Prologue

12.2K 199 5
                                    

Book 2 po ito.Huwag niyong babasahin pag di niyo pa nababasa yung book 1. The Gangster's Love ang title ng Book 1.

********************************

"Sigurado ka?" Tanong ni Kaira mula sa kabilang linya.

"Yeah." Pinatay ko na agad ang linya ng tawag at pumasok sa elevator. Pinindot ko ang pang 14th floor at nagcross arms habang naghihintay.

Nung bumukas ang elevator ay agad akong tumapak palabas at nagsimulang tunguhin ang sadya ko rito.

May mga bumabati sakin pero hindi ko pinapansin.

Snob? Oo.

"Do you have any appointments with Sir Kim. Maam?" Tanong sakin ng isang babaeng sa pagkakaalam ko ay secretary ni Mr. Kim.

"Move." Utos ko.

"But maam you ca---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at tinignan ko nalang siya ng masama.

"Y-you may enter maam." Nanginginig niyang binuksan ang pinto at agad akong pumasok. Binalibag ko ang pintuan kaya napatingin sakin ang lalaking nakaupo sa swivel chair niya.

"Manners Miss Arceo." Seryoso niyang sabi.

Manners? How come na hinahanapan niya ako ng bagay na wala siya? Patawa lang?

"Mister Kim. Ibalik mo sakin ang ticket ko." Lumapit ako sa kanya at nilahad ang kamay ko.

"Wow? You knew?" Sumandal siya sa swivel chair at pinaikot ikot ang hawak na ballpen.

"Wala namang ibang magnanakaw ng ticket ko maliban sayo, Christian." Napangisi siya.

"You really love my name huh? You can call me Chris or even Ian but you kept on calling me Christian." So anong pinaglalaban niya?

"I don't care about your issues regarding my name callings, All I want is My ticket." Ngumisi siya at may kinuha sa drawer niya. Ang ticket ko.

"So bakit nga ba Christian ang tawag mo sakin?" Wika niya habang hawak ang plane ticket ko.

"Duh. Tanga ka? Pangalan mo yun diba?" I rolled my eyes on him and he just nodded as if he agreed on what I said.

"Ang hard mo naman Pot." Nag init ang ulo ko nung tinawag niya akong pot.

"Oh Please Christian Kim. Quit it already! Give me back my ticket." Inabot ko ang ticket pero inangat niya lang ang kamay niya.

"Penge munang kiss." Nakangisi niyang sabi.

Yan siya eh. Yan si Christian Kim. Four years ago nung makilala ko siya dito sa New York.

Hindi man halata pero malaki ang pasasalamat ko na bigla nalang siyang lumitaw nung mga panahong nasasaktan ako dahil sa pagtratraydor ni Ian/Dale.

Kasu madalas naiinis ako sa kanya dahil epal siya. Napatunayan. Kung napansin niyo, Kaapelyedo niya si Ian. Tuwing tatanungin ko naman siya kung bakit kaapelyedo niya ay ngingiti lang siya. Inisip ko tuloy na magpinsan sila pero naalala kong Villegas pala ang tunay na apelyedo ni Ian. Kaya wala ng kasu sakin kung magkaano ano sila. Siya rin pala yung lalaking nagtawag sakin ng pot nung High School.

"Pam pam ka talaga. Amin na yan. Bukas na ang flight ko!" Patuloy kong inaabot ang ticket sa kanya pero patuloy niya itong nilalayo.

Nagtataka lang ako kung paanong nanakaw niya ang ticket ko. Ibang klase.

"Kiss ko nga kasi."

"Tang ina mo lang." Mura ko sa kanya.

"Aray naman Ara. Kung murahin mo ako parang hindi ko niligtas ang buhay mo." Napatigil ako. Nakalimutan kong sabihin na siya ang nagligtas sa buhay ko. Remember nung naaksidente ako? Siya yung nagdala sakin sa Hospital.

"Yung ticket ko kasi." Naiirita na ako. Ang galing talaga ni Christian pagdating sa pambwibwisit sakin.

"Bakit ba atat na atat ka nang umuwi?" Tanong niya.

"Eh ikaw? Bakit ba ayaw na ayaw mo akong pauwiin?" Balik ko na tanong sa kanya.

"Handa ka na ba talaga?" Seryoso na siyang nagtatanong sakin.

Tumingin din ako sa kanya ng seryoso.

Simula nung pumunta ako dito sa New York ay kinalimutan ko na lahat ng nakaraan.

Kabilang na ang naging relasyon ko sa kanya.

Apat na taon.

Apat na taon ang pinalipas ko. At ngayon, Masasabi kong handang handa na ako.

Maliban sa mga kapamilya at kaibigan ko. Pati na rin sa bwisit na si Christian. Hindi na ulit ako nag papasok ng kahit na sinong lalaki sa buhay ko.

Once is enough.

"Handa na ako." Nagbuntong hininga siya at inabot na sakin ang plane ticket ko.

Nagumisi ako at lumabas na ng opisina niya.

Tinawagan ko si Kaira.

Tatlong ring palang ay sinagot na niya.

"Hi Kaira. Humanda kayo, I'm going home. And it's for sure." Nakangisi kong sabi.

Panahon na para bumalik.

Be ready VMafia. Blinder Princess is coming home. Now Bolder and Tougher.

Fairytale? Naniwala na ako noon jan. Pero isa pala yung kalokohan.

Kaya ngayon. Ipapangako kong hindi na ulit ako maniniwala pa sa happy endings and sweet nothings.

++++++++++++++++++++++++++++++++

Fairytales are just fake happy endings so people won't be afraid to fall in love.

--------------------------------------------------

Author: Hey guys. Book 2 po ito. Book 2. Kung hindi niyo pa po nababasa yung book 1 (The Gangster's Love) huwag po muna kayong magproceed dito. Sequel ito. Pero pag nabasa niyo na yun. Then support na kayo rito just like sa pagsupport niyo sa TGL. :)

~PSH<3

Ps. IAN on the multimedia. Gwapo no?? Hahaha

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon