Fairytale 3: (The Party)

4.1K 100 0
                                    

Kaira's POV

Haaaay. Ang haggard ko na. Bakit ba kasi nag-iisa akong anak? Ako lang tuloy ang nag-aasikaso dito. Nag out of the country ang parents ko.

And yes. Nabawi na namin si Dad 2 years ago.

About Gang Ass? Matagal ng nabaon sa limot. Kinalimutan na naming lahat ang gangster world.

Si Ara? Minsan nalang siya kumontak. Biglaan nalang siyang tumatawag or kaya ay nag-eemail.

"Date naman tayo. Matagal tagal na din simula nung huli tayong lumabas." Si Andrex yan. And yes, 4 years have passed pero kami parin. Nag-aaway kami pero alam niyo ang maganda? Sa apat na taon na relasyon namin never pa kaming naghiwalay. 2 beses lang din ang cool off. Hindi kasi namin pinapalagpas ang isang araw na hindi kami nagkakabati.

Kung sino ang may kasalanan, Magsosorry agad. Hindi kami nagpapataasan ng pride.

Nabalik ako sa wisyo nung maramdaman kong hinalikan ako ni Andrex.

"Paraparaan ka nanaman." Sabi ko sa kanya.

"Masyado kasing malalim ang iniisip ko." Wika ko sa kanya.

"Wind up ka muna. Tara labas tayo. Tama na muna yang work." Hinila niya ako patayo.

"Nasasabi mo yan kasi may sarili ka ng business." Sabi ko sa kanya. Palibhasa kasi siya tapos na ang training days. Nakapagpatayo na siya ng sarili niyang restaurant.

"Haha. Ganun talaga." Nagpout lang ako sa kanya at kiniss niya naman ako sa lips.

"Huwag" *kiss*

"Kang" *kiss*

"Mag" *Kiss*

"Pout." *kiss*

Pabiro ko siyang hinampas at tawa lang siya ng tawa.

"Bakit ba kasi ayaw mong manahin yung company niyo?" Wika ko sa kanya.

"Ikaw pa nga lang na magmamana ng company niyo nagiging busy na. Panu pa kaya pag tayo ng dalawa? Edi baka bilang nalang sa daliri ang pagkikita natin?" Wika niya.

"Kaya mas gusto mong magsarili ng business para babayaran mo nalang ang mga staffs mo kikita ka na?" Tanong ko sa kanya. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa.

"at makakatambay pa ako kasama ka. Papanuorin nalang kita maghapon." Buti nalang pala talaga at Business Management ang kursong inaral niya. Para kahit ayawan niya ang pagpapatakbo ng kompanya nila ay magagamit niya parin ang kakayahan niya.

Napatigil kami sa pagtitinginan ni Andrex nung nagring ang phone ko.

Nagtaka ako nung makita ko kung sino ang tumatawag.

"Sino yan?" Tanong ni Andrex. Inangat ko ang phone ko at iniharap sa kanya.

"Si Ara."

Ryca's POV

Nakauwi na si Jero. Kaya masayang masaya nanaman ang diwa ko.

"Ready ka na?" Tanong niya sakin. Nagnod lang ako bago niya ako pinagbuksan ng kotse niya. Sumakay na ako sa tabi ng driver's seat at umikot naman si Jero para makasakay sa driver's seat.

Nagsimula na siyang magdrive at tahimik lang naming tinatahak ang daan patungo sa LVSA hotel.

Nang makarating kami dun ay agad kaming bumaba ng sasakyan at sinuot ang maskara namin.

"Shall we?" Inalok sakin ni Jero ang braso niya so I cling unto it.

Nasa may pintuan na kami nung hinanapan kami ng invitation ng dalawang lalaking nagbabantay. Pinakita namin ni Jero ang invitations namin at pinagbuksan na nila kami ng door.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon