Fairytale 53: (The Great War)

3K 62 0
                                    

Ara's POV

"Baba na jan! Kailangan niyong makausap ang ama niyo!" Sabi ko sa dalawa.

"No!!" Sabay na sabi nila. Kanila ko pa kasi sila pinipilit pero ayaw talaga nilang bumaba.

"Dali na! Ililigtas pa natin sila Kaira after this!" Sabi ko pero hindi sila natinag.

"Ayaw niyo ha?" Sabi ko.

"Pwes, kung ayaw niyong lumabas ng kotse, Si sir Arthur ang papapasukin ko dito." Sabi ko sabay labas at nung makalabas na ako ay napangisi ako nung biglang sumunod yung dalawa.

"Tss. I knew it." I said. From afar ay nakita ko na sila sir Arthur na naglalakad palapit samin.

Nung makalapit na sila ay napansin kong aalis yung dalawa kaya naman piningot ko sila pareho kaya napabalik sila sa pwesto nila.

"Xandrei, Christian." Pagsisimula ni sir Arthur. Naramdaman ko na hindi na ako kailangan dito kaya naman pumasok muna ako sa kotse at iniwan ang mag-aama.

Tutal ito ang hiningin kapalit sakin ni sir Arthur, tutulungan niya ako basta tulungan ko rin siya sa kambal.

Third Person's POV

Magkakaharap na ang mag-aama. Nangangapa ang kambal at parehas hindi alam ang sasabihin ngayong kaharap na muli nila ang ama nilang matagal na panahon nilang di nakita. Lalapit sana si si Arthur pero tinaas ni Ian ang kamay niya sign na pinipigilan niya ang ama sa paglapit sa kanila.

"Alam kong galit kayo sakin dahil sa pag-iwan ko sa inyo." Sabi ni Arthur.

"Patawarin niyo ako."

"Nawala si mommy dahil sayo. Naiintindihan mo ba yun?" Mariing sabi ni Ian sa ama. Sa kambal, mas masama ang loob ni Ian kaysa kay Dale dahil na rin mas malapit si Ian sa ina kesa sa ama.

"Yan ba ang sinabi ng lolo niyo sa inyo?" Tanong ni Arthur.

"Hindi pa patay si Tina. Buhay pa ang ina niyo." Sabi ni Arthur. Hindi na nakapagpigil si Ian at nilapitan na ang ama tsaka ito kinwelyuhan.

"Gag* ka ba? Panu mo nasasabi yan? Wala ka dun nung ilibing si mommy, Iniwan mo kami!!" Sigaw ni Ian sa ama. Inilayo ni Dale si Ian.

"Yan ang pagkakaalam niyo? Pero natanong niyo na ba kung totoo?" Tanong ni Arthur sa mga anak. Hindi sumagot ang kambal. Nakatitig lang sila sa ama nila.

"Your mother is still alive, Yung nasa kabaong siguro nun ay wax figure lang." Natahimik ang kambal sa naging pahayag ng daddy nila.

Inutusan ni Arthur ang isang tauhan niya. Umalis ito saglit. Tahimik parin si Ian at Dale. Mabibigat ang paghinga dahil sa pigil na galit. Samantalang si Dale, kalma lang.

Maya maya pa ay bumalik na ang tauhan ni Arthur at may kasama itong babae. Isang babae na mahalaga sa buhay ng kambal liban kay Ara.

"Mom?!" Sabay na sigaw ng kambal.

"Ian! Dale!" Tumakbo sila Ian at Dale palapit sa ina at niyakap ito.

Meanwhile, gulat na gulat si Ara habang nakatingin mula sa loob ng sasakyan. Nakita niyang muli ang ina ng kambal na akala niyang patay na.

'Gash! Buhay si tita?'

Takang tanong ni Ara sa sarili. Napangiti siya nung makitang nakayakap ang kambal sa kanilang ina. Miss na miss na nila ito marahil.

Ara's POV

"Oh? Ganda ng ngiti niyo ah? Siguraduhin niyong hindi tayo matatalo ha?" Sabi ko sa dalawa na kanina pa nakangiti. Magmula nung nagreunion silang magkakapamilya ay wagas na ang ngiti nila.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon