Fairytale 39: (Missing)

2.8K 66 0
                                    

Ian's POV

Nakatingin lang ako sa papalayong kotse ni Ara. Napatingin ako kay Dale na seryosong nakatingin sakin.

"What was that?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya.

"Bakit ka nagpakilala? Lalong magugulo ang utak nun. Baka malabo nanaman siyang magtiwala sakin. Hirap na hirap na nga akong ibalik siya sakin ngayon tapos dadagdag ka pa." Naiinis kong sabi. Napakunot ang noo ko nung bigla siyang tumawa.

Malakas talaga ang tama ng kapatid ko.

"Hahaha. Nakakaaliw ka naman. Binawasan ko nga ang problema mo eh."

"Gag*. Binawasan ka jan! Dinagdagan mo kaya!" Sigaw ko. Bigla siyang may itinapong envelope sakin at buti nalang nasalo ko to.

"Ano to?" Tanong ko.

"Basahin mo." Wika niya.

Binuksan ko naman ang envelope at binasa ang papeles na nandito.

Agad nanlaki ang mga mata ko at tinignan ko si Dale na nakangisi sakin.

"P-panu mo nakuha to?" Takang tanong ko sa kanya.

"Hindi na mahalaga kung panu ko nakuha yan. Ang mahalaga, nakuha ko na yan." Napangisi rin ako.

Hindi ko akalaing ganito siya kabilis magtrabaho. Agad agad niyang nahanap ang taong yun.

"Ngayon. Ang kailangan nalang nating gawin ay makausap si Ara at makuha ang tiwala niya para matapos na to." Napasimangot ako.

"Panu natin siya makakausap eh galit na galit na yun ngayon kagagawan mo." Nagulat ako nung bigla siyang ngumiti. Yung ngiti niya na parang nakakaassure siya sa isang bagay.

"Trust me. I have plans. Si Ara mismo ang lalapit satin." Sabi niya kaya napatawa ako.

Nagbibiro ba siya? Si Ara? It's beyond impossible na siya ang lumapit samin. Sa ugali niyang yun?

"Trust me, Bro. Trust me." Pagkatapos niyang sabihin yan ay agad siyang sumakay sa motor niya at pinaharurot paalis.

Naiwan akong naguguluhan.

Hindi ko pwedeng i-under estimate ni Dale. Pag siya ang nagplano, For sure eksakto. Kaya kahit labag sa loob ko. I need to trust him.

Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar yun. Kailangan ko ng makauwi. Kailangan ko ng tulong ni Jeff.

Kaira's POV

"ANO??? NAWAWALA SI ARA?" Napatakip ako sa tenga ko nung sumigaw si Ayen.

Pumunta kasi ako sa bahay nila kanina at naabutan ko lang doon ang mga katulong nila.

Nasa ibang bansa pala ang parents ni Ara. Tapos si Ara, Dalawang araw na raw na hindi umuuwi.

Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala.

"Chill. Baka nakakalimutan niyong si Ara Arceo yun. Hindi yun mapapano." Cool na sabi ni Onyx. Magkakasama kasi kami ngayon dito sa bahay namin. Tinawagan ko sila agad matapos kong malaman na nawawala si Ara.

"Porket ba siya si Ara hindi na ako pwedeng mag-alala?" Sabi naman ni Ayen.

"Hindi yun nawawala. Namasyal lang yun." This time si Jero naman ang nagsalita.

Bakit ba ganyan sila? Parang wala lang sa kanila na nawawala si Ara?

"Guys naman. Huwag kayong ganyan. Hindi pwedeng mawala si Ara. We need her." I said.

"Baka naman may ginagawa lang research about sa revival ng gang ass. Kilala niyo si Ara. Kaya niya ang sarili niya." Sabi naman ni Ryca.

Hindi ko mapigilang mainis sa kanila. How can they say such things?

"Guys!! Naririnig niyo ba yang mga sinasabi niyo??" I hissed. Nakakapikon tong mga to.

"Hindi mawawala si Ara ng walang dahilan. Maybe may inaasikaso siya. Calm down Kaira. Si Ara yun." Nakangiting sabi ni Andrex. Pati ba naman siya?

"Kaira huwag kang OA. Malakas si Ara." This time si Ayesha na ang nagsalita.

Napailing iling ako.

"Bestfriend niya ako guys. Hindi ko maiwasang mag-alala. Alam nating lahat na mafia is after her. Panu kung.... panu kung..." Naiyak na ako. Maisip ko palang na nasa kamay ng mafia si Ara natatakot na ako.

Importante sakin si Ara. Kahit sadista siya. Bestfriend ko parin siya.

"Okay lang si Ara. She is our queen. She can handle everything." Saad ni Nicollo. Lahat sila ngumiti sakin.

Ewan ko ba kung sila lang tong walang paki o ako lang talaga ang OA.

Napabuntong hininga nalang ako tapos tumingin kay Andrex.

"Sorry." I mumbled. Natatakot lang kasi ako para kay Ara.

"She's okay." Napalingon kaming lahat sa nagsalita sa may pintuan.

Nagulat ako nung makita ko ang isang pamilyar na tao.

"Who the hell are you and what are you doing here?" Rinig kong tanong ni Andrex.

"I'm Dale Christian Villegas. The mafia reaper." And with that. Our jaw dropped.

------------------------------------

Author: Bitin? Pagod na ako magtype eh. Hahaha. Next UD? Ewan pa. Napipiga utak ko. Huhuhuhuhu :'(

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon