Chapter 28

473 17 0
                                    

Aiser's POV

"Nakausap ko sila." panimulang sabi sa 'kin ni Clive. "Walang kahina-hinala. Walang nagbago."

Kumunot ang noo ko.

'Kumikilos na sila pero bakit gano'n?'

"Masiyado silang mautak tss.." inis kong bulong. Pagkaiwas ko ng tingin ay nakita ko si Kein na papalapit sa 'min.

Nandito kami ngayon sa quadrangle.

Hindi ko maintindihan ang mukha niya. Parang nag aalala siya at natatakot. Nangunot ang noo ko dahil do'n.

Ngunit nagulat na lang ako nung niyakap niya ako kaagad.

"O-oh.." sambit ko dahil ang higpit ng yakap niya na para bang nawala ako ng matagal.

"A-Anong n-nangyari sa 'yo?" takang tanong ko habang mahinang tinatapik ang likod niya ngunit ayaw niya pa ring kumalas sa pagkakayakap niya sa 'kin. Maslalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin.

"Akala ko iniwan mo na ako.." malungkot niyang sabi.

Bahagya naman akong nagulat at nagtaka. "Iniwan??" taka kong tanong at naramdaman kong tumango siya.

"Sumama ka sa kanila at iniwan mo ako."

"Sa kanila??" taka ko pa ring tanong sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Hindi ko kilala. Basta iniwan mo ako.. para sa kaligtasan ko." pabulong niyang sabi. Ang lungkot ng boses niya kagaya kahapon sa clinic. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko.  "Don't leave me, Aiser. Hindi ko kaya.." nakikiusap na sabi niya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya sa 'kin. Tumingin ako sa mga mata niya. Seryoso siya at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Hindi kita iiwan.." sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

'Hindi kita iiwan pero kung kina-kailangan.. gagawin ko.'

"Ehem.."

Napalingon ako sa likod ko gano'n na din si Kein. Nagulat na lang ako nung makita ang mga kaibigan ko pati na ang mga kaibigan ni Kein. Kompletong kompleto dahil nando'n din pati na si Lexie, Vanessa at Ben.

"Ang aga aga ng eksena niyong dalawa, ah!" medyo may panunuksong sabi ni Ben.

Teka.. nasaan si Clive?

Doon ko napansin na wala na si Clive. Tumingin ako sa kaninang kinatatayuan niya ngunit wala siya. Umalis ba siya nung dumating 'tong kasama ko ngayon? Tss..

Nagsimula na kaming maglakad. Katabi ko si Kein at magkatabi naman si Julian at Nathalie. Si Nathan at Dave naman ang magkasabay at nasa unahan sila. Nasa likod namin yung iba.

"O-Ohh," gulat na sambit ni Nathalie habang nakatingin sa malayo. Napatingin din kami do'n.

Sa hindi kalayuan, naglalakad sina Maegan at ang mga alagad niya at mukhang kompleto sila. Makakasalubong namin sila.

"Ngayon ko na lang ulit sila nakita.. ano kayang ginawa nila??" nagtatakang tanong ni Vanessa.

"Pati din ako, ngayon ko na lang ulit sila nakita." si Lexie.

"Hindi ba't pati do'n sa party.. wala sila? Iba yata ngayon ang trip nila, ha?!" si Ben.

Nung malapit na kami sa isa't isa, do'n nila kami napansin. Napatigil kami, gano'n din sila. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag hawak ni Julian sa kamay ni Nathalie at bahagya niya itong hinila papunta sa likod niya. Napatingin sa 'kin si Maegan at agad din niya itong binawi. Bumaba ang tingin niya at dali daling nagsimula na ulit maglakad kasama ang mga alagad niya patungo sa ibang direksyon.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon