Chapter 3

849 25 0
                                    



Aiser's POV

"GOSH! Parang inabot tayo ng isang araw dun ah?" sabi ni Kim sabay inom ng espresso nya.

Nasa starbucks kami ngayon at nagkwekwentuhan tungkol sa nangyari kanina.

"Narinig ko may nangyari kanina sa labas mismo ng sinehan kaya nagkaganon." sabi naman ni Nikka.

"Ano naman yun?" tanong ko.

"May pinagkaguluhan na mga lalaki." sagot sa 'kin ni Nathalie at tumango tango naman si Nikka bilang pagsang ayon. "Syempre pinagkagaluhan edi ibig sabihin ay gwapo! Sakto namang maraming bagets kanina kaya ayun!" dagdag pa nya.

"Ang galing ng tenga mo ah?" biro ko sa kaniya sabay kain ng cake.

"Eh pano naman.. lahat ata ng nakakasalubong natin kanina bago tayo pumunta dito e yun halos lahat ang sinasabi! Puro.. 'ang gwapo nila! Yiieee!'-- psh! Paano ako maniniwala kung hindi ko mismo nakita?"

"Hahahaha! Pero para sakin, gwapo nga sila." tumatango tangong sabi ni Kim. "Base kasi dun sa mga sinasabi ng iba."

"Nga pala, may bibilhin pala ako sa bookstore." biglang sabi ni Nikka.

"Eh di sasamahan ka namin."

Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa bookstore. May natipuhan ako na libro kaya bumili na rin ako. Pagkatapos ay hinatid na kami ni Kim at ng driver nya sa kaniya kaniya naming bahay at ako ang inuna nya.

"Sige. Salamat." sabi ko pagkababa ko ng sasakyan.

"Gusto nyo bang pumasok muna?"

"Hindi na.. kailangan ko din magpahinga para makapag beauty rest ako hahaha!" tawa ni Kim at natawa naman kami.

"May aasikasuhin naman ako.. next time na lang." sabi ni Nikka kaya tumango ako.

"Next time na lang din ako hehe.. pakikamusta nga pala kami kay Aki! Kanina kasi wala sya nung sinundo ka namin.. sayang." sabi naman ni Nathalie kaya tumango ako sa kaniya.

"Sige. Mag ingat kayo." paalam ko sa kanila bago sila umalis.

Nung hindi ko na sila natanaw pa ay pumasok na ako ng gate at agad naman akong sinalubong ng maid namin.

"Good afternoon Miss Cassy.." bati nya sakin gamit ang pangalawa kong pangalan. Tumango lang ako sa kaniya.

"Ako na po magdadala," sabi nya kaya inabot ko sa kaniya ang dala dala ko maliban sa isa.

"Ako na ang bahala sa isang 'to." sabi ko at pumasok na kami sa bahay.

"Si Aki?"

"Nasa pool area po Miss Cassy."

"Hmm. Sige, iwan mo na lang 'yan dyan.. ako na bahala." utos ko sa kaniya. Hindi ko ipinapasok sa kwarto ko ang kanina'y dala dala kong mga gamit dahil ayaw na ayaw ko ang may pumapasok do'n.

Dumiretso ako sa likod ng bahay at nakita ko si Aki na nakaupo habang may tuwalya pa sa balikat at basa ang buhok.

"Ngayon mo pa naisipang mag swimming nung malapit na ang pasukan ha? Tsk tsk." napalingon sya sa likod nya at nakita nya ako.

"Oh." abot ko sa kaniya ng dala ko.

"Ano 'to?" takang tanong nya ngunit hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko lang sya habang binubuksan nya yon.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon