Fairytale 46: (Higad)

2.7K 63 0
                                    

Ara's POV

Parang kahapon lang ang sweet niya sakin. Dinalaw niya pa talaga ako dito sa bahay tapos talagang inaalagaan niya ako.

Kagabi, katawag ko pa talaga siya tapos ang sweet sweet niya sakin. Samantalang ngayon ni isang text message wala siyang sinesend. Kung busy siya, Kadalasan naman sinasabihan niya ako agad. Samantalang ngayon, Ni ha ni Ho wala!

Tanghali na wala parin!

Arrrgggh!!

"Tama!" Sigaw ko nung maisip kong puntahan nalang siya sa company nila.

Kumain muna ako bago maligo and ready to go na.

Ginamit ko lang yung dati kong kotse at nagdrive patungo sa The Extinct's.

"Hi Miss Vanessa." Bati sakin nung isang babae pero inisnob ko lang siya. Paki ko sa kanya? Eh hindi ko naman siya kilala.

"Miss, to Ian Villegas please." Sabi ko sa counter.

"May meeting po si Sir ngayon maam Ara." Sabi niya sakin.

"Okay lang. Hihintayin ko nalang siya sa office niya kamo." Hindi ko na hinintay yung sasabihin nung babae at nagdiretso nalang ako sa elevator at pinindot ang 14th floor dahil nandoon ang office ni Ian.

At kung siniswerte ka nga naman. Nakasabay ko pa sa elevator si Amber.

"Hi." She smiled sweetly pero halagang fake.

Hindi ko siya pinansin. Wala akong panahon makipagplastikan.

"Nandito ka ba para bantayan si Ian?" Huwag mong pansinin ang pampam na yan Ara.

"Oh well, Magkakasama kami ngayon kasi may meeting. Nakakaawa ka naman, Mas major stock holder parin ako sayo kaya mas malaki ang papel ko sa kompanyang ito, Di katulad mo na singit lang." Napangisi ako.

"Mas marami kasing pinaprioritize ang company namin. You know? Arceo eh, Sobrang yaman at mas malalaking kompanya sa ibang bansa ang pinanghahawakan namin, Tsaka hindi namin priority ang The Extinct's." I smirked at her.

"Eh bakit ka nandito? Bakit ka nag-invest?" She asked.

"Wala kasi akong magawa sa buhay kaya gusto kong maglaro, At ang kompanyang ito ang natripan kong paglaruan." Sumama ang timpla ng mukha niya sa sinabi ko.

*ting*

Biglang bumukas ang elevator.

"Oh. Nasa twelfth floor na tayo, Labas na. At makimeeting ka na. At ako naman ay pupunta sa office ni Ian at doon siya hihintayin." Itinulak ko palabas ng elevator si Amber kaya muntik na siyang masubsob.

"Hey! What the!!" Akmang susugudin niya pa ako pero sumara na ang elevator. Napangisi lang ako.

Newsflash: Don't be a bitch infront of a super bitch, And that's me.

Nang nasa 14th floor na ay agad akong lumabas ng elevator para puntahan ang opisina ni Ian.

"Wala po jan si Sir Xandrei maam Ara. Nasa meeting room po siya." Sabi sakin nung secretary ni Ian. Kaclose ko to eh. Kasi kahit babae siya, Never siyang nanlandi kay Ian, Palibhasa loyal sa boyfriend.

"I'll wait for him inside." Sabi ko sa secretary at ngumiti siya sakin at pinagbuksan ako ng pinto.

Pagkapasok ko ng office niya ay agad kong sinara ang pinto at naupo sa Swivel chair niya.

Napangiti ako nung makita ko ang picture ko na nakaframe at nakadisplay sa table niya. Pati yung picture namin nung prom nung highschool.

Nangalkal pa ako ng ibang gamit niya at napangiti ako nung makita ko ang rubix cube na binigay ko sa kanya noon.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon