Chapter 30

469 21 0
                                    

Aiser's POV

Pagkaalis nila ay doon ko nailabas ang inis na nararamdaman ko.

Gusto kong pumatay ng tao sa oras na 'to. Gusto kong may pagtuunan ang inis na nararamdaman ko upang sa gayon ay mabawasan ito pero wala akong mahanap.

Pero sa ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang mga mata niya. Ang mga mata niyang may gustong sabihin pero hindi niya magawa. Sobrang makahulugan ang tingin niya sa 'kin at hindi ko 'yun maintindihan.

"May nararamdaman akong kakaiba." walang ano ano'y sambit ko. Naramdaman kong napatingin naman sakin si Clive.

"May mali.." kunot noong sabi ko. "May mali sa eskwelahang ito. May nangyayari dito na hindi ko maintindihan.. hindi ko maipaliwanag."

Tumingin ako kay Clive. "Dati, may nangyaring gulo dito. Kasama kami sa gulong yun. Habang binubully kami sa harap ng maraming tao, napansin ko ang mga Teachers na nanonood lang samin. Wala silang pakialam sa nangyayari. Nanonood lang sila noon at wala silang ginawa para matigil ang gulo." kwento ko.

"Pagkatapos ng nangyari, pumunta ako sa Principal. Kinausap ko siya tungkol sa mga guro na nanonood lang at walang ginawa noong oras na iyon. At ang sagot niya, away bata lang iyon kaya hindi na lumapit pa ang mga guro na nakakita. Nainis ako dahil do'n. Dahil sa inis ko, tinanong ko siya kung pwede bang gumanti kung sakaling maulit man ang nangyari o higit pa do'n ang mangyari,"

"What is her answer?"

"Do what you want. 'Yun ang sagot niya."

Muli kong naalala ang nangyari noon at ang napag usapan namin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin 'yon makakalimutan.

"For real??" takang tanong ni Clive. Hindi ako sumagot kaya natahimik siya. Alam niyang oo ang sagot ko para do'n.

"Hindi ako makapaniwala nung oras na 'yon. Isang Principal, pumayag sa tanong na 'yon? Tss.. kalokohan."

"Nung napahamak si Nathalie dahil din do'n sa mga nangbully sa 'min, ginawa ko ang sinabi niya. Hindi ako gumanti.. pero binantaan ko ang mga buhay nila."

Muli kong naalala ang sobrang panginginig ni Maegan nung gabing 'yon. Ni hindi siya makalunok ng normal dahil sa bantang sinabi ko sa kaniya. Ang pawis niya ay agad namuo sa noo niya. At dahil sa sobrang takot, hindi niya alam kung saang direksyon ang tatakbuhan niya nung binigyan ko siya ng tyansang umalis.

"Ngayon naman, hindi ko maintindihan ang mga tingin niya sa 'kin kanina. Blangko ang mukha niya pero nakikita ko sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin."

"At kanina, pinakinggan kong mabuti ang boses niya noong nag anunsyo siya." kumunot ang noo ko noong maalala ko ang tinig ng boses niya. "May mali sa bawat salitang binibitawan niya. Dinig na dinig ko ang kaniyang paglunok at pilit niyang inaayos ang kaniyang pagsasalita para lamang hindi mautal ngunit hindi siya nagtagumpay dahil bawat pagbigkas ng mga salita ay naririnig ko ang utal utal niyang boses. Hindi ako sigurado pero.. parang kinakabahan siya nung oras na iyon." dagdag ko pa.

"Hindi ko 'yon napansin pero nakita ko kanina ang paraan ng pagtitig niya sa 'yo." sabi ni Clive na ikinalingon ko sa kaniya. "Gano'n din ang nakita ko sa mga mata niya. May gusto siyang sabihin sa 'yo. Pero ang tanong.. ano 'yon?"

"'Yun din ang gusto kong malaman." sagot ko sa kaniya. "Sa ngayon, gusto kong bantayan mo ang mga kilos nung mga lalaki kanina. Nandito pa rin sila hanggang ngayon at sa nakikita at nararamdaman ko, may kakaiba sa kilos nila."

Sandaling katahimikan ang namayani.

Habang nag iisip ako tungkol do'n sa mga lalaking nakaitim kanina ay nagsalita si Clive.

Nerds In Love with GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon