Fairytale 18: (Reaper's Love)

3.6K 88 9
                                    

Hindi ko matiis. Haha. Eto na.

Ayen's POV

Nakatingin lang kami kay Ara. Pinapakiramdaman namin siya.

Nakapikit parin siya at nakasandal sa upuan.

Bigla naman siyang tinabihan ni Tal at niyugyog yugyog.

"Huyyyy!!! Ara naman eh!! Bakit wala na kayo?? Naman naman." Patuloy lang sa pagyugyog si Shantal kay Ara samantalang kami ay nagdadasal na para sa ikabubuti ni Tal. Aba! Yugyugin ba naman ang Leon? Napakalakas talaga ng loob ng isang to. Sabagay kasi wala siyang alam.

"Ara Ara Ara Ara. Kwento na!" Patuloy sa pagyugyog si Shantal. Si Clyde mukhang hindi mapakali para sa girlfriend.

"Ara Ara Ara Ara." Patuloy parin sa pagchachant si Tal habang niyuyugyog si Ara.

"UGHHH!! ENOUGH!!" Halos malaglag naman si Tal sa kinauupuan niya nung sumigaw si Ara. Kami naman nagulat rin. Ang lakas kaya ng pagkakasigaw ni Ara.

Nagpout lang si Shantal sa kanya. Bilib na talaga ako sa lakas ng loob nitong babaeng to.

"Nakakainis naman kasi. Bakit wala na kayo?" Tanong ni Shan.

Pumikit lang ulit si Ara habang yung kamay niya nasa ulo niya.

Shantal poke Ara's side.

"Huy."

"He Betrayed me!! Happy now?" Sagot ni Ara. Mukha namang nagulat si Shantal sa naging sagot ni Ara.

Tumayo si Ara at lumabas ng bahay.

"G-ganun ba kaconfidential?" Tanong samin ni Shantal.

Tumango lang kaming lahat. Samantalang si Clyde, nag-iwas ng tingin. Sa totoo lang hindi ako komportable na nandito sila Ian at Clyde. Kung wala lang kaming malasakit kay Shantal ay baka nagka gyera na dito. Kaya mas maganda nalang na manahimik kami at idaan sa cold war ang lahat. Haaaay.

Ara's POV

Hindi ko matake ang pressure sa loob. Mababaliw ako kay Shantal. Yung mga tanong niya, Yun ang mga tanong na hindi ko alam kung panu masasagot. Buti sana kung may kinalaman si Shantal sa Gang Ass, Pero wala eh. Ang inosente niya.

Sa totoo lang, Ayoko naman talagang sumama dito eh. Kasu kesa naman na kulitin at bwisitin lang ako ni Chris araw araw eh mas gugustuhin ko nalang na makasaman sila Kaira dito.

Kahit pa nandito sila Ian at Clyde.

Mas komportable pa ako sa Cold War kesa sa mukha at presensya ni Chris.

Sa paglalakad ko ay nakarating ako dito sa garden ng resthouse nila Shantal. Umupo ako sa ilalim ng puno at nagsapak ng earphone. Mas gugustuhin ko nalang na makatulog dito kesa manatili sa loob. Ayoko doon. Para akong sinasuffocate.

Naramdaman ko ang unti unti kong antok hanggang sa makatulog na ako.

Third Person's POV

Habang natutulog si Ara sa ilalim ng puno ay hindi niya alam na pinagmamasdan siya ni Ian mula sa veranda ng kwarto ng boys. Mula kasi dito ay tanaw na tanaw ang kinaroroonan ni Ara.

Napangiti ng mapait si Ian. Sa totoo lang ay gustong gusto niyang sumugod kay Ara ngayon upang mayakap siya. Ang tagal niyang hinintay na makita ulit ang dalaga. Pero pinipigilan niya ang sarili niya dahil alam niyang mali. Alam niyang hindi pwede.

Nung araw na nakikipagbalikan siya kay Ara ay hindi niya gustong gawin. Nadala lang siya ng emosyon at selos. Aaminin niyang nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang nagkasama sila Ara at Chris... Pero wala siyang magawa, Wala siyang magawa kundi indahin ang sakit na nararamdaman.

Nung unang buwan na nasa New York si Ara ay hindi niya alam na sinundan siya ni Ian.

Oo, Sumunod si Ian doon dahil hindi niya kayang malayo sa dalaga.

Isa pang katotohanan. Nung nasa hospital si Ara at commatose ay lagi niya itong dinadalaw. Tinataon niya na walang tao, Kaya gabi ang dalawa niya. Hindi niya matiis ang dalaga. Tatlong buwan siya na patago kung dumalaw. Tanging mga doctor at nurses lang ang nakakaalam at pinakiusapan niya rin ang mga ito na huwag sabihin sa kahit na sino.

Nabasa niya rin ang text noon ni Ryca na gising na si Ara matapos ang tatlong buwan, Halos maluha siya sa saya.

Sa airport nung araw ng alis ni Ara ay nakatingin lang din siya mula sa malayo.

Pero tulad nga ng sinabi kanina ay sinundan niya si Ara at lihim na binabantayan sa New York. Isang buwan siyang namalagi doon.

Pag-uwi niya sa Pilipinas ay puro business at ang Mafia Famiglia ang inasikaso niya. Marami siyang gang na napabagsak tulad ng inuutos sa kanya. Siya ang mafia reaper kaya kailangan niyang gawin ang mga ganung bagay kahit labag sa loob niya.

Isa lang ang laging laman ng isip ni Ian. Mahal na mahal niya si Ara at lahat ay gagawin niya para rito.

"Ano ng plano mo?" Hindi na siya nagulat nung biglang sumulpot si Clyde sa tabi niya.

"Wala pa." Sagot ni Ian kay Clyde.

"Eh kung sabihin mo na kaya sa kanya ang totoo." Pahayag ni Clyde at tumingin din sa natutulog na si Ara.

"Totoong ano?" Tanong ni Ian kay Clyde. Huminga ng malalim si Clyde bago tumingin kay Ian ng seryoso.

"Hanggang kelan mo itatago ang totoo?" Pag-lilihis ng usapan ni Clyde.

Sumandal si Ian sa railings at napatungo.

Maski siya. Hindi na alam ang susunod na hakbang niya.

"Hindi mo kailangang akuhin lahat, Xandrei." Tinap ni Clyde ang balikat ni Ian.

"Wala rin naman akong magagawa." Pagsagot ni Ian.

"Kung ako sayo, Sasabihin ko na sa kanya ang totoo." Muling napatingin si Ian kay Clyde. Ngumiti lang si Clyde kay Ian bago tumingin sa langit.

"Sabihin mo na." Wika ni Clyde.

"Hindi ganun kadali yun." Sagot naman ni Ian at tuminging muli kay Ara.

"Malay mo mabawasan ang galit niya sayo." Natatawang sabi ni Clyde. Napabuntong hininga nalang si Ian.

"Sana nga ganun lang yun, Pero lalong magiging komplikado ang lahat eh." Sagot ni Ian at ginulo ang buhok niya.

"Hirap ng sitwasyon mo." Hindi na muli pang nagsalita si Ian sa sinabi ni Clyde.

"Pinaniwala mo siyang trinaydor mo siya, Eh hindi naman talaga.

Pinaniwala mo siyang Ikaw si Dale kahit hindi naman." Sabi ni Clyde sabay tapik sa balikat ni Ian at umalis na.

------------------------------------
Picture: Liara Vanessa Arceo <3

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon