Fairytale 14: (New Bitch?)

3.7K 93 3
                                    

Ara's POV

"Ma'am, kape niyo po." Tinanguan ko lang ang sekretarya ko. Nilapag niya ang kape na pinatimpla ko tapos naramdaman ko na ang pag-alis niya.

Nandito ako ngayon sa opisina at tinatapos ang paperworks. Inutusan ako ni mom dahil dadalawin niya daw si Dad sa New York. Haaay! Kung dati parents ko lang ang busy, Ngayon pati ako na.

Naramdaman kong nagbeep ang phone ko. Pagtingin ko may message si Ungas. (Chris)

From: Ungas

Hoy! Beach tayo!

Aba?? Ayos mag-aya ah? Ano siya? Hari? Mukha niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at sumandal nalang ako sa swivel chair ko at hinilot ang sentido ko.

Ang dami ko pa palang aasikasuhin.

Tapos may dadaluhan pa akong meeting next week sa company nila Ian. Investor na ako eh. Haaay naman.

May biglang kumatok sa pinto.

"Pasok." Bored kong sabi habang nakapikit parin.

Naramdaman kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako dito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Chris na ngayo'y nasa harap ko.

"Tara sa beach." Nakangiti niyang wika.

"Ikaw nalang. Can't you see marami akong ginagawa?" Sabay pakita ko ng mga papel sa table ko.

"Ay sayang naman. Di bale next time." Hindi ko nalang siya pinansin at tinuloy ang ginagawa ko.

"Wala ka bang balak ibalik ang Gang Ass?" Natigilan ako sa naging tanong ni Chris.

Gang Ass?

"Para saan pa? It's all done." I said.

"Nah-uh. Hangga't may VMafia na nabubuhay. Hindi matatapos ang gulo." Nakangiti niyang sabi. Minsan nagtataka ako sa taong to. Alam niya lahat tungkol sa VMafia pero hindi naman daw siya Gangster.

"Oh come on. I know that facial expression. Hindi ako Gangster okay?" Kfayn!

"Tss." Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko.

**

"No. Hindi pwede yan. Masyado mo namang iririsk ang company kung yan ang gagamitin mo. Ayoko niyan." Reklamo ni Ian sa kasalukuyang nagrereport sa harap.

Nandito ako ngayon sa Extinct's at nakikipagmeeting.

"But Mr. Dale---"

"It's Xandrei." Putol niya sa staff niya. I wonder kung bakit ayaw niyang patawag ng Dale? Asarin ko nga.

"Alam mo kasi Dale, sa business pag hindi ka magririsk, Walang mangyayari sayo. Ano yun? Playing safe." I smirked.

"Nasasabi mo yan miss Vanessa dahil hindi sayo ang company na to. Investor ka lang." Whoa? Vanessa? Since when did he start calling me Vanessa?

"Investor man o hindi, Maaapektuhan ako kasi kasali na ako sa kompanyang ito. Hindi mo ba naisip yun?" Tanong ko pa sa kanya.

"Pero hindi ba masyadong risky yung pinoproposed niyang project." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala ka bang tiwala sa kanya? Unang una, Hindi mo naman siya kukunin sa kompanyang ito kung wala siyang alam. At kung wala siyang alam, Hindi niya maiisip yang project na yan. Ngayon tingin mo nagririsk siya dito? Hindi niya ipoproposed yan kung alam niyang wala kayong mahihita." Cool kong sabi.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon