kami nakatira doon." pagtutukoy ko sa nasa isip ni Nathalie na bahay na kung saan napuntahan na nila. "Sa Sid Mountain talaga kami nakatira. Doon ang lugar naming mga assassin at pribado iyon." dagdag ko pa.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon