Fairytale 32: (Huh?)

3.1K 74 2
                                    

Ara's POV

"Oh? Happy nanaman?" Taas kilay kong tanong kay Kaira. Ang daming alam ng bruha makikipagbalikan rin naman pala kay Andrex. Muntanga lang.

"Bakit ba ang bitter mo?" Reklamo niya sakin.

"Bwisit." I murmured.

Magkakasama kami ngayon dito nila Kaira, Ayen at Shantal.

Napansin kong tahimik si Shantal.

"Tahimik mo ata ngayon?" Tanong ko jay Shantal.

"Uhmm. May idea ba kayo about mafia?" Naibuga ni Kaira yung iniinom niyang juice samantalang si Ayen napatingin kay Shantal na nanlalaki ang mga mata.

"Bakit mo natanong?" I asked her.

"Nagdududa kasi ako about Clyde. Pakiramdam ko myembro siya ng mafia." Malungkot na sabi ni Shantal.

Gusto kong sabihing myembro nga si Clyde pero ayokong makialam sa kanila.

"Bakit hindi nalang si Clyde ang tanungin mo?" Saad ni Ayen.

"Ayoko. Natatakot ako sa magiging sagot niya." Dumukmo si Shantal sa lamesa. Nakalimutan kong sabihin na sinugod nila ako dito sa bahay namin.

"Nasan na pala sila Tito Kiel at Tita Monica?" Tanong sakin ni Kaira.

"Nasa Hotel namin. May inaasikaso para sa pagpapamana sakin ng lahat ng ari arian ng Arceo at Sui." I answered blankly.

"Ang yaman naman talaga ng lahi mo eh no? Pautang ka naman!" Sabi ni Kaira.

"Wow! Nahiya ako sa pagiging car dealers niyo!" Balik ko sa kanya kaya naman napatahimik siya.

Napatawa naman si Ayen sa naging sagutan namin ni Kaira habang si Shantal tahimik parin at down na down ang mukha. Yung tipong any minute papakamatay na siya. Joke. Oh? Bawal magbiro?

"Maam Ara, may nagpapabigay po." Biglang pasok ng katulong namin sabay abot sakin ng....

"Tuta?" Takang tanong ko habang inaabot yung tuta sa kamay niya.

"Sino namang magpapabigay?" Tanong ni Ayen.

Kinuha ko yung card na nakalagay sa ribbon ng aso at binasa.

Ara,

Ikaw kasi naalala ko nung nakita ko yang tuta.

~:)

"Walang pangalan. Smiley lang." Sagot ko sa kanila.

"Yaya. Sino nagbigay?" Tanong ko.

"Yung delivery boy po." Sagot ni yaya bago umalis.

Napatingin ulit ako sa tutang hawak ko. Isang labrador na kulay puti.

"Sino kayang magbibigay sakin ng aso?" Nag-isip pa ako pero hindi ko mapiga ang utak ko kung sinong magbibigay.

Hanggang sa maalala ko si Ian at Chris. Isa kaya sa kanila?

"Baka si Ian?" Binalingan ko ang nagsalitang si Shantal.

"Pwede. Baka makikipagbalikan na. Ayiieeeh!" Pang-aasar naman ni Ayen.

"MUUUUULIIIING IBALIIIIIIK ANG TAMIIIISSS NG PAG-IBIG." At nagsimula na silang kumanta.

Ako naman nakatitig lang sa aso. Napaka amo naman ng asong to.

"Anong ipapangalan mo jan?" Tanong ni Kaira.

"Uhmmm.." Nag-isip isip ako. Ano kayang pwedeng ipangalan sa asong to?

Tutal Babae naman siya.

"Vane." I said smiling.

"Vane?" Takang tanong ni Kaira.

"Short for Vanessa. Hi Vane." Inangat ko pa yung aso.

*Arf Arf*

Tumahol yung aso. Mukhang nagustuhan niya yung pangalan niya.

Tinawag ko si Yaya at ibinigay yung aso. Ipapaalaga ko nalang muna sa kanya.

"Shopping tayo? Tawagan mo sila Ryca at Ayesha." Sabi ni Kaira.

"Bakit di nalang ikaw? Tutal ikaw ang nakaisip." Sabi sa kanya ni Ayen.

"Mean." *pout*

"Tara." Yaya ko sa kanila.

"Saan?" Tumayo na kami at naglakad patungong labas.

"Shopping tayo." Nag unahan naman sila sa paglabas.

Inutusan ko si Ayen na kontakin sila Ryca at Ayesha.

Nagkanya kanya na kaming sakay sa mga sasakyan namin at dinrive patungong mall.

*mall*

"Bakit ka bumibili ng dog foods?" Tanong sakin ni Ayesha. Sila ni Ayen ang kasama ko dito sa pet shop.

Sila Kaira, Tal at Ryca nasa botique nila Ryca at namimili ng damit.

"Para yan kay Vane." Sagot ni Ayen kay Ayesha.

"Vane? Sino naman yun?"

"Bagong alagang aso ni Ara. May nagbigay kasi sa kanya na unknown person." Sagot ulit ni Ayen.

Naglakad na ako papuntang cashier para bayaran ang dog food na binili ko.

After naming mabayaran yun ay lumabas na kami ng pet shop para balikan sila Kaira.

Pero saktong paglabas namin. Nakasalubong namin si Ian na kasama nanaman si Amber.

Nagkatinginan pa kami ni Ian pero iniwas ko agad ang tingin ko. Naiinis ako sa kanya. Pakalandi niya.

"Andito pala ang dalawang photographer ng company namin." Umimik si Amber tapos nginitian sila Ayen At Ayesha.

Yung dalawa naman tumango lang.

"And Miss Arceo. Nice to see you here." Ayan nanaman yung infamous smirk niya. Nginisian ko lang din siya at hindi na umimik.

Aayain ko na sana sila Ayesha at Ayen kaso pagtingin ko, Wala na yung dalawa. Luminga linga pa ako. Teka! Nasan na yun? Iniwanan ba nila ako dito sa dalawang to?

"I think you're friends ditched you." Umiling iling pa siya kaya naman inirapan ko siya.

Lagot talaga sakin yung dalawang yun. Naaalala ko na pinahawak ko pala kay Ayen yung pinamili kong dog food.

"Aalis na ako. Hahanapin ko pa ang mga kaibigan ko." Paalam ko.Tinignan ko pa ng masama si Ian bago tumalikod.

Maglalakad na sana ako paalis nung may walang hiyang humila ng kamay ko kaya naman napabalik ako.

Pagtingin ko. Si Chris pala ang humigit sakin. Bakit nandito ang isang to? Kelangan ba sunod sunod ang kamalasan sa buhay ko?

Inakbayan pa ako ng loko.

"Let's have a double date then." Sabi ni Chris at lalong humigpit ang pagkakaakbay niya sakin.

Pero ano daw??

------------------------------------

Author: Suffering from WB T_____T

Picture: Christian Kim.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon