Fairytale 41: (Battle for the Crown)

2.9K 79 4
                                    

Third Person's POV

Bumwelo si Kaira at akmang susugod na kay Blood nung mabilis na makailag si Blood. Dahil sa gulat ay hindi na namalayan ni Kaira na nasa likod na niya si Blood at akmang tatamaan gamit ang katana niya.

Good thing malakas ang pakiramdam ni Kaira kaya nakaiwas siya agad.

Kabado namang nanunuod si Andrex para sa girlfriend niya. Alam niyang hindi basta basta si Kaira pero hindi niya maiwasang mag-alala.

Magkaharap na ngayon sina Kaira at Blood.

Pinapakiramdaman ang magiging kilos ng bawat isa.

Inikot ikot sa ere ni Kaira ang kanyang latigo at ipinalo ito kay Blood pero tumambling lang diya sa ere kaya hindi siya natamaan.

Si Blood naman ang akmang susugod kay Kaira pero nagslide si Kaira pababa at lumusot sa paa ni Blood.

Hinila niya ang paa ni Blood kaya napahiga ito sa sahig.

Napangisi si Kaira nung makitang napangiwi si Blood.

Inilabas ni Kaira ang dagger niya at akmang isasaksak kay Blood pero napigilan ni Blood ang kamay ni Kaira.

Itinulak niya palayo si Kaira sa kanya tapos tumayo.

Magkaharap na ngayon silang dalawa.

Inihagis sa ere ni Kaira ang dagger tapos pinaikot ikot ang latigo hanggang sa maitali sa latigo ang dagger at ito na ang ipinangpalo ni Kaira kay Blood.

Nagalusan ang makinis na balat ni Blood kaya nainis siya.

Pigil hiningang nanunuod si Andrex samantalang ang buong power alliance ay napapailing nalang.

Sumugod si Blood gamit ang katana nito at hindi iyon inasahan ni Kaira kaya nagalusan din siya.

Dumugo ang sugat niya pero nakangisi pa siya.

Sinipa siya ni Blood kaya natumba siya.

Akmang tatayo si Kaira pero inapakan ni Blood ang tyan niya.

Itutusok na ni Blood ang katana niya kay Kaira habang si Kaira ay kinakabahan na sa maaaring mangyari sa kanya.

Pasugod na si Andrex sa arena nung mabilis pa sa alas quatrong lumipad ang katana ni Blood at naihagis ito sa kung saan.

Napatingin sila sa babaeng sumipa sa katana.

Napangisi si Kaira sa nakita.

It's Blinder Princess.

"Blinder." Wika ni Kaira.

Pinasadahan lang siya ng tingin ni Ara at binalingan na si Blood na hanggang ngayon eh nakaapak parin sa tyan ni Kaira.

Sinipa ni BP sa sikmura si Blood kaya napalayo siya kay Kaira.

Tumayo naman si Kaira.

"You're back." Nakangiting sabi ni Kaira.

"Baba." Yan lang ang sinabi ni Ara pero natahimik na ang buong gang ass. Bumaba si Kaira at agad itong sinalubong ni Andrex.

Tumingin si BP kay blood na ngayoy nakatayo na.

"Balak mo daw maging reyna dito? Assuming." Nainis si Blood sa inasal ni BP.

"Mayabang ka nga talaga, Blinder Princess." Sabi ni Blood.

Napangisi lang si Ara.

"I know." Lalong nainis si Blood.

"You can't beat me." Wika ni Blood.

"Oh yeah. Watch me." At naglabas ng dagger si BP.

Pumorma na siya na handang sumugod. Si Blood naman ay naglabas din ng Pocket knife at pumorma rin.

Nagsusukatan ng tingin ang dalawa.

Nagsimulang sumugod ni Blood pero hindi man lang natinag si Ara sa kinatatayuan niya. Nung malapit na sa kanya si Blood ay naglabas siya ng baril mula sa likod niya at itinutok ito kay Blood kaya napatigil si Blood.

One thing about kay Ara. Sa pakikipaglaban, huwag puro sugod. Gumamit muna ng utak.

Ngumisi si Ara. "Nawala ka na sa porma. Pag ipinutok ko ito, For sure deadbol ka. Panu ba yan?"

Ngumisi rin si Blood.

"Hindi mo ipuputok yan."

"Panu ka naman nakasisiguro?"

"Ikaw yung tipo ng gangster na patatagalin muna ang paghihirap ng kalaban mo." Napangisi si Blood pero lalong napangisi si Ara.

"That WAS blinder princess back then. But now....."

*BANG*

Natumba si Blood.

BP shot her in her stomach.

"Huwag kang magmarunong." Yan nalang ang sinabi ni BP bago iwan ang malapit ng mamatay na si Blood sa may Arena.

Naglakad siya at napatigil ang lahat.

"I was, I am and I will always be the Gang Ass queen." Last line ni Ara bago lisanin ang Gang Ass at iniwan ang mga gangsters na nakatulala.

Their queen is a devil.

Someone's POV

"Blood is dead." Sabi ng kasama ko. Napakuyom ang kamao ko habang nakatingin sa arena kung saan tinatanggal ng mga gangsters ang katawan ni Blood.

Naglakad na ako palabas ng Gang Ass.

Lumala nga si Blinder kumpara noon.

"Young Lady. Hindi po ba kayo magpapakita sa kanila?" Nilingon ko ang kasama ko.

"Baka matulad ako kay Blood. Isa siya sa pinaka magagaling na assasin ng mafia pero napatay lang siya ng ganun ni Blinder Princess. Kailangan nating ireport to kay Boss." I said at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng Gang Ass.

'Balang araw, babagsak ka rin, Blinder Princess'

Another Someone's POV
(Ibang someone na to. Haha)

"Hindi sila kumagat." Sabi ng alagad ko.

"Kumagat sila." Nakasisiguro kong saad.

Kumagat sila dahil nakita ko doon si Death. Ang kaisa isang babaeng reaper ng VMafia. Lingid sa kaalaman ng lahat. Hindi lang sila DCV ang reaper. Pati na rin si Death.

"So far humahanga ako kay Blinder. Sa pagkakaalam ko, Assasin si Blood." Sabi ulit ng alagad ko.

"Huwag mong maliitin si Blinder. She's tough."

"Sina Ian at Dale. Nandoon sila." Napangisi ako.

Malamang nandun ang dalawang reaper.

Yung isa iniimbestigahan ang pagrerevive sa Gang Ass. Samantalang yung isa, Inaabangan ang pagpapakita ni BP.

Nakita ko rin ang buong Power Alliance.

Ayos

Kumakagat silang lahat sa pain.

I know in time.

The Great Battle will come.

Ang Paghaharap ng Gangsters at Mafiosos.

Nalalapit na ang pagbagsak ng Mafia Famiglia.

Nalalapit na.

Dahil alam kong sina Ian, Dale at Ara mismo ang magpapabagsak dito.

Lahat ng plinano ko ay nasusunod.

Ayos to.

------------------------------------

Author: Oh? Akala niyo tapos na ang mga revelations no? New Era na kaya mas magulo nanaman. Hahaha. Who's that two someone anyways?? Hmmm...

Hula hula dali!! Hahaha.

Vote and Comment.

~PSH

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon