Fairytale 27: (Mall)

3K 75 2
                                    

Ara's POV

"Hindi nga Ara? Wala talagang nangyari?" Pangungulit sakin ni Kaira.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung makauwi kami galing Tagaytay pero ayaw niya parin akong tigilan.Tanong siya ng tanong ng tungkol sa nangyari sa Tagaytay nung naligaw kami ni Ian.

Syempre nahihiya ako kaya ayokong magkwento. Binalaan ko si Ian na huwag magsabi sa kahit na sino.

"Ang kulit. Wala." Naiirita kong sagot. Nagpout naman sakin si Kaira.

"Imposible. Magdamag kayong magkasama at umaga na kayo nakabalik tapos walang nangyari?" Napairap nalang ako. Hindi ako titigilan nito.

"Wala talaga." Sabi ko.

Wala naman talagang nangyari eh.

Matapos ng nakakainis na kissing scene na yun. Hindi na kami nagkibuan hanggang sa makatulog na kaming dalawa. Magkatabi kaming natulog pero talikuran kami.

Pagkagising sa umaga hindi kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa resthouse nila Shantal.

"Ang daya mo." Naiirita na ako kay Kaira. Lumala ang pagiging childish simula nung nagbreak sila ni Jero.

Tsaka simula nung dumating yung pinsan niyang si LA galing Korea. Nakakainis nga yung taong yun eh. Masyadong feeling gwapo. Napasobra.

"Hello ladies." And speaking of the devil.

"Hi cuz." Natutuwa namang wika nitong si Kaira.

Kung ibang tao ako at hindi ko kilala si Kaira, iisipin kong magsyota ang dalawang to. Masyadong close to the point na nakakadiri na.

"Bakit ganyan ka nanaman makatingin sakin ha? Vanessa?" At isa pang nakakainis sa taong yan ay ang pagtawag tawag niya sakin ng Vanessa. Naiirita ako.

"Will you stop calling me Vanessa?" Irap ko sa kanya pero tumawa lang siya.

"Nga pala. May lalaki sa tapat ng bahay niyo at sinabi niyang boyfriend mo daw siya." Sabi ni Lucas kay Kaira. Nakalimutan kong sabihing nandito ako kila Kaira ngayon. Actually, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito.

"Huh? Si Andrex?" Parang bigla namang nabuhayan si Kaira sa sinabi ng pinsan niya.

"Nanjan sa labas si Andrex?" Tanong niya pa.

"Andrex pala pangalan nun? Well, napagtripan ko. At sinabi kong boyfriend mo ako nung tinanong niya kung sino ako." Tumawa tawa pa si Lucas kaya naman nakatanggap siya ng batok kay Kaira.

"Ugok! Bakit mo naman sinabi yun? Nakakainis ka!"

"Hahaha. Nakakaaliw yung itsura niya. Nag-uusok na yung ilong sa galit eh." Wika ni Lucas.

Mukhang hindi na ako kailangan dito.

"Ara. Labasin mo nga si Andrex." Utos sakin ni Kaira nung akmang lalabas na ako.

"Utot mo. Utusan mo pa ako." Tuluyan na akong lumabas ng bahay nila.

Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Andrex sa gate.

"Hey." Tawag ko sa kanya. Lumabas ako ng gate at hinarap siya.

"Sino yung lalaking pumasok jan kanina?"

"Ah si Lucas. Pinsan ni Kaira." Dry kong sagot. Parang nabunutan naman siya ng tinik.

"Pinagtritripan ka lang nung lalaking yun. Misan lang ako gagawa ng pabor tutal bestfriend naman kita at bilang bawi na rin sa pambabasted ko sayo noon." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Natatawa ako pero pinigilan ko ang sarili ko sa pagtawa.

"Papapasukin kita pero huwag mong sabihin kay Kaira na ako ang nagpapasok sayo okay? Sige na." Tinap ko siya sa balikat at pinagtulakan sa loob.

Ako naman tuluyan ng umalis.

Natatawa ako habang iniimagine ko ang mangyayari sa bahay nila Kaira pag nagkaharap harap silang tatlo.

Ang dami kasing alam ni Kaira sa buhay. Masyadong paarte.

Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya napagdesisyunan kong magmall muna.

Binilisan ko ang patakbo ng sasakyan ko.

Wala pang isang 30 minutes ay nasa mall na ako.

Nagcrave ako bigla sa ice cream kaya naman pumasok ako sa isang ice cream house. Bumili ako ng Ice cream na nasa cone at nagmadaling lumabas.

Mag-iikot ikot muna ako dito sa mall.

Habang naglalakad ako ay may nakakuha ng atensyon ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

Bakit sila magkasama?

Close ba sila? magkakilala ba sila.

Bakit nag-uusap ngayon si Ian at si Chris?

Nastuck lang ako sa pagtitig sa kanila nung mapansin ako ni Ian. Mukha siyang nagulat na makita ako. Napalingon din si Chris sa direksyon ko at tulad ng reaksyon ni Ian, Gulat rin siyang makita ako. Or rather be, Gulat silang nakita ko sila.

Anong meron?

Akma akong lalapit sa kanila nung biglang nagkaroon ng commotion sa harap ko.

Nababangga bangga na ako ng mga babae kaya naman nabwisit ako.

"TABII!!" Sigaw ko kaya napatigil sila sa pag sigaw.

Tinignan ko yung pinagkakaguluhan ng mga babae at nakita ko ang isang lalaki na may kasamang babae.

Namumukhaan mo yung babae. Siya yung niligtas namin noon mula sa mga gang na gustong kunin siya.

Tapos yung lalaki pamilyar din.

Teka??

Siya nga!!!

Yung PA ni Ian?

Sikat pala siya?

Nabalik ako sa wisyo nung magsigawan nanaman ang mga babae kaya naman dun mo lang narealize na kailangan ko palang hanapin sila Chris at Ian.

Pero pagtingin ko sa lugar kung nasan sila kanina.

Napamura nalang ako ng mahina nung wala na sila dun.

Nakakaasar. Magkakilala ang dalawang yun?

Pero akala ko ba hindi sila close?

Lalo tuloy akong nagduda sa pagkatao ni Chris.

Sino nga ba talaga si Chris?

------------------------------------

Picture: Ayen Chua.

Hindi pa kasi ako nakapagpost ng Pic niya eh.

Vote and Comment.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon