Fairytale 17: (Reunion)

3.2K 86 8
                                    

Ara's POV

Asar kong sinara ang laptop ko bago ko tawagan si Chris.

(Oh? Napatawag ka? Namiss mo agad ako?) Feeling ko nakangisi pa tong taong to.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Christian..." Mahinahon kong sabi.

(Yes, Liara?)

"DIE!!! YOU BUSTARD!!! PAKSHET KA!!! LETSE!!! ANO TONG BWISIT NA NAKASAVE SA USB NA TO na PINAPANOOD MO SAKIN?? HUWAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN YOU IDIOT PERVERT!!!" Wala na. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsabog. Punyemas naman kasi tong ungas na to.

(Hoy. Grabe ka naman magsalita. Naisip ko lang kasi stressed out ka masyado kaya nag-isip ako ng paraan para mapagaan ang mood mo.) Paliwanag niya na para bang ang ganda ganda ng nagawa niya.

"Ughhh!! Pinainit mo pa lalo ang ulo ko!" Sabay baba ko ng cp ko.

Alam niyo ba kung ano ang laman ng USB niya??

Bwisit!!

Slide show lang naman ng mga pictures niyang topless. Ang tino diba?? Nakakabwisit to the tenth power!! Ang bastos ng walangya!! Fudge!

Feeling ko pinagtatawanan na ako nun ngayon. Takte!!

Kinuha ko ulit ang phone ko para tawagan si Kaira pero sakto. Tumatawag na siya.

(Ara!!!) Napalayo ako ng cp sa tenga ko dahil sa pag sigaw niya.

"Umayos ka. Pakaingay." Naiirita kong sabi.

(Hehe. Chill, may good news ako sayo babae!) Napakunot ang noo ko. Ano naman kayang good news nito?

"Ano?" Tanong ko.

(Nakauwi na si Shantal!! At magpapareunion siya!! Invited tayo. Dun daw sa resthouse nila sa Tagaytay tayo. Yippiee! 3 days stay.) I rolled my eyes.

"Duh. Alam kong nakauwi na si Shantal. Nauna niya pang ipaalam sakin kesa sa inyo." Walang kagana gana kong sagot.

(Huh? Peste ka talaga. Bat di mo man lang sinabi agad?)

"Nagtanong kayo?" Bland kong sabi.

(Urgh. Nice. Whatever. Basta punta ka ha? Dapat nandun ka. Next week yun.) After saying that binabaan niya na ako ng call.

Inam. Binababaan nalang ako ng tawag ngayon. Psh -_____-

Nagpaalam ako kay mommy at daddy na nasa New York parin. Inemail ko nalang. Ba! Mahal ang tawag no.

Mabilis lang lumipas ang isang Linggo kaya nandito na kami ngayon sa Tagaytay.

Specifically, Dito sa resthouse nila Shantal.

Ako, Si Kaira, Andrex, Ayen, Onyx, Ryca and Jero palang ang nandito sa salas. Si Shantal nasa kusina.

Ayos ah. Tatlong pair of lovers? So ano ako dito? Audience ng kalandian nila? Itong sina Onyx at Ayen nagkabalikan lang hindi na mapaghiwalay. Ah ewan.

Magkakaroom lahat ng girls sa iisang kwarto while ang boys sa other. Malaki naman ang kwarto at 3 beds per room. Solo ko sa isang kama tapos sila Ryca at Ayen magkatabi. Si Kaira at Shantal rin. Eh bakit ba? Ako ang reyna nila eh. Haha.

Napatingin kami sa pinto nung pumasok sina Ian at Clyde? Don't tell me kasama sila sa reunion na to?

"Anong ginagawa mo dito?" Napatayo si Andrex at tinanong yan sa dalawang kararating lang. Pinaupo naman siya ni Kaira.

"Girlfriend ko si Shantal." Sagot ni Clyde.

Tumingin kaming lahat kay Ian. Naghihintay ng sasabihin.

"Tss." Yan lang ang sinasabi niya. Poker faced.

"Guys. Tama na muna ang cold war. Tandaan niyo. Walang alam si Shantal sa nangyari 4 years ago. Huwag natin siyang idamay dito." Sabi ni Ayen.

"Let's act cool. Isantabi muna ang galit. For Shantal. Inosente siya, tandaan niyo." Dagdag niya pa.

"Oh! Anjan na pala kayo!! Haha." Napatingin kami kay Shantal na galing kusina. May dala dala siyanh tray sa may lamang jar of cookies at isang pitsel ng juice.

Nilapag niya sa coffee table sa tapat namin yung tray bago humalik sa pisngi ni Clyde at hinila silang dalawa ni Ian na makiupo. At dahil wala akong katabi. Pinaupo ni Shantal si Ian sa tabi ko. Oo nga pala, Hindi niya alam na wala na kami.

"Ayieeeh. Bagay na bagay parin talaga kayo ni Ian, Ara. The best!" Napaubo naman sila Kaira sa naging pahayag ni Shantal.

Anak ng pating. Bakit ba kasi ang inosente niya?

"Clyde. Samahan mo ako, kuha tayong baso." At hinila na ni Shan si Clyde papuntang kusina.

Naaawa ako kay Shantal, Di niya alam na myembro ng Mafia Famiglia si Clyde. For sure masasaktan siya, One way or another. Pero akala ko ba Mafia famiglia don't care? Yun ang sabi ni Clyde noon. Pero bakit ganito na ngayon? Ah paki ko ba?? Tsk.

Kumuha ako ng cookie sa jar pero nagulat ako nung kamay ang nahawakan ko. Pagtingin ko, Bumilis ang tibok ng puso ko. Kamay kasi ni Ian ang nahawakan ko. Sabay pala kaming kumuha ng cookie.

Nagkatinginan kaming dalawa.

Nakatitig lang ako sa mata niya at ganun din siya sakin.

*click*

Parehas kaming napatingin sa nagflash at nakita kong may hawak na camera si Shantal at mukhang kinuhanan kami ng litrato.

Sh*t. Hindi ko manlang namalayan na nanjan na sila. Ganun ba ako nadrown sa presence ni Ian?

"Cute. Kinikilig parin ako sa inyong dalawa after all this years!" Tuwang tuwang sabi ni Shantal.

Naghanap ako ng mababalingan ko ng atensyon at napatingin ako sa juice. Kumuha ako ng baso at naglagay ng juice tsaka ko ito ininom.

"Hindi ata kayo masyadong nag-uusap? Kadalasan kasi kayo ang maingay lalo na sa barahan." Sabi ni Shantal.

Nagkatinginan kaming lahat.

"Ang totoo niyan, Shantal. Wala na kami. Four years ago pa." Sabi ko. At kulang ang salitang gulat para ilarawan si Shantal.

"Seriously? P-pero... Pero bakit?" Tanong niya.

"Sort of a long story at huwag na nating balikan. Ilalagay ko lang ang gamit ko sa taas." Si Ian na ang sumagot sabay tayo niya at umakyat sa taas.

Napatingin naman ulit sakin si Shantal.

"What the hell happened? Bakit wala na kayo?" Tanong niya.

Hindi na ako umimik. Sumandal lang ako sa Upuan at pumikit.

Hindi ko rin kasi alam kung panu sasagutin ang tanong ni Shantal.

------------------------------------

Author: Matatagalan po ang next UD. Exams na kasi namin this week. Di ko pa alam kung kelan ako makakapag Update. Please understand. ^___^ Kamsa :))

Vote and Comment.

~PSH

Picture: Shantal Morfid.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon