Fairytale 49: (Key to Freedom)

2.8K 62 0
                                    

Ara's POV

Nagising ako sa ingay ng alarm clock. Pinatay ko yun tapos pumikit ulit. Gash. Puyat pa ako.

Makukuha ko na sana yung tulog ko kaso biglang nagring ang phone ko.

"WHAT?!" Bungad ko.

(Good morning to you too, baby.) Naparoll eyes ako.

"Tigilan mo ako. Huwag mo akong bwisitin ng ganito kaaga." Naiinis kong sabi sa kanya bago ko siya babaan ng tawag.

Ilang segundo matapos kong ibaba ang tawag ay may kumatok sa pinto ko.

Tumayo ako para pagbuksan ang kumatok only to see Ian na may dala dalang pagkain. Napataas ako ng kilay.

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya.

"Breakfast." Nagtaka ako. Bakit parang ang bilis niyang mag handa?

"Nung tumawag ka ba sakin kanina, Nasa harap ka na ng pinto ko?" I asked and he nod.

"Kain ka na." Pumasok siya sa kwarto ko kahit wala pa akong sinasabi. Hindi parin ako makapaniwalang kami na ulit. Naging kami na noon pero parang nawala sa sistema ko kung panu maging girlfriend sa kanya, automatic na natatarayan ko siya.

Tumungo muna akong banyo para maghilamos. Tapos lumabas na ako at naabutan ko si Ian na inaayos yung pagkain sa maliit na table.

"Ang dami naman niyan?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanya.

"Good for two kasi to." Sagot niya.

"So sasabay ka sakin?" I asked.

"Oo. Halika na." Umupo siya sa kama at ganun hinila niya ako patabi sa kanya. Nagsimula na kaming kumain at parehas kaming tahimik.

Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"I missed you Ara." Sabi niya habang nakangiti.

"Nagfifeeling Prince Charming ka ba? Wala tayo sa fairytale, di bagay satin yun, Mafia reaper ka, Gangster ako." Sabi ko sa kanya. Napangisi lang siya.

"Edi tawagin nating Black Fairytale." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Black Fairytale?" I asked.

"Oo. Eh kasi diba sa Fairytales, Maaapi muna bago maging masaya yung bida? Eh sa kaso natin, Tayo ang umaapi. Puno ng patayan, Barilan, dugo at gulo. Pero sa kabila nun, May nabuong pagmamahalan. At tayo yun, Kaya hindi lang simpleng fairytale ang meron satin, This is a Black Fairytale." Seryoso siya habang sinasabi yan.

"Corny mo." I said tapos kumain ulit. Kainis, kinikilig ako. Bwisit.

"You are my Black Fairytale Ara. Sa magulong mundo ng mga Gangsters na tulad natin, Natagpuan kita." Nilingon ko siya.

"Tss. You will always be my King, Mapa Zero, Mafia Reaper, GG, Ian Xandrei o kahit sino ka pa. You are my Love. You are The Gangster's Love." After saying that lalong lumawak ang ngiti sa mga labi niya. And before I knew it. He's kissing me passionately so I kissed back.

"Ikaw nalang gagawin kong breakfast." Nakangisi niyang sabi pagkahiwalay namin sa halik. Pabiro ko siyang sinampal.

"Huwag kang pervert." I said.

"What? We are both 21, Pwede na nating gawin yun." Naparoll eyes ako.

"Tsaka diba sakin ka na rin naman ikakasal?" Still nakangisi parin siya.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon