Fairytale 38: (The Truth)

3.1K 76 3
                                    

Ara's POV

"Sigurado ka ba jan?" Tanong sakin ni Kaira.

Kasalukuyan kaming nag-uusap usap kung panu namin malalaman ang katauhan ng taong nagrerevive sa Gang Ass.

Kailangan naming malaman kung sino siya. Malakas ang kutob ko na hindi siya myembro ng Mafia.

"Sigurado ako." Seryosong sabi ko sa kanila.

"Pero bakit lalayo pa tayo? Bakit hindi nalang ang Mafia ang imbestigahan natin? I know sila ang nagpaparevive ng gang ass dahil in the first place, Sila ang nagpatayo nun." Saad ni Nicollo.

Tinignan ko sila isa isa.

"Hindi ang Mafia ang nagpaparevive sa Gang Ass." I said coldly.

Hindi sila. Alam ko yun. At alam ko na ibang tao ito. Ang tanong, sino?

"Paano ka nakakasiguro na hindi nga sila ang nagpaparevive?" Nakakunot noong tanong sakin ni Ayen.

I smiled sweetly.

"Pinagdududahan niyo ba ang sinasabi ko?" Tanong ko sa kanila habang nakangiti.

Sabay sabay silang napaiwas ng tingin.

So pinagdududahan nga nila ako.

Hindi ko inalis ang ngiti ko sa mga labi ko.

"Oh sige. Ganito nalang. Tutal pinagdududahan niyo ako. Bahala kayo sa buhay niyo. Gagawin ko ang gusto ko." Tsaka ko sila winalk-outan.

Anong akala nila sakin? Basta basta nalang nagdedesisyon na hindi man lang nag-iisip? Hindi ako papayag na ganun nalang yun.

Kung sino man ang nagpaparevive ng gang ass. Malalaman ko. Aanhin ko pa lahat ng connections ko kung aasa lang ako sa mga taong wala namang tiwala sakin diba?

Hihingi hingi sila ng tulong sakin wala naman silang tiwala. Masahol pa sila sa tanga.

"Ara!!" Napatigil ako nung may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko siya.

Wow. Sinundan ako ni Andrex.

"Oh?" Walang gana kong tanong.

"I believe in you." Sabi niya. Tipid akong ngumiti sa kanya bago magsalita.

"Okay then. Hanapin natin together kung sino ang utak ng revival na to." Sabi ko bago tumalikod.

Wala pa akong plano kaya kailangan ko munang mag-isip.

Sumakay ako sa kotse ko at umalis na sa bahay nila Kaira.

Habang nasa daan ako. Napansin ko ang isang pamilyar na kotse sa harap ko.

Tama. Sa kanya nga ang kotseng iyan.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinundan ko ang kotseng iyon.

Napansin niya atang sinusundan ko siya kaya bumilis ang patakbo niya.

Binilisan ko rin ang patakbo ko hanggang sa magkapantay na kami.

Binangga ko ang kotse niya na para bang naghahamon ako ng isang karera.

Binuksan niya ang bintana ng kotse niya at ganun din ang ginawa ko.

Mukhang nagulat siya nung makitang ako ang sumusunod sa kanya.

Nagdirty finger ako sa kanya tapos sinara ko na ulit ang bintana ng kotse ko tsaka ko siya inunahan sa pagpapatakbo.

Tumingin ako sa rear view mirror at napansin kong humahabol siya sakin.

Ikinanan ko ang kotse ko para hindi niya ako maabutan. Inilipat niya sa kaliwa ang kotse niya kaya inilipat ko rin yung akin. Hinaharangan ko ang dinadaanan niya.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon