Fairytale 30: (Ayesha and Nicollo 2)

2.8K 76 0
                                    

Ayesha's POV

Teach me how to love you

Teach me how to love you

Teach me how to love you

"Aaaaarrrgghhh!!!!" Sigaw ko bago ko takpan ng unan ang mukha ko. Nicollo's words are kept on playing inside my head.

Matapos niyang sabihin yun, Natulala lang ako sa kanya hindi ako makakibo hanggang sa inaya niya nalang akong umuwi. Pagkahatid niya sakin sa bahay, Mukha parin akong bangag.

"Arrgggh. Ang ingay mo naman Sha!" Sabi ni Ayen bago tumagilid.

Oo nga pala dito na ako sa bahay nila nakikitira. Ayoko nung una kasi nahihiya ako sa kanila pero pinilit pilit ako ni Yen kaya ayun. Nakitira na ako.

Kung nagtataka naman kayo bakit kami magkasama sa iisang kwarto, Well ito kasing si Ayen nag-insist na gusto daw akong makatabi sa kama kaya hinila niya ako papunta dito sa kwarto niya. At yun ang explanation kung bakit kami magkasama.

"Ayen." Tawag ko sa kanya.

"Oh?" Humarap siya sakin at halatang antok pa siya. 4:00 AM palang kasi ata ng umaga.

"S-si Nicollo." Utal kong sabi. Mukha namang nagulat siya kaya nanlaki ang singkit niyang mga mata at napabangon sa kama.

"KAYO NA?" Malakas na tanong niya.

Bumangon rin ako at hinarap siya.

"Hindi. Pero sabi niya tulungan ko daw siya na mahalin ako. Waaaah! Yen! Hindi ko alam kung anong irereact ko." Nakapout kong sabi.

"A-a-anong s-sinabi mo?" Tanong niya.

"Wala. I-I just stared at him." Napaface palm siya.

"Sana man lang pumayag ka para everybody happy na tayo! Wala ka ba talagang nararamdaman kay Nicollo? Kahit konti? Matagal na kayong nagdedate ah?" Sabi niya habang yakap yakap yung unan niya.

Humiga ulit ako tapos nagtalukbong ng kumot.

Inalis naman ni Ayen ang kumot tapos hinila ako paupo.

"Ano? Wala talaga?" Pangungulit niya sakin.

Hindi ako sumagot. Binigyan ko lang siya ng isang makahulugang tingin. Unti unting sumilay sa mga labi niya ang isang ngisi tapos napatakip siya sa bibig niya.

"Oh My Gosh!!! Nagkakagusto ka na kay Nicollo??" Napailing iling nalang ako sa inasal ng kapatid ko.

"Matulog na nga lang ulit tayo. " Sabi ko bago ulit humiga at matulog.

Nicollo's POV

"Si Ayesha? Girlfriend mo na?" Tanong sakin ni Onyx. Ewan ko ba kung bakit siya ang kasama ko. Basta basta nalang siyang lumitaw sa bahay at inaya akong magbilliards sa Clubhouse nila.

"Hindi pa nga. Ang kulit." Naiinis kong sabi bago tumira.

"Bakit kasi hindi mo pa ligawan? Inlove ka parin kay wifey no?" Pang-aasar niya sakin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Kailangan bang ipamukha sakin na sa kanya lang si Ayen?

"Loko pare. Parang ang dali daling mag move on ah?" Sabi ko. Tumawa lang siya tapos habang naglalagay ng tisa.

"Ligawan mo na kasi si Ayesha."

"Ayokong manligaw ng ibang babae para lang makalimot sa isang babae. Hindi ako ganun bro." Sagot ko sa kanya.

"Hanga rin naman ako sa prinsipyo mo." Wika niya.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon